[go: up one dir, main page]

Ang mga lakan[1] o maharlika (mula sa Sanskrito: महर्द्धिक [maharddhika]) (Ingles: noble, nobleman, na nagiging noblemen kapag maramihan) ay kabilang sa hadlika[2] (Ingles: nobility, Kastila: nobleza), na itinuturing bilang pinakamataas na uring panlipunan sa mga lipunang bago ang modernisasyon o modernismo. Sa sistemang peudal (sa Europa at sa ibang mga lugar), ang nobilidad ay karamihang binubuo ng mga taong nagmamay-ari ng mga lupain na nagmula sa monarka at nangangailangang magbigay ng mga paglilingkod (serbisyo) sa monarkang nagbigay sa kaniya ng lupain, pangunahin na ang serbisyong pangmilitar. Sa pagdaka, ang kauriang ito sa lipunan ay naging isang uring namamana, na kung minsan ay mayroong karapatan na magdala ng isang pamagat na namamana at upang magkaroon ng mga pribilehiyong pampananalapi at iba pa.

Sa kasalukuyan, sa karamihan ng mga bansa, ang "katayuan ng maharlika" o "kalagayan ng maharlika" ay nangangahulugan ng kawalan ng mga pribilehiyong pambatas; ang isang mahalagang hindi kasali rito ay ang sa Nagkakaisang Kaharian, kung saan ang partikular na mga titulo (mga pamagat ng mga kauri, kapareho o kapantay, na peerage kung tawagin sa Ingles) na sa kamakailan lamang ay nakapaggarantiya ng isang upuan o puwesto sa Mataas na Kapulungan (Mataas na Kabahayan o Upper House) ng Parlamento ng Westminster, kung kaya't tinatawag itong Kabahayan ng mga Panginoon" (House of Lords), at nangangahulugan pa rin ng ilang hindi gaanong mahahalagang mga pribilehiyo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Lakan," nobleman. Peplow, Evelyn. "The Coming of the Spaniards," THE PHILIPPINES Tropical Paradise, Passport Books, 1991, pp. 134.
  2. Almario, Virgilio, pat. (2010). "hadlika". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Tao Lipunan  Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Lipunan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.