Gastronomiya
Ang gastronomiya (Kastila: gas·tro·no·mí·a) ang pag-aaral ng kaugnayan ng kalinangan at pagkain. Madalas ipinaglilito ang salitang gastronomiya sa sining panluto bagaman isa lamang itong munting bahagi ng disiplina sapagkat hindi masasabing ang isang tagapagluto ay isa ring gourmet. Pinag-aaralan sa gastronomiya ang mga sari't saring bahagi ng kalinangan habang sumesentro sa pagkain. Dahil dito, mayroon itong kaugnayan sa mataas o mababang sining at agham panlipunan, pati na rin sa likas na agham pagdating sa sistemang panunaw ng katawan ng tao.
Etimolohiya
baguhinSinulat ni Archestratus ang isang gabay sa mga pagkain sa Mediteraneo sa anyong tula na tinatawag na "Gastronomiya", na sang-ayon kay Chrysippus ng Tyana; nanatili lamang ang mga pira-pirasong sipi. Tambalan ang salita ng Griyegong γαστρ(ο)- 'tiyan' ἀστρονομία at νόμος lit. 'kaugalian', na hinuwaran mula sa 'astronomiya'.[1] Binuhay muli ito noong 1801 bilang pamagat ng isang tula ni Joseph Berchoux.[2][3] Sa Physiologie du goût (1825) ni Brillat-Savarin, nagkaroon ng sistema ang pag-aaral ng pagkain at pagluluto sa ilalim ng pangalan niya.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Oxford English Dictionary, s.v. (sa Ingles)
- ↑ Ory, Pascal (1996). Realms of Memory: Tradition (sa wikang Ingles). Columbia University Press. pp. 445–448.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Joseph Berchoux, La gastronomie, pöeme, 4th edition, Paris, 1805 full text (sa Ingles)
- ↑ Béa Aaro\nson, "La Civilisation du goût: Savoir et saveur à la table de Louis XIV", in Civilization in French and Francophone Literature, French Literature Series 33 (2006), p. 88 (sa Ingles)