[go: up one dir, main page]

Kalipato

(Idinirekta mula sa Kalipa)

Ang isang kalipato o khilāfah (Arabe: خِلَافَة‎, bigkas sa Arabe: [xi'laːfah]) ay isang institusyon o tanggapang publiko na pinamamahalaanan ng isang teritoryo sa ilalim ng pamumunong Islamiko.[1] Tinatawag na kalipa ( /ˈkælɪf,_ˈkʔ/; Arabe: خَلِيفَةbigkas sa Arabe: [xæ'liː'fæh], tungkol sa tunog na ito bigkas ) ang taong namumuno sa tanggapang ito at tinuturing politiko-relihiyosong humalili sa propetang Islamikong na si Muhammad at isang pinuno ng buong mundong Muslim (Ummah).[2] Sa kasaysayan, pampolitika ang mga kalipato na umunlad sa imperyong multi-etnikong trans-nasyunal.[3][4]

Etimolohiya

baguhin

Bago dumating ang Islam, tradisyunal na ginagamit ng monarkong Arabe ang titulong malik (Hari, namumuno), o iba pa mula sa parehong ugat.[2]

Hinango ang katawagang caliph ( /ˈklɪf,_ˈkælɪf/),[5] mula sa salitang Arabe na khalīfah (خَليفة, tungkol sa tunog na ito  pronunciation ), na nangangahulugang "kahalili", "katiwala", o "diputado" at itinuring sa tradisyon bilang ang pagpapaikli ng Khalīfat Rasūl Allāh ("kahalili ng sugo ng Diyos"). Bagaman, iminungkahi ng mga pag-aaral ng tekstong pre-Islamiko na ang orihinal na kahulugan ng parilala ay "kahalili na pinili ng Diyos."[2]

Kasaysayan

baguhin

Ang kalipa ay ang pinuno ng estado sa isang Kalipato at ang pamagat ng pinuno ng Islamikong Ummah na isang pamayanang Islamiko na pinamamahalaan ng Shariah. Pagkatapos ng kamatayan ni Muhammad noong 632 CE, ang mga maagang pinuno ng bansang Muslim ay tinatawag na Khalifat Rasul Allah na mga kahaliling pampolitika ng sugo ng Diyos na si Muhammad. Ang isang kalipa ay maaaring isang babaeng kalipa o ang asawa o biyudad ng isang kalipa. May isang pagkakataon sa kasaysayan na ang kalipa ay namuno sa kalipata na si Sitt al-Mulk na rehente ng Kalipatang Fatimid mula 1021 hanggang 1023.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Al Qalqashandi Ma'athir al-inafah fi ma'alim al-khilafah qtd. in Hassan, Mona. “Conceptualizing the Caliphate, 632–1517 CE.” Longing for the Lost Caliphate: A Transregional History, Princeton University Press, 2016, pp. 98–141, http://www.jstor.org/stable/j.ctt1q1xrgm.9 (sa Ingles)
  2. 2.0 2.1 2.2 Kadi, Wadad; Shahin, Aram A. (2013). "Caliph, caliphate". The Princeton Encyclopedia of Islamic Political Thought (sa wikang Ingles): 81–86.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Al-Rasheed, Madawi; Kersten, Carool; Shterin, Marat (2012). Demystifying the Caliphate: Historical Memory and Contemporary Contexts (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 3. ISBN 978-0-19-932795-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ringmar, Erik (2020). 4. The Muslim Caliphates. OBP collection (sa wikang Ingles). Open Book Publishers. pp. 73–100. ISBN 978-1-78374-024-6. Nakuha noong 2022-04-07.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "calif". Random House Webster's Unabridged Dictionary (sa Ingles).