[go: up one dir, main page]

Artemio Ricarte

Pilipinong mapanghimagsik na heneral

Si Artemio Ricarte y García (20 Oktubre 1866 — 31 Hulyo 1945) ay isang Pilipinong heneral na namuno sa Digmaang Pilipino-Amerikano.

Artemio Ricarte
PalayawVíbora
Kapanganakan20 Oktubre 1866(1866-10-20)
Batac, Ilocos Norte, Silangang Indiyas ng Espanya (Pilipinas)
Kamatayan31 Hulyo 1945(1945-07-31) (edad 78)
Kalinga, Lalawigang Bulubundukin, Philippines
KatapatanUnang Republika ng Pilipinas
SangayRebolusyonaryong Hukbong Katihan ng Pilipinas
Taon ng paglilingkod1896–1900
RanggoHeneral
Labanan/digmaanHimagsikang Pilipino
Digmaang Pilipino-Amerikano

Kapanganakan at Talambuhay

baguhin

Isinilang si Ricarte sa Lungsod ng Batac, Ilocos Norte. Tinapos niya ang kaniyang pag-aaral sa Batac bago siya lumipat sa Maynila. Nag aral siya sa Colegio de San Juan de Letran at doon nagtapos ng Batsilyer ng Sining.