Hassanal Bolkiah
Si Hassanal Bolkiah[1] (Jawi: حسن البلقية; ipinanganak 15 Hulyo 1946) ay ang ika-29 at kasalukuyang Sultan at Yang di-Pertuan ng Brunei at ang Punong Ministro ng Brunei. Isa siya sa mga huling ganap na monarko sa sanlibutan. Anak nina Sultan Omar Ali Saifuddien III at Raja Isteri (Reyna) Pengiran Anak Damit, humalili siya bilang sultan ng Brunei, pagkatapos magbitiw sa tungkulin ang kanyang ama noong 5 Oktubre 1967.
Hassanal Bolkiah | |
---|---|
Kapanganakan | 15 Hulyo 1946
|
Mamamayan | Brunei |
Nagtapos | Pangharing Akademyang Militar ng Sandhurst |
Trabaho | politiko |
Opisina | Hari () |
Asawa | Reyna Saleha ng Brunei (1965–) |
Anak | Prinsipe Azim Tagapagmanang Prinspe Al-Muhtadee Billah ng Brunei Prinsipe Malik Prinsesa Rashidah Sa'adatul Bolkiah |
Magulang |
|
Pamilya | Prinsipe Jefri Bolkiah Prinsipe Mohamed Bolkiah |
Pirma | |
Nakaranggo ang sultan sa mga pinakamayamang indibiduwal sa sanlibutan. Tinataya ng magasin na Forbes ang kanyang netong halaga sa $ 20 bilyon. Pakatapos ni Reyna Elizabeth II, ang sultan ay ang ikalawang kasalukuyang monarko sa mundo na matagal ng namamahala.[2] Noong 5 Oktubre 2017, ipinagdiwang ng sultan ang kanyang Ginuntuang Hubileo upang markahan ang kanyang ika-50 paghahari sa kanyang trono.[3]
Maagang buhay
baguhinIsinilang ang sultan noong 15 Hulyo 1946, sa Istana Darussalam, Bayan ng Brunei (tinatawag na ngayong Bandar Seri Begawan) bilang Pengiran Muda (Prinsipe) Hassanal Bolkiah. Nagtapos siya sa isang mataas na paaralan sa Institusyon ng Victoria sa Kuala Lumpur, pagkatapos pumasok siya sa Pangharing Akademyang Militar ng Sandhurst sa Reino Unido, na nagtapos noong 1967.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Buong Pangalan: Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mu'izzaddin Waddaulah ibni Al-Marhum Sultan Haji Omar 'Ali Saifuddien Sa'adul Khairi Waddien
- ↑ "World's second-longest reigning monarch, Sultan Hassanal Bolkiah, marks golden jubilee in style" (sa wikang Ingles). Times Now. 5 Oktubre 2017. Nakuha noong 14 Setyembre 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sultan of Brunei's Golden Jubilee celebrated with chariot parade" (sa wikang Ingles). CNN. 5 Oktubre 2017. Nakuha noong 23 Oktubre 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Leifer, Michael (13 Mayo 2013). Dictionary of the Modern Politics of Southeast Asia (sa wikang Ingles). Routledge. p. 76. ISBN 9781135129453.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)