[go: up one dir, main page]

Karinyusa ng karneng baka

Tungkol ito sa pagkain, para sa sayaw tingnan ang Karinyosa.

Ang karinyusa ng karneng baka, dyus ng karne ng baka, yago ng karneng baka, o lurit ng karne ng baka[1][2] (Ingles: beef juice) ay ang matubig na katas ng karneng baka na nagmumula sa mismong pinakalaman ng bakang pinaggawaan o pinaghanguan nito. Kaiba ito sa hinangong katas ng karneng baka (tinatawag na beef extract) lamang dahil sa kakauntian ng antas ng halaga bilang pagkain, kanilang pinagmulan, at paraan ng paghahanda. Binubuo ang karinyusa ng karne ng baka ng mga katas na nagmula sa talaga o mismong pinakalaman ng karneng baka, samantalang mga hango o halaw lamang ang nasa payak na katas ng karneng baka. Mas mataas ang kaantasan o kahalagahan bilang pagkain ng lurit ng karne ng baka dahil ito mismo ang mga likidong nagmumula sa hibla o pibra ng masel ng karne, kaya't mas mainam na pagkain para sa mga imbalidong pasyente at sa mga sanggol.[3]

Paghahanda ng karinyusa

baguhin

Bagaman inihahanda o ginagawa ang produktong ito sa isang pagawaan o pabrika, may mga kaparaanang maisasagawa upang makakuha ng karinyusa ng karneng baka. Tinatadtad o tinitilad ang karne ng baka, at inilalagay pagkaraan sa malamig na tubig. Inilalagay ang nakababad na karne sa isang hindi naiinitang lugar, at pababayaang unti-unting masipsip ng karne ang tubig sa loob ng ilang panahon hanggang sa mamaga ang karne. Pagdaka, kinukuha ang namagang karne at pinipiga ang katas o karinyusa habang nasa loob ng isang telang pigaang muslin o katsa.[3]

Mas matubig ito kaysa payak na inihandang katas ng karne ng baka, subalit mas kumpleto ang katas na nakukuha sa ganitong paraan, partikular na kung ginawa sa kusina ng tahanan.[3]

Kayarian at kahalagahan ng karinyusa

baguhin

Naglalaman ang hilaw na karinyusa ng karneng bakang gawa sa tahanan ng mga tatlo magpahanggang pitong bahagdan ng materya o sustansiyang pampagkain. Naglalaman ng mas mataas na bahagdan ng protina ang nagmumula sa mga pagawaan o pabrika, na nasa mga pito magpahanggang 30 bahagdan o mahigit pa. Sa Estados Unidos, kabilang sa mga tatak o kompanyang gumagawa ng karinyusang karne ng baka ang Brand's, Valentine's, Armour's (ng Kompanyang Bovril), at Wyeth's. Bagaman mas mataas ang bahagdang pangsustansiyang gawa ng pabrika, isang maginhawang paraan ng pagkatas ng karinyusa ng karneng baka ang inilarawan sa itaas kung ihahanda sa bahay lamang. Mas may kamahalan din ang halaga ng mga inihanda sa mga pagawaan.[3]

Bilang paghahambing, may pagkakahawig ang kahalagahang pampagkain ng karinyusa sa mas may murang halagang puti ng itlog.[3]

Bilang pagkain ng pasyente

baguhin

Ibinibigay ang karinyusa ng karneng baka sa mga naaangkop na pasyente dahil sa pagiging mas "tunay na pagkain" nito. Nakakapagpasigla din ito ng sistemang panunaw ng tao. Ipinapainom din ang isang kutsarita ng karinyusa isang ulit sa loob ng isang linggo sa mga sanggol na pinasususo o pinadedede ng isterilisado at artipisyal na inihandang gatas.[3]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Blake, Matthew (2008). "Juice, karinyusa, dyus". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), ginagamit ang mga salitang ito batay sa nasa juice Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine. upang maipagkaiba sa payak na "katas" lamang ng karne ng baka.
  2. Gaboy, Luciano L. Juice, katas, lurit, yago - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com., ginagmit din ang lurit (malagkit na katas) sapagkat may pagkamasebo naman talaga ang katas ng karne ng baka.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 Robinson, Victor, pat. (1939). "Beef juice, at pagkakaiba mula sa beef extract". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 89.