Mesha
Si Mesha (Wikang Moabita: 𐤌𐤔𐤏 *Māša‘;[1] Hebrew: מֵישַׁע Mēša‘) ay hari ng Moab noong ika-9 na siglo BCE at kilala sa kanyang Mesha Stele na itinayo sa Dibon. Sa inskripsiyon nito, tinawag niya ang kanyang sarili na "Mesha, anak ni Chemosh...hari ng Moab, ang Dibonita". Ayon sa Aklat ni Samuel, ang Moab ay sinakop ni David. Ayon din sa Bibliya, muling sinakop ni Omri ng Kaharian ng Israel (Samaria) ang Moab matapos itong mawala sa pamumuno ni Solomon. Walang binanggit sa Mesha Stele ng pananakop ni David ngunit binanggit ang paglaya ni Mesha ng Moab sa pamumuno ni Omri ng Kaharian ng Israel (Samaria). Ayon sa Mesha Stele, ang Moab ay nasakop dahil sa galit ng kanilang pambansang Diyos na si Chemosh laban sa mga mamamayan nito. Ayon sa 2 Hari 3:4, si Mesha ng Moab ay nagbibigay ng 100,000 mga tupa bago maghimagsik kay Omri. Ayon sa Mesha Stela, ang Kaharian ng Israel (Samaria) ay natalo ni Mesha sa tulong ni Chemosh ngunit ayon sa 2 Hari 3 ay winasak ng mga Israelita ang Moab at pinatay ang mga mamamayan nito.
Ayon sa Mesha Stele na itinayo ni Mesha, ang Moab ay napailalim kay Omri sa panahon ng ama ni Mesha at ang Moab ay naging basalyo ng Israel nang 40 taon. Ang Mesha Stela ay itinayo ni Mesha bilang parangal sa Diyos na si Chemosh sa kanyang mga pagwawagi laban sa Israel na nagtapos noong 850 BCE. Si Mesha ay naghimagsik sa anak ni Omri at muling sinakop ang teritoryo ng Moab at sinakop ang mga dating teritoryo ng Israel, Ayon sa Mesha Stele, siya ay naghimagsik sa anak ni Omri. Ang pananakop ng tatlong hari ng Israel ay hindi binanggit sa Stele na ito at sumasalungat sa salasay ng 2 Hari. Halimbawa, ang monarkiya ay itinatag sa Edom pagkatapos ng paghihimagsik sa Juda sa panahon ni Jehoram(2 Hari 8:20-22). Ang paglalarawan sa Edom bilang monarkiya na may sariling hari sa 2 Hari 3 ay anakronistiko. Sa huli lamang ng mga taon ni Mesha nang sakupin at kunin ang mga lugar sa timog ng ilog Arnon.Ang paglalarawan ng isang organisadong kahariang Moabita sa mga lugar ng timog ng Arnon sa maagang mga taon ni Mesha ay mali.Ayon sa 2 Hari 10:33, si Hazael na hari ng Aram ay sumakop sa lahat ng mga lupain ng transhordang Israel hanggang sa Arnon mula kay Jehu. Gayunpaman, ang kabisera ni Mesha na Dibon ay nasa hilaga ng ilog Arnon at ang mga hangganan ng Israel ay hindi maaaring umabot hanggang sa Arnon sa panahon ni Jehu. Sa karagdagan, si Mesha at hindi si Hazazel ang sumakop sa mga lugar ng Israel sa kapatagan ng Moab sa hilaga ng ilog Arnon.[2] Sa karagdagan, ayon sa Bibliya, si Mesha ay basalyo ni Ahab ngunit sa Mesha Stele, si Mesha ay basalyo ni Omri at anak nito. Ayon din sa Bibliya, si Mesha ay naghimagsik pagkatapos ng kamatayan ni Ahab ngunit ayon sa Mesha Stele, si Mesha ay naghimagsik nang buhay pa si Ahab. [3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Beyer, Klaus. "The Languages of Transjordan". Languages from the World of the Bible, edited by Holger Gzella, Berlin, Boston: De Gruyter, 2011, pp. 114. https://doi.org/10.1515/9781934078631.111
- ↑ Ancient Israel and Historiography, Nadav Na'aman, 2006
- ↑ Lester Grabbe