[go: up one dir, main page]

Ang Kariya (刈谷市, Kariya-shi) ay isang lungsod sa gitnang bahagi ng Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01), ito ay may tinatayang populasyon na 153,162 katao sa 66,751 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon na 3,040 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 50.39 square kilometre (19.46 mi kuw).

Kariya

刈谷市
Panoramang urbano ng Kariya
Panoramang urbano ng Kariya
Watawat ng Kariya
Watawat
Opisyal na sagisag ng Kariya
Sagisag
Kinaroroonan ng Kariya sa Prepektura ng Aichi
Kinaroroonan ng Kariya sa Prepektura ng Aichi
Kariya is located in Japan
Kariya
Kariya
 
Mga koordinado: 34°59′21.4″N 137°0′7.7″E / 34.989278°N 137.002139°E / 34.989278; 137.002139
Bansa Hapon
RehiyonChūbu (Tōkai)
PrepekturaAichi
Pamahalaan
Lawak
 • Kabuuan50.39 km2 (19.46 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Oktubre 1, 2019)
 • Kabuuan153,162
 • Kapal3,000/km2 (7,900/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoCamphor Laurel
- BulaklakIris laevigata
Bilang pantawag0566-23-1111
Adres1-1 Tōyōchō, Kariya-shi, Aichi-ken 448-8501
WebsaytOpisyal na website

Kasaysayan

baguhin

Isang bayang kastilyo ang Kariya sa panahong Sengoku, sa isang lugar na pinagtatalunan ng mga angkang Imagawa, Oda at samu't-saring pampook na mga lider-militar, tulad ng angkang Mizuno at angkang Matsudaira. Muling itinayo ni Mizuno Tadamasa ang lolo ni Tokugawa Ieyasu sa panig ng ina, ang Kastilyo ng Kariya noong kalagitnaan ng ika-16 dantaon. Bihasang ipinagpalit ng angkang Mizuno ang kanilang katapatan sa pagitan ng angkang Imagawa sa Oda Nobunaga at sa Toyotomi Hideyoshi, na ipinalipat ang angkan sa Lalawigan ng Ise. Ngunit pinayagan ni Ieyasu si Mizuno Katsunari, ang apo ni Tadamasa, na bumalik sa mga lupain ng kanilang mga ninuno pagkaraan ng Labanan sa Sekigahara bilang daimyō sa Dominyong Kariya, isang piyudal na han sa ilalim ng kasugunang Tokugawa. Muling itinakda ang dominyo sa maraming mga angkan sa kasagsagan ng panahong Edo, subalit pinanatili ng angkang Doi mula 1734 hanggang sa Pagpapanumbalik ng Meiji.

Kasunod ng Pagpapanumbalik ng Meiji, itinatag ang bayan ng Kariya sa loob ng Distrito ng Hekikai, Prepektura ng Aichi kasabay ng pagtatatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad noong Oktubre 1, 1889. Lumago ang bayan bilang sentro ng komersiyo, paggawa ng sake, serikultura at seramiko dahil sa kinaroroonan nito sa pangunahing mga ruta ng daambakal. Ang Yosami Transmitting Station na matatagpuan sa Kariya ay ang pinakamataas na estruktura ng Hapon nang natapos ang pagtatayo nito noong 1929. Nakamit ng Kariya ang katayuang panlungsod noong Abril 1, 1950. Lumaki ang lungsod nang idinugtong nito ang katabing Fujimatsu at karamihan sa mga nayon ng Yosami noong Abril 1, 1955. Ibinalik ang paghawak ng Yosami Transmitting Station sa Hapon mula sa Hukbong Pandagat ng Estados Unidos noong 1994, at isa na ngayong liwasang panlungsod ang dating pasilidad.

Heograpiya

baguhin

Matatagpuan ang Kariya sa gitnang bahagi ng Prepektura ng Aichi, sa panig ng Mikawa ng hangganan sa pagitan ng dating Lalawigan ng Owari at dating Lalawigan ng Mikawa. Patag at natutubigang-mainam ang lugar, na may karaniwang taas na mas-mababa sa 10 metro sa ibabaw ng lebel ng dagat.

 
Plataporma ng Estasyong Kariya

Kalapit na mga munisipalidad

baguhin

Demograpiya

baguhin

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[2] tuluy-tuloy na tumataas ang populasyon ng Kariya sa nakalipas na 70 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1950 50,384—    
1960 59,235+17.6%
1970 87,672+48.0%
1980 105,643+20.5%
1990 120,126+13.7%
2000 132,054+9.9%
2010 145,744+10.4%

Mga kapatid na lungsod

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kariya City official statistics (sa Hapones)
  2. Kariya population statistics
  3. "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2015. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin