[go: up one dir, main page]

Pantalan ng Maynila

pantalan ng Maynila, Pilipinas

Ang Pantalan ng Maynila, o Pier ng Maynila ay ang pinakamalaki at pangunahing pantalan ng Pilipinas na matatagpuan sa bukana ng look ng Maynila. Ito ang pangunahing sanhi ng ekonomiya ng Maynila, na sinundan ng Ermita at Malate, na mas kilala bilang poblasyon ng Maynila. Dito matatagpuan ang mga pinagmamalaking pantalan ng kalakhang Maynila. Ang mga galing lalawigan at ang mga dayuhan na bumabiyahe gamit ang mga barko ay dumadaong sa pantalang ito. Bilang pangunahing pantalan ng Pilipinas, inaangat ng pantalan ang mga negosyong panindustriya sa bansa.

Isa sa mga daungan ng Lungsod ng Maynila.

Ang pantalan ay ang bumabagsak sa ika-35 na puwesto na pinaka-okyupadong pantalan ng daigdig.

Bilang distrito

baguhin
Pantalan ng Maynila

Ang lokasyon ng Pier ng Maynila 

Lungsod Maynila
Kinatawan Benjamin Asilo
Populasyon (2007) 48, 684
 – Kapal ng populasyon 15,441.4
Lawak 606,740
 – Mga Barangay 5
 – Distritong pambatas: Unang distrito
 
Mga barko sa daungan sa katimugang panig.

Ang pantalan, hindi lamang pang-industriya at pang-negosyo ay isa na ring distrito kung saan ang karamihan ng sinasakupan ay mula sa alubyal ng look ng Maynila. Kilala ito bilang "Port Area". Ito ay maitituring na isang distrito na may natatanging mga katangian. Ang pantalan ay may lawak na 606,740 kuwadrado kada metro. May populasyong itong 48,684[1] ayon sa pamahalaan. May limang barangay ang distrito kung saan ang karamihan ay naninirahan sa barangay 649 at ang mga tao nito ang unang bumabati sa mga dayuhan pagdaung sa pier.

Barangay Populasyon (2007)[1]
649 42,249
650 3,555
651 2,533
652 174
653 173

Ang pantalang ito ay nasasakupan ng Tondo pero kalaunan ay ginawa rin bilang isang distrito. Ito ay matatagpuan sa hangganan ng Tondo. Industriyal na maituturing ang pantalan sa dami ng negosyong maaring pagkakitaan ng karamihan. Ito lang ang natatanging distrito ng lungsod na walang pamilihang bayan o simbahan.

Sipian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Final Results - 2007 Census of Population". Government of the Philippines (sa wikang Ingles). Pilipinas: The Philippine Government. 2008. Inarkibo mula sa orihinal (HTML) noong 2008-11-20. Nakuha noong Hulyo 21 2009. Total Population and Annual Population Growth Rates by Region: Population Censuses 1995, 2000, and 2007 {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong); Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong) Naka-arkibo 2008-11-20 sa Wayback Machine.