[go: up one dir, main page]

Si Irina Valeryevna Shaykhlislamova[2] (Ruso: Ирина Валерьевна Шайхлисламова; ipinanganak noong Enero 6, 1986), o mas kilala bilang Irina Shayk (/ʃeɪk/;[3] Ruso: Ирина Шейк), ay isang modelong Ruso at personalidad sa telebisyon. Nakatanggap si Shayk ng internasyonal na pagkilala nang lumitaw siya bilang unang modelong Ruso sa pabalat ng 2011 Sports Illustrated Swimsuit Issue.[4] Niraranggo siya ng Models.com bilang isa sa mga Bagong Super.[5]

Irina Shayk
Ирина Шейк
Si Shayk noong 2014
Kapanganakan
Irina Valeryevna Shaykhlislamova

(1986-01-06) 6 Enero 1986 (edad 38)
Yemanzhelinsk, Russian SFSR, Soviet Union
Nasyonalidad Rusya
Ibang pangalanİrina Şəyxelislamova (Tatar)
TrabahoModelo, Television personality
Aktibong taon2007–kasalukuyan
AhenteThe Society Management (New York)

Elite Model Management (Paris, Barcelona)

Models 1 (London)[1]
Tangkad1.78 m (5 tal 10 pul)
Kinakasama
Anak1
WebsiteIrina Shayk official

Talambuhay

baguhin

Pamilya at Edukasyon

baguhin

Ipinanganak si Shayk sa Yemanzhelinsk (rehiyon ng Chelyabinsk Oblast), Unyong Sobyet, sa isang ama ng Volga Tatar, si Valery Shaykhlislamov, isang minero ng karbon, at ina ng etnikong Ruso, si Olga, isang guro ng musika sa kindergarten.[6] Sinabi niya na minana niya ang kanyang hitsura mula sa kanyang ama at madalas siyang napagkakamalan ng mga tao na siya ay South American, na nagsasabing,

Ang aking ama ay maitim ang balat, dahil siya ay Tatar, minsan ang mga Tatar ay maaaring magmukhang Brazilian. Habang nakuha ko ang aking matingkad na mga mata mula sa aking ina.

— Irina

[6]

Siya ay may isang nakatatandang kapatid na babae, na nagngangalang Tatiana Petenkova. Siya rin ay isang tiyahin sa tatlong anak ni Tatiana kabilang ang isang pamangking babae na pinangalanang "Irina" pagkatapos niya.[7]

Nagsimulang tumugtog ng piano si Shayk sa edad na anim. Sa edad na siyam, nag-enrol siya sa isang paaralan ng musika at nag-aral doon ng pitong taon, parehong tumutugtog ng piano at kumakanta sa koro, dahil gusto ng kanyang ina na mag-aral siya ng musika.[8] Pumanaw ang kanyang ama dahil sa komplikasyon ng pulmonya noong siya ay labing apat na taong gulang, naiwan ang kanyang pamilya na may kaunting pera at napilitan ang kanyang ina na magtrabaho ng dalawang trabaho upang matustusan ang pamilya. Minsan ay binabalikan niya ang mga alaalang iyon, nagsasabing, "..Paano kung nagkasakit ako at wala kaming pambayad?" tanong ni Irina.[6]

Pagkatapos ng Haiskul, nag-aral si Shayk ng marketing, ngunit kalaunan ay pinili niyang pumasok sa isang beauty school kasama ang kanyang ate.[8] Habang nandoon, napansin siya ng isang taga-local modeling agency na nabighani sa kanyang kagandahan. Siya ay inanyayahan na lumahok sa "Miss Chelyabinsk 2004" beauty contest, na kanyang napanalunan; inilarawan niya ang paligsahan na ito na mas mababa sa pamantayan ng mga paligsahan sa pagpapaganda na inaasahan sa mga lungsod sa metropolitan na Europa o sa Estados Unidos.[9]

Karera

baguhin

Pansariling buhay

baguhin

Nagka relasyon si Shayk kay Linkin Park drummer na si Rob Bourdon mula 2007 hanggang 2009.[10][11] Nakilala niya si Cristiano Ronaldo, isang Portuges na footballer, noong 2009 at naging magkasintahan sila. Tinapos niya ang relasyon nilang dalawa noong Enero 2015.[12]

Noong tagsibol 2015, nagsimula siyang makipag kita sa Amerikanong aktor na si Bradley Cooper.[13] Sa panahon ng kanilang relasyon nagkaroon sila ng isang anak na babae, na pinangalanang Lea De Seine, ipinanganak noong Marso 21, 2017 sa lungsod ng Los Angeles.[14] Ngunit kalaunan ay naghiwalay sila noong hunyo 2019.[15]

Sanggunian

baguhin
  1. Irina Shayk - Model (sa wikang Ingles), nakuha noong 2023-05-03{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Hot! Supermodel Shayk's Perry Street Condo". Observer (sa wikang Ingles). 2010-09-21. Nakuha noong 2023-03-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Irina Shayk (Ellen) | Ghostarchive". ghostarchive.org. Nakuha noong 2023-03-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Sports Illustrated Swimsuit 2011 Cover: Irina Shayk". Peoplemag (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "MODELS.com's New Supers". models.com. Nakuha noong 2023-03-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 Shayk, rattle and roll! (sa wikang Ingles), nakuha noong 2023-02-01{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. s.r.o, RECO. "Irina Shayk for Vogue Portugal: "The archetype of good taste is respecting other people"". Vogue.pt (sa wikang Eslobako). Nakuha noong 2023-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 "Desmontando a Irina" (sa wikang Kastila), inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-02, nakuha noong 2023-04-13{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Will the Real Irina Shayk Please Stand Up". Harper's BAZAAR (sa wikang Ingles). 2019-07-11. Nakuha noong 2023-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Rob Bourdon's Overlooked Personal Life: Linkin Park Drummer Married Now?". LIVERAMPUP (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "UOL Esporte - Namoradinha do Esporte 9 - Irina Shayk". uolesporte.blogosfera.uol.com.br (sa wikang Portuges). Nakuha noong 2023-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Cristiano Ronaldo breaks up with girlfriend Irina Shayk". USA TODAY (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Bradley Cooper and Irina Shayk pictured together for first time". HELLO! (sa wikang Ingles). 2015-05-05. Nakuha noong 2023-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Bradley Cooper and Irina Shayk Welcome Daughter Lea De Seine". Peoplemag (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Bradley Cooper and Irina Shayk Split After 4 Years Together". Peoplemag (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin

Usbong  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.