[go: up one dir, main page]

Alpabetong Arabe

alpabetong ginagamit sa Hilagang Aprika at Kanlurang Asya
(Idinirekta mula sa Jawi script)

Ang Alpabetong Arabe (Arabe: الْأَبْجَدِيَّة الْعَرَبِيَّة‎, al-abjadīyah l-ʿarabīyah o الْحُرُوف الْعَرَبِيَّة, al-ḥurūf l-ʿarabīyah), o Arabeng abyad, ay ang sulat Arabe na kinodipika para sa pagsusulat ng wikang Arabe. Isinusulat ito mula kanan pakaliwa nang kabit-kabit at naglalaman ito ng 28 titik. Nagbabago ang anyo ng karamihan sa mga titik nito depende sa posisyon nito sa isang salita.

Alpabetong Arabe
UriAbyad
Mga wikaArabe
PanahonIka-3 o ika-4 na siglo PK hanggang kasalukuyan
Mga magulang na sistema
ISO 15924Arab, 160
DireksyonKanan-kaliwa
Alyas-UnicodeArabic
Lawak ng Unicode
PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA.
Mga bansa na gumagamit ng sulat Arabe:
  bilang solong opisyal na panulat
  bilang isa sa mga opisyal na panulat
Nakaturo dito ang iba't ibang mga titik na ginagamit din sa Sulat Ebreo at ibang semetikong abyad. Tingnan ang artikulong Sulat Ebreo at abyad para sa karagdagang impormasyon.

Itinuturing na abyad, mga sistema ng panulat na gumagamit lamang mga katinig, ang alpabetong Arabe, ngunit itinuturing ito sa ngayon bilang isang "di-purong abyad."[1] Tulad ng mga sistemang nasa di ring puro kagaya ng alpabetong Ebreo, naglikha ang mga eskriba kalaunan ng paraan upang magpahiwatig ng tunog-patinig sa pamamagitan ng hiwalay na tuldik.

Katinig

baguhin

May 28 titik ang saligang alpabetong Arabe. Dahil sa pag-aangkop rin nito sa ibang mga wikang tulad ng Persyano, Turkong Otomano, Gitnang Kurdo, Urdu, Sindhi, Malay, Pashto, Arwi at Malayalam (Arabi Malayalam), may idinagdag at ibinawas na titik sa alpabeto (kasama rin sa ibaba). Walang pagkakaiba sa laki ng titik ang alpabetong ito.

Halos magkakahawig ang mga titik ngunit nagkakaiba ang mga ito sa isa't isa gamit ng mga tuldok (ʾiʿjām) sa itaas o ibaba ng pinakatitik (base) nito (rasm). Mahalagang bahagi ang mga tuldok sa mga titik nito, dahil ito ang nagpapaiba sa mga kahawig na titik na kumakatawan sa iba't ibang mga tunog. Halimbawa, magkakasinghugis ang mga Arabeng titik na ب (b), ت (t), at ث (th), ngunit may isang tuldok sa ibaba ang una, dalawang tuldok sa itaas sa ikalawa, at tatlong tuldok sa itaas sa ikatlo ang mga ito. Pareho rin ang anyo ng titik ن (n) sa unahan (initial) at gitnang (medial) anyo nito, na may isang tuldok sa itaas, ngunit naiiba ito nang kaunti kung mag-isa ito o nasa hulihan.

Kabit-kabit ang Arabeng palimbag at pasulat, kung saan konektado ang karamihan sa mga titik ng isang salita sa katabi nitong mga titik.

Ayos ng alpabeto

baguhin

Mayroong dalawang pangunahing ayos ng titik ang alpabetong Arabe: ang pa-abyad at pa-hija.

Galing sa ayos ng alpabetong Penisyo ang orihinal na ayos pa-ʾabjadīy (أَبْجَدِيّ), na ginagamit kalimitan sa pagsasatitik (lettering), kaya magkaparehas ang ayos na ito sa iba pang mga alpabetong nagmula sa Penisyo, tulad ng alpabetong Ebreo. Sa ganitong kaayusan, ginagamit din ang mga titik bilang numero: ang numerong Abyad. Magkapareho ang alpanumerikong kodigo nito sa Ebreong hematriya at Griyegong isopsepya.

Samantala, ginugrupo naman ng ayos pa-hijā’ī (هِجَائِي) o pa-alifbāʾī (أَلِفْبَائِي) naman, madalas gamitin sa pagsasaayos ng mga talaan ng pangalan at salita, tulad ng direktoryo ng telepono, talaan ng klase, at diksiyonaryo, base sa pagkakatulad sa hugis ng mga titik.

Abjadī

baguhin

Di isang simpleng pagpapatuloy ang kaayusang ʾabjadī ng mga naunang pagkakaayos ng mga titik sa alpabetong Semitiko sa hilaga, dahil may mga posisyong ang mga ito na naayon sa Aramaikong titik na samekh/semkat ס, ngunit ayon sa kasaysayan, walang titik sa alpabetong Arabe na nagmula sa titik na iyon. Tinumbasan ang pagkawala ng sameḵ ng paghahati ng shin ש sa dalawang magkaibang titik Arabe, ang ش (shīn) at (sīn), na lumipat pataas para palitan ang puwesto ng sameḵ. Nakalagay sa hulihan naman ang natitirang anim na titik na hindi naaayon sa anumang titik Semitiko sa hilaga.

Pangkaraniwang ayos-abjadī
غ ظ ض ذ خ ث ت ش ر ق ص ف ع س ن م ل ك ي ط ح ز و ه د ج ب أ
gh dh kh th t sh r q f ʿ s n m l k y z w h d j b ʾ
28 27 26 25 24 23 22 21 20 19 18 17 16 15 14 13 12 11 10 09 08 07 06 05 04 03 02 01

Karaniwan itong binibigkas bilang:

ʾabjad hawwaz ḥuṭṭī kalaman saʿfaṣ qarashat thakhadh ḍaẓagh.

Maaari rin itong bigkasin bilang:

ʾabujadin hawazin ḥuṭiya kalman saʿfaṣ qurishat thakhudh ḍaẓugh[kailangan ng sanggunian]
Ayos-abjadī ng Magreb (baka mas luma)[2]
ش غ ظ ذ خ ث ت س ر ق ض ف ع ص ن م ل ك ي ط ح ز و ه د ج ب أ
sh gh dh kh th t s r q f ʿ n m l k y z w h d j b ʾ
28 27 26 25 24 23 22 21 20 19 18 17 16 15 14 13 12 11 10 09 08 07 06 05 04 03 02 01
Ipinapahiwatig ng mga kulay kung aling titik ay may ibang puwesto kumpara sa nakaraang talahanayan

Maaari itong bigkasin bilang:

ʾabujadin hawazin ḥuṭiya kalman ṣaʿfaḍ qurisat thakhudh ẓaghush

Hijā’ī

baguhin

Hindi ginagamit ng mga makabagong diksiyonaryo at iba pang batayang aklat ang kaayusang abjadī sa pagsasaayos paalpabeto; sa halip, ginagamit ang mas modernong ayos-hijāʾī kung saan bahagyang nakapangkat ang mga titik ayon sa pagkakatulad sa hugis ng mga ito. Hindi kailanman ginagamit ang kaayusang hijāʾī sa mga pamilang.

Karaniwang ayos-hijāʾī
ي و ه ن م ل ك ق ف غ ع ظ ط ض ص ش س ز ر ذ د خ ح ج ث ت ب ا
y w h n m l k q f gh ʿ sh s z r dh d kh j th t b ā

Ginamit nang malawakan ang isa pang uri ng kaayusang hijāʾī sa Magreb hanggang kamakailan[kailan?] nang pinalitan ito ng kaayusang Mashriqi.[2]

Ayos-hijāʾī ng Magreb
ي و ه ش س ق ف غ ع ض ص ن م ل ك ظ ط ز ر ذ د خ ح ج ث ت ب ا
y w h sh s q f gh ʿ n m l k z r dh d kh j th t b ā
Ipinapahiwatig ng mga kulay kung aling titik ay may ibang puwesto kumpara sa nakaraang talahanayan

Mga anyo ng titik

baguhin

Parating kabit-kabit at nag-iiba ang hugis ayon sa kani-kanilang puwesto sa isang salita ang mga titik sa alpabetong Arabe. Maaaring magkaroon ang mga titik ng hanggang apat na magkakaibang anyo na dumepende sa kung nasa unahan ito, gitna, o hulihan ng salita, pati na rin kung ito ay ginamit nang mag-isa (kilala bilang initial, medial, final, at isolated sa Ingles, o IMFI). Malaki ang pinagbago sa anyo ang karamihan sa mga titik nito, ngunit may mga ilang titik rin na halos iisa lang ang anyo mapasaang-puwesto man ito. Karaniwang kabilaang nakakonekta ang mga titik ng isang salita sa pamamagitan ng mga maikling pahalang na linya, ngunit maikokonekta lamang ang anim na titik (و ,ز ,ر ,ذ ,د ,ا) sa naunang titik nito. Halimbawa, nasa anyong mag-isa (isolated forms) ang mga titik ng salitang أرارات (Ararat) dahil hindi makokonekta ang bawat titik nito sa susunod na titik ng bawat isa. Dagdag pa sa mga ito, gumagamit ng pang-angkop (ligatures) ang ilang kombinasyon ng mga titik, lalo na sa salitang lām-alif لا,[3] ang katangi-tanging pang-angkop na kinakailangan (itinuturing na mahirap basahin ang bersyon nito na walang pang-angkop: لـا).

Talahanayan ng mga saligang titik

baguhin
Paggamit ng mga Arabeng titik sa Pampanitikang Arabe
Karaniwan Magreb Pangalan ng titik

(Klasikal na bigkas)

Pangalan ng titik

(sulat-Arabe)

Pagsasatitik Katumbas sa Pampanitikang Arabe (IPA) Pinakamalapit na katumbas sa Filipino Anyo Mag-isa
ʾAbjadī Hijāʾī ʾAbjadī Hijāʾī Hulihan Gitna Unahan
 
1. 1. 1. 1. ʾalif أَلِف ā / ʾ

(â rin)

iba-iba,
katulad ng /aː/, ∅[a]
araw ـا ا
2. 2. 2. 2. bāʾ بَاء b /b/[b] bato ـب ـبـ بـ ب
22. 3. 22. 3. tāʾ تَاء t /t/ tao ـت ـتـ تـ ت
23. 4. 23. 4. thāʾ ثَاء th

( din)

/θ/ wala ـث ـثـ ثـ ث
3. 5. 3. 5. jīm جِيم j

(ǧ din)

/d͡ʒ/[b][c] diyan ـج ـجـ جـ ج
8. 6. 8. 6. ḥāʾ حَاء /ħ/ wala ـح ـحـ حـ ح
24. 7. 24. 7. khāʾ خَاء kh

( din)

/x/ kutsara ـخ ـخـ خـ خ
4. 8. 4. 8. dāl دَال d /d/ daan ـد د
25. 9. 25. 9. dhāl ذَال dh

( din)

/ð/ wala ـذ ذ
20. 10. 20. 10. rāʾ رَاء r /r/ rajah, pero ـر ر
7. 11. 7. 11. zāy / zayn زَاي z /z/ isda, zebra ـز ز
15. 12. 21. 24. sīn سِين s /s/ sala ـس ـسـ سـ س
21. 13. 28. 25. shīn شِين sh

(š din)

/ʃ/ siya ـش ـشـ شـ ش
18. 14. 15. 18. ṣād صَاد /sˤ/ wala ـص ـصـ صـ ص
26. 15. 18. 19. ḍād ضَاد /dˤ/ wala ـض ـضـ ضـ ض
9. 16. 9. 12. ṭāʾ طَاء /tˤ/ wala ـط ـطـ طـ ط
27. 17. 26. 13. ẓāʾ ظَاء /ðˤ/ wala ـظ ـظـ ظـ ظ
16. 18. 16. 20. ʿayn عَيْن ʿ /ʕ/ wala ـع ـعـ عـ ع
28. 19. 27. 21. ghayn غَيْن gh

(ġ din)

/ɣ/[b] sige ـغ ـغـ غـ غ
17. 20. 17. 22. fāʾ فَاء f /f/[b] Filipino ـف ـفـ فـ ف[d]
19. 21. 19. 23. qāf قَاف q /q/[b] wala ـق ـقـ قـ ق[d]
11. 22. 11. 14. kāf كَاف k /k/[b] kanta ـك ـكـ كـ ك
12. 23. 12. 15. lām لاَم l /l/ lampara ـل ـلـ لـ ل
13. 24. 13. 16. mīm مِيم m /m/ manok ـم ـمـ مـ م
14. 25. 14. 17. nūn نُون n /n/ noo ـن ـنـ نـ ن
5. 26. 5. 26. hāʾ هَاء h /h/ hula ـه ـهـ هـ ه
6. 27. 6. 27. wāw وَاو w / ū / ∅ /w/, /uː/, ∅[b] lawak, putik ـو و
10. 28. 10. 28. yāʾ يَاء y / ī /j/, /iː/[b] yupi, sinat ـي ـيـ يـ ي[d]

(hindi itinuturing bilang titik sa alpabeto ngunit mahalaga ang papel sa pagbabaybay sa wikang Arabe)

[nagpapahiwatig ng karamihan ng mga di-regular na pangngalang pambabae][kailangan ng sanggunian]

hamzah هَمْزة ʾ /ʔ/ mag-isa,

buang

(bu-ang)

ء

(ginagamit kalimitan sa gitna at hulihan, kung saan ito ay nakahiwalay)

ʾalif hamzah أَلِف هَمْزة ـأ أ
ـإ إ
wāw hamzah وَاو هَمْزة ـؤ ؤ
yāʾ hamzah يَاء هَمْزة ـئ ـئـ ئـ ئ
ʾalif maddah أَلِف مَدَّة ʾā /ʔaː/ anak ـآ آ
(hindi itinuturing na titik sa alpabeto ngunit mahalaga ang papel sa balarila at bokubularyo ng wikang Arabe, kabilang dito ang pagpahiwatig [ng karamihan ng mga babaeng pangngalan] at pagbaybay). Ginagamit ang isang alternatibong anyo ng ت ("nakataling tāʼ " / تاء مربوطة) sa hulihan ng mga salita upang markahan ang babaeng pangngalan at pang-uri. Tumutukoy ito sa dulong tunog na /-h/ o /-t/. Tinutukoy na tāʼ maftūḥah (تاء مفتوحة, "bukas na tāʼ ") sa pamantayang tāʼ, upang ipagkaiba ito sa tāʼ marbūṭah. Tāʼ marbūṭah تاء مربوطة ـة (hulihan  lamang) [kailangan ng sanggunian] ة
(hindi itinuturing na titik sa alpabeto ngunit mahalaga ang papel sa balarila at bokubularyo ng wikang Arabe, kabilang dito ang pagpahiwatig [ng karamihan ng mga babaeng pangngalan] at pagbaybay). Ginagamit ito sa hulihan ng mga salita na may tunog ng /aː/ sa Modernong Pamantayang Arabe na hindi nakakategorya sa paggamit ng tāʼ marbūṭah (ة) [karaniwan sa oras ng pandiwa at pangalang lalaki]. 'alif maqṣoura الف مقصورة ـى (hulihan lamang) [kailangan ng sanggunian]

ى

Talababa

  1. Maaaring kumatawan ang alif sa maraming ponema. Tingnan ang bahagi tungkol sa ʾalif.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 Tingnan ang bahagi tungkol sa di-katutubong titik at tunog; paminsan-minsan ginagamit ang mga titik ⟨ك⟩ ,⟨ق⟩ ,⟨غ⟩ ,⟨ج⟩ upang isatitik ang ponema /g/ sa mga salitang hiram, ⟨ب⟩ upang isatitik ang /p/ at ⟨ف⟩ upang isatitik ang /v/. Gayundin, ginagamit ang mga titik ⟨و⟩ at ⟨ي⟩ upang isatitik ang mga patinig /oː/ at /eː/ ayon sa pagkabanggit sa mga salitang hiram at diyalekto.
  3. Iba-iba ang pagbigkas ng ج ayon sa rehiyon.
  4. 4.0 4.1 4.2 Tingnan ang bahagi tungkol sa mga baryasyon ayon sa rehiyon sa anyo ng titik.
  • Kadalasan, hindi sumusunod ang mga nagsasalita ng Arabe sa isang isinapamantayang iskema kapag nagsasalin ng pangalan. Karaniwan ding isinasalin ang pangalan ayon sa lokal na pagbigkas, hindi ayon sa pagbigkas sa Pampanitikang Arabe (kung nanggaling man ang pangalan sa wikang Arabe).
  • Hinggil sa pagbigkas, ang mga ibinigay na ponetikang katumbas ay mula sa Modernong Pamantayang Arabe, na tinuturo sa mga paaralan at unibersidad. Bagaman maaaring magkaroon ng malaking pagkakaiba sa bawat rehiyon.
  • Maaaring ituring ang mga pangalan ng mga Arabeng titik bilang mga abstraksyon ng mas lumang bersyon kung saan naging mahalagang salita ang mga iyon sa wikang Proto-Semitiko. Maaaring magkaroon ng iba't ibang popular na pangalan ang mga Arabeng titik.
  • May anim na titik (و ز ر ذ د ا) na walang natatanging anyong panggitna at kailangang sulatin sa kani-kanilang panghulihang anyo nang hindi nakakonekta sa susunod na titik. Tumutugma ang kani-kanilang pang-unahang anyo sa kani-kanilang pang-isahang anyo. Isinusulat ang sumusunod na titik sa kanyang pang-unahang anyo, o pang-isahang anyo kung ito ang huling titik sa salita.
  • Nanggaling ang titik alif sa alpabetong Penisyo bilang panandang katinig na nagpapahiwatig ng impit (glottal stop). Ngayon, nawala ang silbi nito bilang katinig, at, kasama ng ya’ at wāw, ay mater lectionis, isang panandang katinig na pumapalit sa mahabang patinig (tingnan sa ibaba), o bilang suporta para sa iilang tuldik (maddah at hamzah).
  • Sa kasalukuyan, gumagamit ang wikang Arabe ng tuldik, ء, na tinatawag na hamzah upang ipahiwatig ang impit [ʔ], na isinusulat nang mag-isa o na may kasamang tagadala:
    • mag-isa: ء
    • kasama ng tagadala: إ أ (sa ibabaw o sa ilalim ng alif), ؤ (sa ibabaw ng wāw), ئ (sa ibabaw ng yā’ na walang tuldok o yā’ hamzah).
Sa gawaing pang-akademiko, isinasatitik ang hamzah (ء) gamit ang modifier letter right half ring (ʾ), habang ang modifier letter left half ring (ʿ) ang ginagamit sa pagsasastitik ng titik ‘ayn (ع), na kumakatawan sa ibang tunog.
Isa ang anyo ng hamzah, kasi hindi ito kinokonetka sa mga nauuna at sumusunod na titik. Gayunpaman, pinagsasama ito minsan sa wāw, yā’, o alif, at sa kasong iyon, kumikilos ang tagadala bilang ordinaryong wāw, yā’, o alif.

Mga baryasyon

baguhin
Ang modernong ayos-hijā’ī at ayos-abjadī sa laking 15 punto:
ي و ه ن م ل ك ق ف غ ع ظ ط ض ص ش س ز ر ذ د خ ح ج ث ت ب ا ayos-hijā’ī
 
Noto Nastaliq Urdu
Scheherazade
Lateef
Noto Naskh Arabic
Markazi Text
Noto Sans Arabic
El Messiri
Lemonada 
Changa 
Mada
Noto Kufi Arabic
Reem Kufi
Lalezar
Jomhuria
Rakkas
غ ظ ض ذ خ ث ت ش ر ق ص ف ع س ن م ل ك ي ط ح ز و ه د ج ب أ ayos-abjadī
 
Noto Nastaliq Urdu
Scheherazade
Lateef
Noto Naskh Arabic
Markazi Text
Noto Sans Arabic
El Messiri
Lemonada 
Changa 
Mada
Noto Kufi Arabic
Reem Kufi
Lalezar
Jomhuria
Rakkas
Konteksto Anyo Tunog Pinakamalapit na katumbas sa Filipino
Walang tuldik ا
  • Sa unahan: a, i   /a, i/ or sometimes silent in the definite article ال (a)l-
  • Sa gitna o huli: ā   /aː/
  • Walang tunog sa مِائة
  • Unahan: araw inip
  • Gitna/ Hulihan: araw
May hamzah sa itaas

(hamzah alif)

أ
  • Unahan/ gitna/ hulihan: followed by fatḥah - ʾa, or ḍammah - ʾu
  • Mag-isa o walang kasamang katinig (kadalasang sinusundan ng sukūn): /ʔ/ matatagpuan sa ilang anyo sa diksiyonaryo
  • Unahan/ Gitna/ Hulihan: ʾa - araw; ʾu - trabahador
  • Mag-isa o walang kasamang katinig: impit (glottal stop) sa mag-usap
May hamzah sa ilalim

(hamzah alif)

إ
  • Sa unahan: ʾi   /ʔi/
  • Hindi lumilitaw sa gitna
  • Unahan: ʾi - inip
May maddah آ
  • ʾā   /ʔaː/
  • Unahan/ Gitna/ Hulihan: araw
May waslah ٱ
  • Unahan/ Gitna/ Hulihan: walang tunog
  • /ʔ/ Tagamarka/tagakonekta/tagakabit sa gitna ng dalawang salita, gamit ang [[Arabic definite article|tiyak na pantukoy (definite article) sa Arabe]] al o ang alif o hamzah alif upang magbuo ng parirala, pangngalang malaparirala (phrasal noun) o kahit pangalan: hal. 'Abd 'Allah عَبْدَ ٱلله - "tagapaglinkod ni Allah (Panginoon)"
  • Impit (glottal stop) sa mag-usap or walang tunog

Mga minodipikang titik

baguhin

Ang mga sumusunod ay hindi titik mismo, ngunit sa halip nito, mga ibang kontekstuwal na baryante ng ilan sa mga titik sa Arabe.

Conditional forms Pangalan Pagsasatitik Ponetikang Katumbas (IPA)
Mag-isa Hulihan Gitna Unahan
آ ـآ آ ʾalif maddah

(أَلِفْ مَدَّة)

ʾā /ʔaː/(alyas "'alif na nagpapahaba / nagbibigay-diin")
ة ـة tāʾ marbūṭah

(تَاءْ مَرْبُوطَة)

h o
t /
(alyas "korelasyonadong tā'")

ginagamit lang sa hulihan at para sa pagpapahiwatig ng pambabaeng pangngalan/salita o para gawing pambabae ang pangngalan/salita; ngunit sa mga bihirang kaukulang pampandiwang di-karaniwan/pansalita (irregular noun/word cases), lumalabas na nagpapahiwatig ito ng mga "panlalaking" pang-isang pangngalan: /a/,

pangngalang pangmarami: āt (isang nauunang titik na sinusundan ng fatḥah alif + tāʾ = ـَات‎)

ى -ـى ʾalif maqṣūrah (أَلِفْ مَقْصُورَة) ā / á / Itong titik ay tinatawag na أَلِفْ مَقْصُورَة alif maqṣūrah o ْأَلِف لَيِّنَة alif layyinah, at ginagamit lang ito sa dulo ng mga salita, kumakatawan ng /aː/ sa Modernong Pamantayang Arabe.

Sa mga ilang espesyal na kaso, ipinapahiwatig nito ang balaking/pambabaeng aspeto ng salita (karamihan mga pandiwa), kung saan hindi magagamit ang tā’ marbūṭah.

Ang bersyon na walang tuldok ang naging tradisyonal na paraan sa pagsusulat ng titik ي yāʾ sa hulihan, at ginagamit pa rin ito sa rehiyon ng Lambak ng Nilo.

Mga pang-angkop

baguhin
 
Mga bahagi ng pang-angkop para sa "Allah":
1. alif
2. hamzat waṣl (ْهَمْزَة وَصْل)
3. lām
4. lām
5. shadda (شَدَّة)
6. punyal na alif (أَلِفْ خَنْجَریَّة)
7. hāʾ

Karaniwan ang paggamit ng mga pang-angkop (ligatures) sa wikang Arabe. May isang pang-angkop na sapilitan, ang ginagamit para sa lām ل + alif ا, na umiiral sa dalawang anyo. Opsyonal ang lahat ng mga iba pang pang-angkop.[4]

Kontekstuwal na anyo Pangalan Pagsasatitik Katumbas
Hulihan Gitna Unahan Mag-isa
lām + alif laa /lā/
[5] yāʾ + mīm īm /iːm/
lam + mīm lm /lm/

Karaniwan ang paggamit ng isa pang mas kumplikadong pang-ankop na nagsasama-sama ng kasindami ng pitong natatanging bahagi sa pagkakatawan ng salitang Allāh.

Ang tanging pang-angkop na nasa pangunahing saklaw ng sulat Arabe sa Unicode (U+06xx) ay lām + alif. Ito ang tanging sapilitan sa mga punto at pagpoproseso ng mga salita. Ang mga ibang saklaw ay para sa pagkakatugma sa mga mas matatandang pamantayan at naglalaman ng mga iba pang pang-angkop na opsyonal.

Pagdodoble

baguhin

Ang pagdodoble (gemination) ay tumutukoy sa pagdodoble ng katinig. Sa halip na isulat ang titik nang dalawang beses, sa wikang Arabe, inilalagay ang isang hugis-W na tanda na tinatawag na shaddah, sa ibabaw ng titik. Paalala na kung may patinig sa gitna ng dalawang katinig, isusulat ang titik nang dalawang beses. Lumilitaw lamang ang tuldik kung saan ang katinig sa dulo ng isang pantig ay magkatumbas sa paunang katinig ng sumusunod na pantig. (Ang pangkalahatang termino para sa mga ganitong tuldik ay ḥarakāt).

Pangkalahatang Unicode Pangalan Pangalan sa sulat Arabe Pagsasatitik
0651

ــّـ

shaddah شَدَّة (dinoble ang katinig)

Sanggunian

baguhin
  1. Zitouni, Imed (2014). Natural Language Processing of Semitic Languages [Natural na Pagpoproseso ng Wika ng mga Wikang Semitiko] (sa wikang Ingles). Springer Science & Business. p. 15. ISBN 3642453589.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 (sa Arabe) Alyaseer.net ترتيب المداخل والبطاقات في القوائم والفهارس الموضوعية Pagsasaayos ng mga entrada at kard sa mga indeks ng paksa Naka-arkibo 12-23-2007 sa Wayback Machine. Discussion thread (Nakuha noong 2009-Oktubre–06)
  3. Rogers, Henry (2005). Writing Systems: A Linguistic Approach [Sistema ng Pagsulat: Isang Lingwistikong Pagtingin] (sa wikang Ingles). Blackwell Publishing. p. 135.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Talaan ng mga Arabeng pang-angkop na anyo sa Unicode.
  5. Depende sa punto ng ginagamit para sa pagsasalin, ang anyo na ipinapakita sa iskrin ay maaaring pang-angkop na anyo o hindi.