[go: up one dir, main page]

Ang bihud[1] (Ingles: roe, fish eggs, hard roe) ay ang ganap nang hinog na masa ng mga itlog ng mga isda at ng ilang mga hayop-dagat tulad ng mga salungo , hipon, at tipay. Ito rin ang tawag sa obaryo ng isda, alimango, sugpo, o ulang na puno ng itlog.[2] Bilang pagkaing-dagat, ginagamit itong luto na sa mararaming ulam bilang sangkap. Ginagamit din itong hilaw. Kabyar (Ingles: caviar) ang termino para sa bihud na tinimplahan, inasnan, o pinasarap na mga itlog ng isda,[2] na kinakain bilang delikasiya. Ang malambot na bihud (soft roe), na tinatawag ding puting bihud (white roe), ang pluwidong seminal ng isdang lalaki.

Ang bihud ng isdang salmon mula sa Hapon.
Sari-saring mga uri ng kabyar.

Tumutukoy din ang salitang aligi o alige sa itlog o obaryo ng mga alimasag, alimango, hipon at alupihang dagat, o panloob na bahagi ng katawan ng mga hayop-tubig na ito, ngunit mas partikular na sa mga taba ng mga ito.[3][4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Bihud, Fish eggs, Roe, MarketManila.com
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Roe; caviar, kabyar - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Leo James English, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  4. Blake, Matthew (2008). "Aligi, alige". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa aligi, fat of shrimps and crabs Naka-arkibo 2012-11-16 sa Wayback Machine., Bansa.org

Usbong  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.