Abenida Commonwealth
Ang Abenida ng Commonwealth (Ingles: Commonwealth Avenue), na dating kilala bilang Abenida ng Don Mariano Marcos (Don Mariano Marcos Avenue) at maaaring tawaging Abenida Komonwelt, ay isang pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Nagsisimula ito sa Quezon Memorial Circle sa may Daang Elipso, Diliman, Lungsod Quezon, at dumadaan ito sa mga pook ng Philcoa, Tandang Sora, Balara, Batasan Hills, at Fairview. Nagtatapos ito sa Lansangang Quirino sa Novaliches, Lungsod Quezon. Ito ay may anim hanggang labing-walong linya, at ito ang pinakamalawak na lansangan sa Pilipinas.
Abenida Commonwealth Commonwealth Avenue | |
---|---|
Abenida ng Don Mariano Marcos Don Mariano Marcos Avenue | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 12.4 km (7.7 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa timog | Quezon Memorial Circle, Daang Elipso |
Dulo sa hilaga | N127 (Lansangang Quirino) |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Isa itong bahagi ng Daang Radyal Blg. 7 (R-7) ng lumang sistema ng pamilang sa mga lansangan sa Kamaynilaan at N170 ng sistemang lansangang bayan ng Pilipinas ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH).
Bilang isang abenida sa Lungsod Quezon na nakatala bilang isa sa mga lungsod sa Kamaynilaan na may mataas na pagkalaganap ng mga sakuna sa daan, ang Abenida Commonwealth ay may mataas na bilang ng mga sakuna, lalo na yaong mga may kaugnayan sa overspeeding, at nakuha nito ang kalait-lait na palayaw na "Killer Highway". Ipinatupad ang 60 km/h (37 mph) na takdang tulin upang mabawasan ang mataas na bilang ng mga sakuna sa abenida.
Kasaysayan
baguhinNahahati sa dalawang bahagi ang Abenida Commonwealth: ang Abenida Fairview na may anim hanggang walong linya at Abenida Don Mariano Marcos na may labing-walong linya.
Itinayo ang Abenida Don Mariano Marcos noong huling bahagi ng dekada-1960 bilang lansangang may dalawang linya upang magkaroon ng ruta papuntang Hugnayan ng Batasang Pambansa. Sa mga panahong iyon, ang Lungsod Quezon ay kabisera ng bansa, at magtatayo sana ng mga embahada sa kahabaan ng lansangan. Sa halip, nagtayo ng mga ibang establisimiyento sa lansangan sapagkat ibinalik sa Maynila ang pambansang kabisera noong 1976. Kalaunan, pinahaba ang Abenida Don Mariano Marcos mula Daang Elipso hanggang Calle Espana (ngayo'y Bulebar Espanya). Kalaunan, binigyan ito ng pangalang Abenida Commonwealth upang mapalawak ang Hugnayan ng Batasang Pambansa, bagaman ang plano ito'y ay di naituloy. Ang bahaging Daang Elipso-Bulebar Espanya ay ipinangalang Abenida Quezon. Kalaunan, napunta sa Abenida Commonwealth ang Abenida Fairview na nagtatapos sa Subdibisyong Jordan Plains sa Novaliches.
Noong dekada-1980, pinalawak sa anim na linya ang lansangan. Noong dekada-1990 at dekada-2000, nagsimula ang pagbigat sa daloy ng trapiko at paglaganap ng mga sakunang awtomobil dahil sa pagdami ng bilang ng mga pampublikong sasakyan na dumadaan dito, at pagdagsa ng mga nagtitinda sa bangketa. Noong huling bahagi ng dekada-2000, pinaalis ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA) ang mga nagtitinda sa bangketa, lalo na sa paligid ng Tandang Sora, na madalas magkaroon ng pagsisikip sa daloy ng trapiko tuwing rush hour. Gumagamit ng mga stoplight at center island splitting ang Abenida Fairview sa mga sangandaan nito, habang ang Abenida Don Mariano Marcos naman ay gumagamit ng mga palitan sa mga sangandaan nito.
Ang abenida ay may labing-walong (18) linya sa pinakamalawak na bahagi nito, at ito ang pinakamalawak na daan sa Pilipinas. Bago nito, ang Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) ang pinakamalawak na lansangan sa Pilipinas, bago mag-dekada-1970/1980.[1]
Pag-uugnay sa Lansangang Quirino
baguhinNoong Oktubre 1, 2009, inanunsiyo ng noo'y alkalde ng Lungsod Quezon na si Feliciano Belmonte, Jr. ang kanyang labinlimang-taong pangarap na pag-uugnay ng Abenida Commonwealth at Lansangang Quirino sa halagang ₱20 milyon - ₱140 milyon, malapit sa Daang Zabarte.[2] Natapos ang proyekto noong Mayo 2011 at ginagamit na ito ngayon.[kailan?]
Nakatakdang tulin (speed limit)
baguhinMula Mayo 2011, isang 60 kilometro kada oras (37 milya kada oras) na takdang tulin ay ipinatutupad sa Abenida Commonwealth, kasunod ng kamatayan ng mamamahayag na si Lourdes "Chet" Estella-Simbulan sa isang sakuna sa daan sa abenida. Sa unang linggo ng pagpapatupad ng takdang tulin, nahuli ang mga 120 lumalabag kasunod ng pagtala ng mga bilis ng higit sa 60 kph sa mga speed gun.[3]
Paglalarawan ng ruta
baguhinSinusunod ng Abenida Commonwealth ang pakurbang ruta mula Daang Elipso hanggang Lansangang Quirino, na kinabibilangan ng bahaging pinangalanang Abenida Fairview. Ang pangunahing bahagi, sa timog ng rotonda sa may Kalye Doña Carmen, ay kilala sa kalahating kontrol ng pagpasok, kung saan ang mga bagtasang nasa lupa (at-grade intersections) ay pinalitan ng mga palitan at U-turn slot, at inilagay ang mga tawiran ng tao sa mga footbridge. May 18 linya ang bahaging ito (9 na linya kada direksyon), hindi pa kasama ang mga linyang inilaan sa mga bus at dyipni. May anim hanggang walong linya ang Abenida Fairview, na may tatlo hanggang apat na mga linya kada direksyon, subalit karamihang nasa lupa ang mga bagtasan nito, at kadalasang may mga ilaw pantrapiko.
Dahil sa matatagpuan ito sa Lungsod Quezon na may mataas na bilang ng mga sakuna sa daan, ang Abenida Commonwealth ay may mataas na pagkalaganap ng mga sakuna kasama ang Abenida Quezon.[4] Ang mataas na bilang ng mga sakuna sa abenida ay nagpabigay ng tanyag na palayaw nito, ang "Killer Highway".[5]
Ikapitong Linya ng MRT
baguhinNoong 2016, sinimulan ang pagtatayo ng Ikapitong Linya ng MRT (MRT-7), na mag-uugnay sa Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlulan ng Maynila (MRT) at Panlahat na Estasyong North Avenue.[6] Karamihan sa kahabaan ng MRT-7 ay susunod sa center island ng Abenida Commonwealth hanggang sa Lansangang Regalado. Inaasahan na mailuluwag nito ang daloy ng trapiko sa abenida. Inaasahang matatapos ito sa taong 2020.[7]
Mga sangandaan
baguhinAng buong ruta matatagpuan sa Lungsod Quezon Kasama sa talaan ang bahaging tinatawag na "Abenida Fairview." Nakabilang ang mga kilometro mula sa Liwasang Rizal, ang Kilometro sero.
km[8][9] | mi | Mga paroroonan | Mga nota | ||
---|---|---|---|---|---|
12.491 | 7.762 | N170 (Daang Elliptical) | Rotonda. Tutuloy papuntang Maynila bilang Abenida Quezon | ||
Kalye Masaya | Mapapasok mula sa patimog na mga landas sa pamamagitan ng U-turn slot. Nagbibigay-daan papasok sa U.P. Village, Teachers Village at Abenida Kalayaan. | ||||
12.879– 13.051 | 8.003– 8.110 | N175 (Abenida University) | Mapapasok mula sa patimog na mga landas sa pamamagitan ng U-turn slot. Nagbibigay-daan papasok sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. | ||
Abenida Sentral | Mapapasok mula sa pahilagang mga landas sa pamamagitan ng U-turn slot. Nagbibigay-daan papasok sa New Era University at Templo Central ng Iglesia Ni Cristo | ||||
Abenida Tandang Sora | Pakanang mga liko lamang. Kasalukuyang nakasara ang flyover habang itinatayo ang Ikapitong Linya ng MRT. Ipinapanukala ang isang nakaangat na U-turn. | ||||
N129 (Abenida Luzon/Daang C-5) | |||||
Kalye Zuzuarregui | Ang katimugang bahagi ay may daang papasok sa Broadcast City. | ||||
Kalye Holy Spirit, Kalye Capitol Homes | Ang sangandaang Kalye Holy Spirit ay mapapasukan mula sa pahilagang mga landas sa pamamagitan ng U-turn slot. Mapapasukan naman ang sangandaang Kalye Capitol Homes mula sa patimog na mga landas sa pamamagitan ng U-turn slot. Nagbibigay-daan papasok sa Ever Gotesco Commonwealth. | ||||
19.255 | 11.965 | Daang Batasan (o Daang IBP) | Mapapasukan mula sa patimog na mga landas sa pamamagitan ng U-turn slot. Kapuwang nagbibigay-daan ang dalawang mga dulo papasok sa Batasang Pambansa. Nagbibigay-daan papuntang Daang Payatas at Rodriguez (Montalban) ang hilagang dulo. | ||
20.382– 20.682 | 12.665– 12.851 | Kalye Doña Carmen | Rotonda. Nagbibigay-daan papuntang Don Jose Heights. Pagpapalit ng opisyal na pangalan sa Abenida Fairview mula Abenida Commonwealth. Pagpalit ng bilang ng mga landas sa anim mula sa labingwalo. | ||
22.041 | 13.696 | Abenida Regalado | Sangandaang may ilaw-trapiko. | ||
23.242 | 14.442 | Lansangang Regalado | Sangandaang may ilaw-trapiko. Bawal ang pakaliwang mga liko mula sa patimog na mga landas. Nagbibigay-daan papasok sa SM City Fairview. | ||
Abenida Mindanao | Sangandaang may ilaw-trapiko | ||||
25.203 | 15.660 | N127 (Lansangang Quirino) | Hilagang dulo. | ||
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
|
Mga kilalang pook at palatandaan
baguhinMay mga establisimiyentong pang-komersiyo at subdibisyong pantahanan na naitayo sa kahabaan ng abenida. Ang abenida ay kinaroroonan din ng mga establisimiyentong pampamahalaan tulad ng Sandiganbayan, Komisyon ng Pagsusuri (COA), at Pangasiwaan ng Niyog ng Pilipinas (PHILCOA).
Templo Central ng Iglesia Ni Cristo
baguhinAng Templo Central ng Iglesia Ni Cristo ay pangunahing palatandaan sa kahabaan ng Abenida Commonwealth. May kakayahan ito na makaupo ng 7,000 na katao. Maliban sa Templo Central, matatagpuan din sa Abenida Commonwealth ang dalawang malaking kapilya[10] ng INC (Commonwealth at Capitol).
Ang Sandiganbayan
baguhinAng Sandiganbayan ay isang tanging hukuman sa Pilipinas na itinatag sa ilalim ng Kautusang Pampanguluhan Blg. 1606. Katumbas ng ranggo nito sa Hukuman ng Apelasyon ng Pilipinas. Binubuo ang hukuman ng 14 na mga Katuwang na Hukom at isang Namumunong Hukom. Matatagpuan ang gusali ng Sandiganbayan sa Gusaling Centennial, Abenida Commonwealth pgt. Daang Batasan, Lungsod Quezon. Dito ginanap ang mga paglilitis ni dating Pangulo Joseph Estrada mula 2001 hanggang 2007.
Pamantasan ng New Era
baguhinAng New Era University (NEU) ay isang pamantasan na pinapatakbo ng Iglesia ni Cristo (INC). Isa ito sa mga pinakamalaking hindi Katolikong pamantasan sa Pilipinas na may humigit-kumulang 30,000 mag-aaral. Ang pangunahing kampus nito ay sa # 9 Abenida Central, Barangay New Era, Lungsod Quezon. May mga sangay ito sa ibang bahagi ng Pilipinas, tulad ng sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga, sa Lipa, Batangas, at sa Heneral Santos, Timog Cotabato.
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
baguhinAng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman o UP Diliman ay ang pangunahing kampus ng Unibersidad ng Pilipinas. Matatagpuan ito sa Diliman, Lungsod Quezon. Nag-aalok ito ng mga maraming kurso, tulad ng Malayang Sining, Agham Panlipunan, Agham, Pagbabatas, Ekonomiks, Agham Pangkalikasan, Inhinyeriya, Musika, at Sining Biswal. Sa lahat ng pamantasan sa Pilipinas, ang UP Diliman ang nag-aalok ng pinakamaraming kursong di-gradwado at pang-gradwado. Noong 2007, sinimulan ang pagtatayo ng isang 37.5-ektaryang liwasang panteknolohiya na pinapausbong ng Ayala Corporation sa loob ng kampus ng pamantasan malapit sa abenida.[11] Ngayon ang U.P.-Ayala TechnoHub ay kinalalagyan ng mga korporasyong multinational tulad ng Convergys, IBM, HSBC, at Manulife.
St. Peter Parish: Shrine of Leaders
baguhinAng St. Peter Parish ay matatagpuan sa Barangay Batasan Hills, Abenida Commonwealth. Natapos ang pagtatayo nito noong 1999, at isa itong tanyag na simbahan sa Pilipinas sapagkat replica ito ng orihinal na Basilika ni San Pedro sa Roma, Italya.[12]
Quezon Memorial Circle
baguhinAng Quezon Memorial Circle ay isang pambansang liwasanan at dambana na matatagpuan sa Lungsod Quezon, ang dating kabisera ng Pilipinas (1948–1976). Ang liwasan ay isang elipso (ellipse) na hinahangganan ng Daang Elipso. Matatagpuan sa gitna nito ang musuleyo na naglalaman ng labi ni Manuel L. Quezon, ang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasama ang labi ng kanyang asawang si Aurora Quezon. Ang monumento ni Quezon ay may taas na 66 metro, ang katumbas na bilang sa edad ni Quezon noong siya'y pumanaw noong 1944.
Mga pook-pamilihan
baguhinMay mga iilang pook-pamilihan sa kahabaan ng abenida. Ang unang pook-pamilihan na binuksan sa abenida ay Ever Gotesco Commonwealth na naglilingkod sa mga tao sa mga pook ng Commonwealth/Diliman at Batasan. Sa pook naman ng Tandang Sora matatagpuan ang dalawang pook-pamilihan: Puregold Supermarket at Berkeley Square. Ang U.P.-Ayala TechnoHub ay may mga sentrong aliwan at restoran, habang ang mas-maliit na pamilihan ng Citimall ay naglilingkod sa pook ng Philcoa malapit sa Kampus ng UP at kadalasang nagsisilbi sa mga mananakay. Naglilingkod naman ang Fairview Centermall sa pook ng Fairview, habang ang SM City Fairview at Robinsons Place Novaliches ay malapit sa hilagang dulo ng Abenida Commonwealth sa may Lansangang Quirino at Subdibisyong Jordan Plains. Isa pang pook-pamilihan ay ang Shopwise na malapit sa Ever Gotesco Commonwealth. May isang Puregold Supermarket na binuksan sa dating kinalalagyan ng Fairview Wet & Dry Market. Gayundin, may isang sangay ng Purgold Jr. na binuksan sa tabi ng kampus ng Diliman Preparatory School.
Iba pang mga gusali at istraktura
baguhinMay mga maraming paaralan na matatagpuan sa kahabaan ng abenida: ang National College of Business and Arts sa Fairview,[13] Our Lady of Mercy School, Diliman Preparatory School,[14] at Lux Domine Academy na matatagpuan sa pook ng Batasan. Gayundin, may mga tindahang pandistribusyon ang mga kompanya ng sasakyan tulad ng Toyota, Kia Motors, Hyundai, Suzuki, at Nissan. May mga pamilihan at palengke rin sa kahabaan ng abenida tulad ng Commonwealth Market sa Barangay Commonwealth. Sa pook ng Fairview matatagpuan ang Saplad ng La Mesa na nagnunustos ng tubig sa Kalakhang Maynila.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Commonwealth Avenue, the Killer Highway".(sa Tagalog)
- ↑ "Archive copy". Manila Bulletin Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-22. Nakuha noong 2017-03-21.
{{cite news}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Task group apprehends 120 speedsters in 6 days". Inquirer.net. Philippine Daily Inquirer. 23 Mayo 2011. Nakuha noong 16 Mayo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "QC, Manila, Makati record most road crashes - MMDA". Rappler. 7 Pebrero 2017. Nakuha noong 16 Mayo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Abelgas, Gus (20 Disyembre 2010). "Commonwealth Avenue a 'killer highway': police". ABS-CBN News. Nakuha noong 16 Mayo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Construction of the MRT Line 7 begins". Official Gazette. Government of the Republic of the Philippines. 20 Abril 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2016. Nakuha noong 21 Marso 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ces Dimalanta at Emmie Abadilla (20 Abril 2016). "DOTC, SMC break ground for P69.3B MRT-7". Manila Bulletin. Nakuha noong 20 Abril 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Quezon City 1st". 2016 DPWH Road Data. Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 30, 2017. Nakuha noong Mayo 16, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Quezon City 2nd". 2016 DPWH Road Data. Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 13, 2017. Nakuha noong Mayo 16, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tagalog ng chapel batay sa English-Tagalog Tagalog-English Dictionary, ©1990 Merriam & Webster Bookstore, Inc., Maynila, Pilipinas
- ↑ "New Ayala technology park ready to welcome tenants". GMANews.tv.
- ↑ "St. Peter's Parish Commonwealth". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-17. Nakuha noong 2017-04-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ National College of Business and Arts
- ↑ "Diliman Preparatory School". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-16. Nakuha noong 2021-08-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)