Liwayway
Ang Liwayway[1] ay isang babasahing magasin sa Pilipinas na nasa wikang Tagalog. Ito ang pinakamatandang magasin sa Pilipinas. Mga kapatid na babasahin ng Liwayway ang Bannawag, Bisaya Magasin, at Hiligaynon.
Kasaysayan
baguhinSimula
baguhinNagsimulang makibaka si Ramon Magsaysay sa negosyo ng paglalathala ng kaniyang amang si Alexander Roces noong 1922. Inilunsad ni Ramon Roces ang mga magasin na nasa katutubong wika. Bilang panimula, inilimbag niya ang Tagalog na Liwayway noong 18 Nobyembre 1922. Sa katotohanan, isang muling-pagbuhay sa naunang Photo News ang Liwayway. Isa ring babasahin ang naunang Photo News na naglalaman ng mga larawan, balita, salaysayin, sanaysay, prosa, at tula, at nasusulat sa tatlong wika. Nagkaroon ng mga seksiyon para sa Tagalog, Ingles, at Kastila ang magasing Photo News. Pinatnugutan ito mismo ni Ramon Roces, kasama ang nobelistang si Severino Reyes. Bagaman tumatangkilik sa maituturing na tatlong pangunahing wika ng panahon, naging isang bigong proyekto ang Photo News. Itinuring ng mga mambabasa na sayang lamang ang pagbili ng magasin sapagkat mayroong nakakaunawa ng isa o dalawa lamang sa tatlong wikang gamit sa mga pahina ng babasahin.[1]
Matapos na bumalik sa Japan si Ramon Roces, mula sa Mindanao, muli niyang binuhay ang nabigong Photo News sa pamamagitan ng purong Tagalog lamang na Liwayway. Pinili niya ang pamagat ng magasin sapagkat may kaugnayan ito sa “bagong pagsisimula” at “pagsikat ng araw”.[1]
Panitikan at sining
baguhinSa mga pahina ng matagumpay na Liwayway sumikat at nakilala ng mga mambabasa ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ni Severino “Binoy” Reyes. Dito rin nakilala ang mga gawa ng mga manunula at makatang sina Jose Corazon de Jesus, Florentino Collantes, Julian Cruz Balmaseda, Cecilio Apostol. Pati ang mga akda ng mga manunulat na sina Lope K. Santos, Iñigo Ed Regalado, Romualdo Ramos, Francisco Laksamana, Fausto Galauran, at Pedrito Reyes. Anak ni Severino Reyes ang huli na humalinhin sa amang si Severino Reyes bilang patnugot ng Liwayway sa lumaon. Sa pamamagitan ng Liwayway, nakilala rin sa mga pahina nito ang mga mangguguhit na sina Procopio Borromeo, Jorge Pineda, Jose V. Pereira, P. V. Coniconde, Antonio Gonzales Dumlao, Tony Velasquez, Francisco Reyes, J. M. Perez, at Deo Gonzales. Si Francisco Reyes ang may-akda ng tauhang pang-komiks na si Kulafu; nagmula kay J.M. Perez ang Huapelo at Pamboy at Osang; samantalang ipinakilala naman ni Deo Gonzales sa madla ang kuwentong komiks na Isang Dakot na Kabulastugan.[1]
Pagyabong
baguhinSinundan pa ni Ramon Roces ang Liwayway ng iba pang mga kapatid na babasahin katulad ng Hiwaga (nasa Tagalog, 1926), The Graphic (nasa Ingles, 1927), Bisaya (nasa Sebwano, 1932), Hilgaynon (nasa wika ng Kanlurang Bisaya, 1934), Bikolnon (nasa Bikolano, 1935), at ang Ilokanong Bannawag (1940). Nagkaroon din ng isang magasin na may mas makapal na mga pahinang mas marami ang nilalamang mga guhit, ang Extra Liwayway Extra noong 1936.[1]
Panahon ng digmaan
baguhinNoong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdaig, kinumpiska ng mga Hapones ang Liwayway para gamitin sa kanilang propaganda. Makaraan ang digmaan, panandaliang pinamahalaan ito ng mga Amerikano. Muling nabalik ito kay Ramon Roces noong 1948.[1]
Pagmamay-ari
baguhinNoong 1965, ipinagbili ni Roces ang lathalain – bago siya magretiro - kay Hans Menzi, ang tagapagtatag ng pahayagang Manila Bulletin. Nagkaroon pa ng dalawang pagpapalitan ng may-ari pagkaraang pagbili ni Menzi, subalit muli itong binili ng Manila Bulletin noong 2007. Walumpu’t dalawang taong gulang na ngayon ang Liwayway, ang pinakamatandang nilalathala pang magasin sa Pilipinas.[1]