[go: up one dir, main page]

Ang pamahiin ay isang paniniwala o kaugalian na tipikal na nagreresulta mula sa lumang kaugalian, isang maling pagkaunawa sa agham o sanhi (maling pagpapatungkol ng sanhi), isang paniniwala sa kapalaran o salamangka, pinaghihinalaang may impluwensyang sobrenatural, o ang takot sa hindi nalalaman.[1][2] Karaniwang nailalapat ang mga paniniwalang ito at kaugalian sa suwerte, propesiya, at ilang espirituwal na nilalang, partikular ang paniniwala na maaring mahulaan ang kaganapan sa hinaharap sa pamamagitan ng partikular na (tila) hindi kaugnay na nakaraang pangyayari.[3][4]

Tinanggal ang numero 13 mula sa buton ng isang elevator. Ilang lamang sa mga Kanluraning pamahiin tungkol sa pagiging malas ng numero 13.

Gayon din, kadalasang ginagamit ang salitang pamahiin upang tukuyin sa isang kasanayang panrelihiyon na hindi ginagawa ng karamihan sa isang binigay na lipunan na hindi alintana ang namamayaning relihiyon na mayroon din hinihinalang pamahiin.[3]

Ang mapamamahiing kaugalian ng paglalagay ng isang pakong kalawangin sa isang dayap na pinapaniwalaang nagtataboy ng matang masama, tularemia at kasamaan sa pangkalahatan, na nakadetalye sa tekstong alamat na "Popular Beliefs and Superstitions from Utah".[5]

Kadalasang panira sa pangkalahatan ang pagtutukoy sa isang bagay bilang pamahiin. Ang bagay na sinasabing ganito sa karaniwang pananalita ay tinutukoy bilang pamabayang paniniwala (folk belief) sa polklorístika.[6]

Pamahiing Pilipino

baguhin

Sa kulturang Pilipino, bahagi na ang pamahiin sa matagal na panahon at ginagawa pa rin ng karamihan.[7] Bagaman walang basehan ang mga ito, mayroon makukuha dito na mabuting halimbawa, gawi at pag-iingat.[8] Ilan lamang sa halimbawa ng pamahiing Pilipino ang ang oro, plata, mata na nagsasabing kung nahahati sa tatlo ang hakbang ng hagdan ng isang tahanan ay nangangahulgang nakakaakit ang sambayanan sa kamatayan.[9] Ang isang pang halimbawa ng pamahiin ay ang paglalagay ng ngipin ng isang bata sa bubong upang makaakit ng suwerte.[9] May mga Pilipino din na kahit hindi naniwala sa pamihiin ay sinusunod pa rin tulad ng hindi pagtulog na basa ang buhok dahil nakakabulag o ang hindi pagwalis sa gabi dahil aalis ang suwerte.[10]

Mga sanggunian

baguhin
  1. cf. https://www.merriam-webster.com/dictionary/superstition
  2. Drinkwater, Ken; Dagnall, Neil. "The science of superstition – and why people believe in the unbelievable". The Conversation (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-09-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Vyse, Stuart A. (2000). Believing in Magic: The Psychology of Superstition (sa wikang Ingles). Oxford, England: Oxford University Press. pp. 19–22. ISBN 978-0-1951-3634-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Chardonnens, L. S. (2007-01-01). Chapter Four. Superstition and prognostication (sa wikang Ingles). Brill. ISBN 978-90-474-2042-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Cannon, Anthon Steffensen; Hand, Wayland Debs; Talley, Jeannine (1984). Popular beliefs and superstitions from Utah (sa wikang Ingles). Salt Lake City: University of Utah Press. ISBN 9780874802368. OCLC 10710532.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Para sa usapan, tingnan halibawa sina Georges, Robert A. & Jones, Michael Owen. 1995. Folkloristics: An Introduction, p. 122. Indiana University Press. ISBN 0253329345 (sa Ingles).
  7. Santos, Tomas U. (2008-11-17). "Mensahe ng pamahiin". The Varsitarian. Nakuha noong 2021-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  8. Santos, Tomas U. (2008-11-17). "Mensahe ng pamahiin". The Varsitarian. Nakuha noong 2021-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  9. 9.0 9.1 Ichimura, Anri (2019-12-05). "10 Bizarre Filipino Building Superstitions You Need to Know Before Constructing Your Home". Esquiremag.ph. Nakuha noong 2021-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  10. Begas, Leifbilly (2018-11-19). "17 pamahiin na hindi pinaniniwalaan pero takot na hindi sundin". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-19. Nakuha noong 2021-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)