[go: up one dir, main page]

Alexander Graham Bell

Si Alexander Graham Bell (3 Marso 1847 – 2 Agosto 1922) ay isang siyentipiko at imbentor. Ipinanganak at lumaki siya sa Scotland. Lumipat siya sa Canada noong 1870,[1] at noong sumunod na taon ay lumipat naman sa Estados Unidos. Kilala si Bell sa paggawa at pagpapatente ng telepono ngunit marami rin ang gumawa ng iba pang mga uri ng telepono, na bukod pa sa kaniyang uri. Maliban sa kaniyang trabaho sa telekomunikasyon, responsable rin siya sa pagpapaunlad ng teknolohiyang panghimpapawid at iyong may kaugnayan sa hydrofoil.

Alexander Graham Bell
Larawan ni Alexander Graham Bell c. 1914 - 1919
Kapanganakan3 Marso 1847
Kamatayan2 Agosto 1922(1922-08-02) (edad 75)
DahilanDiabetes
EdukasyonUniversity of Edinburgh
University College London
TrabahoImbentor, Siyentipiko, Inhinyero, Dalubhasa (Pamantasan ng Boston), Guro ng mga Bingi
Kilala saPag-imbento ng telepono
AsawaMabel Hubbard
(kasal 1877–1922)
Anak(4) Dalawang anak na lalaki ang namatay noong sanggol pa at dalawang anak na babae
MagulangAlexander Melville Bell[1]
Eliza Grace Symonds Bell
Kamag-anakGardiner Greene Hubbard (Biyenan)
Gilbert Hovey Grosvenor (Manugang)
Melville Bell Grosvenor (Apo)
Pirma

Ang kaniyang interes sa aparatong elektrikal at mekanikal upang matulungan ang mga taong mayroong kahinaan sa pandinig ang naghantong sa pagkaimbento, pagpapaunlad at pagpapatente niya ng telepono.[2]

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak si Bell sa Edinburgh noong 3 Marso 1847. Siya ang panggitna sa tatlong magkakapatid na pawang mga lalaki. Ang kaniyang mga kapatid ay namatay dahil sa tuberkulosis. Ang mga magulang niya ay sina Propesor Alexander Melville Bell at si Eliza Grace Symonds Bell. Sa edad na labing-isa, isinama niya sa kaniyang pangalan ang Graham, dahil sa paghanga niya sa isang kaibigan ng pamilya na ang pangalan ay Alexander Graham. Kilala si Bell sa palayaw na "tatay ng mga bingi". Ang ina at ang asawa ni Bell ay kapwa mga bingi, kaya ninais niyang mawala ang kabingihang namamana.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Alexander Graham Bell Laboratory Notebook, 1875-1876". World Digital Library. 1875–1876. Nakuha noong 2013-07-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: date format (link)
  2. Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R112.


Talambuhay Agham Komunikasyon  Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Agham at Komunikasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.