[go: up one dir, main page]

Ang kalasag ay isang piraso ng personal na baluti na hawak sa kamay, na maaaring itali o hindi sa galang-galangan o bisig. Ginagamit ang mga kalasag upang harangin ang mga partikular na pag-atake, mula man sa malalapit na armas o panudla tulad ng mga palaso, sa pamamagitan ng mga aktibong bloke, gayundin upang magbigay ng pasibo na proteksyon sa pamamagitan ng pagsasara ng isa o higit pang mga linya ng pakikipag-ugnayan sa panahon ng labanan.

Ang pinuno ng Zulu na si Goza at dalawa sa kanyang mga konsehal na nakasuot ng pandigma, mayroon lahat na mga kalasag na Nguni, c.1870. Ang laki ng kalasag sa kaliwang braso ng pinuno ay nagpapahiwatig ng kanyang katayuan, at nagpapahiwatig ang puting kulay na isa siyang lalaking may asawa.[1]

Malaki ang pagkakaiba-iba ng mga kalasag sa laki at hugis, mula sa malalaking seksyon na nagpoprotekta sa buong katawan ng gumagamit hanggang sa maliliit na modelo (gaya ng eskudo) na nilayon para gamitin sa mano-manong labanan. Malaki rin ang pagkakaiba ng kapal ng mga kalasag; samantalang ang ilang mga kalasag ay gawa sa medyo malalim, sumisipsip, kahoy na tabla upang protektahan ang mga sundalo mula sa epekto ng mga sibat at birotes ng balyesta, habang ang iba ay mas payat at mas magaan at idinisenyo pangunahin para sa pagpapalihis ng mga pagtama ng talim (tulad ng roromaraugi o qauata). Sa huli, malaki ang pagkakaiba-iba ng mga kalasag sa hugis, mula sa bilog hanggang sa angularidad, proporsyonal na haba at lapad, simetriya at huwaran ng gilid; nagbibigay ang iba't ibang hugis ng higit na pinakamainam na proteksyon para sa impanterya o kabalyerya, mapahusay ang portabilidad, magbigay ng pangalawang gamit tulad ng proteksyon ng barko o bilang isang sandata at iba pa.

Noong ika-20 at ika-21 dantaon, ang mga kalasag ay ginagamit ng mga yunit ng militar at pulisya na dalubhasa sa mga aksyong anti-terorista, pagliligtas sa bihag, pagkontrol sa kaguluhan at paglusob.

Bago ang kasaysayan

baguhin
 
Masalimuot at sopistikadong mga kalasag mula sa Pilipinas .

Ang pinakalumang anyo ng kalasag ay isang proteksyon na aparato na idinisenyo upang harangan ang mga pag-atake sa pamamagitan ng mga sandata ng kamay, tulad ng mga espada, palakol at tungkod, o mga malayuang armas tulad ng mga batong-tirador at mga palasok. Malaki ang pagkakaiba sa paggawa ng mga kalasag sa paglipas ng panahon at lugar. Kung minsan ang gawa ang mga kalasag sa metal, subalit mas karaniwan ang gawang kahoy o balat ng hayop; mimbre at maging ang mga talukab ng pagong ay ginamit. Maraming narito pang halimbawa ng mga metal na kalasag na pangkalahatang seremonyal sa halip na praktikal, halimbawa ang uring-Yetholm na mga kalasag Panahon ng Tanso, o ang kalasag na Battersea noong Panahong Bakal.

Kasaysayan

baguhin

Malaki ang pagkakaiba ng sukat at timbang. Umasa ang mga mandirigma na may magaan na baluti sa bilis at sorpresa na karaniwang may dalang magaan na kalasag (pelte) na maliit man o manipis. Ang mabibigat na tropa ay maaaring nilagyan ng matitibay na mga kalasag na maaaring tumatakip sa halos buong katawan. Marami ang may panali na tinatawag na guige na nagpapahintulot sa kanila na maisampa sa likod ng gumagamit kapag hindi ginagamit o nakasakay sa kabayo. Noong ika-14–13 dantaon BC, gumamit ang Shirdana, na nagtatrabaho bilang mga mersenaryo para sa Ehiptong paraon na si Ramesses II, ng malaki o maliit na bilog na mga kalasag laban sa mga Heteo. Gumamit ang Gresyang Myceneo ng dalawang uri ng mga kalasag: ang "pigura-ng-walo" na kalasag at isang hugis-parihaba na "toreng" kalasag. Ang mga kalasag na ito ay pangunahing ginawa mula sa isang kuwadro ng mimbre ay pinalakas ng katad. Tinatakpan ang katawan mula ulo hanggang paa, nagbibigay ang pigura-ng-walo at kalasag na tore sa karamihan ng katawan ng mandirigma ng magandang proteksyon sa mano-manong labanan. Gumamit ang Sinaunang Griyego na hoplite ng isang bilog, hugis-mangkok na kahoy na kalasag na pinatibay ng tanso at tinatawag na aspis. Ginamit ng mga Isparta ang aspis upang likhain ang pagbuo ng palangheng Griyego.[2] Nagbibigay ang kanilang mga kalasag ng proteksyon hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para sa kanilang mga kasama sa kanilang kaliwa.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Wood, J. G. (1870). The uncivilized races of men in all countries of the world. Рипол Классик. p. 115. ISBN 9785878634595.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Spartan Weapons" (sa wikang Ingles). Ancientmilitary.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Agosto 2015. Nakuha noong 9 Abril 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Spartan Military" (sa wikang Ingles). Ancientmilitary.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Hulyo 2014. Nakuha noong 9 Abril 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)