[go: up one dir, main page]

Huwag itong ikalito sa ungguladong Bison.

Dalawa ang nabubuhay o umiiral pang mga uri ng mga mustelang mink, mingk, o bison (Ingles: mink, Kastila: visón): ang Amerikanong mink (bisong Amerikano) at Europeong mink (bisong Europeo). Kaugnay ng Amerikanong mink ang mink ng dagat, ngunit mas malaki. Lahat ng tatlong mga uri ay mga mamalyang may madirilim na mga kulay, semi-akuwatiko, at karniborong kabilang sa pamilyang Mustelidae, na kinabibilangan din ng mga wisel at mga oter. Mas malaki ang Amerikanong mink, at mas maaaring umangkop o umakma sa kapaligiran kaysa Europeong mink. Minsang posibleng maipagkaiba ang Europeong mink at Amerikanong mink; palaging may malaking puting patse sa itaas na labi sa bibig ang mga Europeong mink, habang minsang wala ang mga Amerikanong uri. Kaya't ang anumang mga mink na walang batik o mantsa ay tiyak na isang Amerikanong mink, ngunit ang isang indibiduwal na walang patse ay hindi siguradong makikilala kung hindi titingnan ang kalansay. Kaugnay ng taksonomiya, dating inilalagay kapwa ang Amerikano at Europeong mga mink sa saring Mustela (mga "wisel"), ngunit sa kamakailan lamang ay muling itinipon ang Amerikanong mink bilang kasama sa sarili nitong saring Neovison.[1]

Mink
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Neovison at Mustela
Mga uri

Neovison vison
Neovison macrodon
Mustela lutreola

Mga sanggunian

baguhin
  1. Integrated Taxonomic Information System Naka-arkibo 2022-07-04 sa Wayback Machine.: mink. Napuntahan noong 10 Agosto 2009

Mamalya  Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.