Daang Radyal Blg. 3
|
Hilagang dulo: Abenida Quirino sa Maynila Katimugang dulo: sa Lungsod ng Batangas |
Ang Daang Radyal Bilang Tatlo (Ingles: Radial Road 3; itinakda bilang R-3) ay isang pinag-ugnay na mga daanan at tulay na bumubuo sa ikatlong daang radyal ng Maynila sa Pilipinas.[1] Ang kabuuan nito (maliban sa bahaging hilaga ng C-5) ay isang mabilisang daanan (expressway).
Ang bahagi ng R-3 mula EDSA sa Makati hanggang Calamba ay isa ring bahagi ng Pan-Philippine Highway (AH26).
Ruta
baguhinBinubuo ng Daang Radyal Blg. 3 ang mga sumusunod na bahagi:
South Luzon Expressway
baguhinMula sa hilagang dulo nito sa sangandaan ng Abenida Quirino sa Paco, Maynila hanggang sa dulo nito sa Santo Tomas, Batangas, kilala ang R-3 bilang South Luzon Expressway (SLEx), ang pangunahing bahagi ng R-3. Ang bahagi sa hilaga ng sangandaan ng C-5 ay toll-free at tinaguriang Lansangang Osmeña (Osmeña Highway), mula kay dating Pangulong Sergio Osmeña. Dating tinawag na "South Superhighway" ang bahaging ito. Ang bahaging toll road na mula C-5 hanggang Calamba, Laguna ay tinaguriang Lansangang Dr. Jose Rizal (Dr. Jose Rizal Highway), mula kay Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Ang bahaging Calamba - Santo Tomas ay tinaguriang SLEx Toll Road 3 na ibinuksan sa mga motorista noong 2010.
Metro Manila Skyway
baguhinAng Metro Manila Skyway ay isang nakaangat na mabilisang daanan na dumadaan sa ibabaw ng SLEx mula Abenida Gil Puyat sa Makati hanggang Daang Alabang–Zapote sa Muntinlupa. Sa kasalukuyan, itinatayo ang bahaging tinatawag na Ikatlong Yugto ng Skyway (Skyway Stage 3) na magkokonekta ng mga mabilisang daanan ng North Luzon Expressway at South Luzon Expressway sa hinaharap. Daraan ito sa Abenida Bonifacio, Abenida Sarhento Rivera, Abenida Gregorio Araneta, Daang Paco–Santa Mesa, at Abenida Quirino, kalakip ng bahaging nasa ibabaw ng Ilog San Juan.
Southern Tagalog Arterial Road
baguhinAng huling bahagi ng R-3 ay Southern Tagalog Arterial Road (o STAR Tollway) na isang mabilisang daan sa lalawigan ng Batangas, mula Santo Tomas hanggang Lungsod ng Batangas.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Metro Manila Infrastructure Development" (PDF). University of the Philippines Diliman. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-08-10. Nakuha noong 12 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)