[go: up one dir, main page]

Ang panga[1] o sihang[1] ay maaaring dalawang nagsasalungatang kayariang bumubuo, o malapit sa pasukan, ng bibig. Maaari ding malawakang gamitin ang salitang panga sa kabuuan ng kayariang bumubuo sa arkong binubungan ng bibig at nagsisilbing pambukas at pansara ng bibig. Ito rin ang nagsisilbing kinakapitan ng mga ugat ng ngipin.

Panga ng tao (kung tatanawin mula sa harapan).
Panga ng tao (kung tatanawin mula sa kaliwa).
Panga ng tao (kung tatanawin mula sa ibabaw).

Sa mga artropod

baguhin

Sa mga artropod, ang panga ay puno ng chitin at nagsasalungatang pagilid, at maaaring bumuo sa mga mandible, chelicerae, o sa maluwag na kahulugan, mga pedipalp. Pangunahing tungkulin nito ang pagkamit ng pagkain, paghahatid sa bibig, at pagnguya.

Sa mga vertebrata

baguhin

Sa karamihan ng mga vertebrata, ang panga ay mabubuto o makartilahinong (binubuo ng malalambot na buto) at nagsasalungatan sa paraang patayo (bertikal), na binubuo ng pangitaas na panga at ng pangibabang panga.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Panga, sihang, jawbone, lower jaw". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga ugnayang panlabas

baguhin
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Anatomiya  Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.