[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Voltes V

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Chōdenji Machine Voltes V
Chōdenji Mashīn Borutesu Faibu
Si Voltes V at ang kanyang ultraelectomagnetic top
超電磁マシーン ボルテスV
DyanraMecha, Drama, Militar na sci-fi
GumawaSaburo Yatsude
Teleseryeng anime
DirektorTadao Nagahama
ProdyuserYoshiyuki Tomino
IskripYoshitake Suzuki
Masaaki Sakurai
Masaki Tsuji
Katsuhiko Taguchi
Yumiko Tsukamoto
MusikaHiroshi Tsutsui
EstudyoTohokushinsha Film
Nippon Sunrise
Toei Animation
Lisensiya
Telesuccess Productions
Inere saTV Asahi
TakboHunyo 4, 1977 – Marso 25, 1978
Bilang40
Teledrama
Voltes V Legacy
ProdyuserMark A. Reyes
Estudyo
  • GMA Productions
  • Telesuccess Productions
  • Toei Company
Inere sa
 Portada ng Anime at Manga

Ang Chōdenji Machine Voltes V (Hapones: 超電磁マシーン ボルテスV, Hepburn: Chōdenji Mashīn Borutesu Faibu, lit. sa Ingles bilang "Super Electromagnetic Machine Voltes V"), mas kilala bilang Voltes V (ang V ay binigbikas sa bilang Romano sa Ingles: Voltes Five), ay isang seryeng pantelebisyon na anime mula sa bansang Hapon na ginawa ng Toei Animation at Nippon Sunrise. Ito ang ikalawang serye ng Robot Romance Trilogy, na kinabibilangan din ng Chōdenji Robo Combattler V at Tōshō Daimos. Dinirehe ito ni Tadao Nagahama at si Yoshiyuki Tomino ang prodyuser. Unere ito sa TV Asahi mula Hunyo 4, 1977 hanggang Marso 25, 1978. Umiinog ang tema ng Voltes V sa rebelyon, partikular na katulad sa Rebolusyong Pranses at gayon din sa mga usaping panlipunan tulad ng pag-uuring panlipunan at diskriminasyon ng lahi.

Sa kabila ng katamtamang tagumpay, nakatanggap ang serye ng kahalagahang pangkalinangan dulot ng labis na kasikatan nito sa Pilipinas, Cuba at Indonesia. Sa Estados Unidos, ang super robot na ito kasama ang dalawa pang super robot ng trilogy ay lumabas noong dekada 1970 bilang bahagi ng mga linya ng laruan ng Mattel na Shogun Warriors.

Ang paparating na adaptasyong live-action na seryeng pantelebisyon mula sa Pilipinas ay lalabas sa 2020 na pinamagatang Voltes V: Legacy. Kasalukuyan itong nasa produksyon sa ilalim ng GMA Network at nasa direksyon ni Mark A. Reyes.[1]

Balangkas ng kuwento

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa isang panahon sa hinaharap, sinakop ang Daigdig ng isang hukbo ng mga mukhang-taong may-sungay na dayuhang mula sa kalawakan na kilala bilang mga Boazanian na pangunahing kinakalaban ang bansang Hapon. Kung hindi dahil sa nataong paggawa sa huling pang-depensang robot, ang Voltes-V, nawasak sana ng tuluyan ang bansang Hapon. Sang-ayon sa kuwento, nilikha si Voltes V ng isang koponan na kabilang sina Dr. Ned Armstrong, Dr. Marianne Collins-Armstrong at dalawang katiwalang kasama, Dr. Richard Smith, at Dr. Hook. Magkakahiwalay na mga sasakyang ang robot ng Voltes V na nabubuo sa isang robot at pinipiloto nina Steve Armstong, Big Bert Armstrong, Little John Armstrong, Jaime Robinson, at Mark Gordon. Ama nina Steve, Big Bert at Little John si Dr. Ned Armstrong. Ama naman ni Jamie si Commander Robinson, ang Supreme Commander-General ng UN, samantalang isang cowboy na may talento si Mark na napasama sa serbisyo.

Ang Camp Big Falcon ang home base ng Voltes V, isang fortress na matatagpuan sa hugis-ibon na pulo na malapit sa pampang ng bansang Hapon. Ang mga kalaban ni Voltes V ay mga Boazanian na pinamumunuan ni Prince Zardoz at kanyang mga tagapayo na sina, Zandra, Draco, at Zuhl. Nakatuon ang kuwento sa paghahanap ng mga magkakapatid na Armstrong sa kanilang amang si Dr. Ned Armstrong. Habang sumusulong ang kuwento, dalawang pangunahing mga tauhan ang namatay, sina Dr. Smith at Zuhl. Napalitan sila ng dalawang bagong tauhan sina Dr. Hook at si Belgan. Nang matatapos na ang serye, napag-alaman ng mga magkakapatid ang kanilang naiibang pinanggalingan, na mga may lahing tao at lahing Boazanian sila. Naramdaman nila na dapat nilang bigyan pansin ito kung paano makakaapekto ito sa kanilang buhay sa gitna ng kanilang malalapit na kaibigan at mga kasama. Nalaman din nila na kapatid nila ang Boaznian na si Prince Zardoz sa unang asawa ni Dr. Ned Armstrong.

Pangkat Pangalan sa orihinal
na Hapong bersyon
Pangalan sa Ingles at
Tagalog na bersyon
Nagboses sa wikang Hapon Nagboses sa iba't ibang Ingles
at Tagalog na bersyon[2][3][4]
Pangkat ng Voltes Kenichi Go (剛健一, Gō Ken'ichi) Steve Armstrong Yukinaga Shiraishi Tony Nierras,
Earl Palma,
Fourth Lee
Kim Atienza,
Dennis Trillo.
Derrick Monasterio
Ippei Mine (峰一平, Mine Ippei) Mark Gordon Kazuyuki Sogabe Cris Vertido,
P.J. Ramos,
Neil Yu,
Blair Arellano,
Jak Roberto
Daijiro Go (剛大次郎, Gō Daijirō) Big Bert Armstrong Tesshô Genda Noel Mallonga,
Bob Borjal,
Montreal Repuyan,
Bob Dela Cruz,
Hiro Peralta
Hiyoshi Go (剛日吉, Gō Hiyoshi) Little John Armstrong Noriko Ohara Celina S. Cristobal,
Dada Carlos,
Christine Bonnevie,
Geraldine Oca,
Rowena Raganit,
Igi Boy Flores
Megumi Oka (岡めぐみ, Oka Megumi) Jamie Robinson Miyuki Ueda Dada Carlos,
Christine Bonnevie,
Sandara Park,
Bea Binene
Mga kakampi ng Voltes Prof. Kentaro Go
(剛健太郎, Gō Kentarō),
Prince La Gour
(プリンスラゴア, Purinsu Ra Goa)
Dr. Ned Armstrong
Baron Hrothgar
Yū Mizushima Tony Nierras,
Montreal Repuyan
Prof. Mitsuyo Go (剛光代, Gō Mitsuyo) Dr. Mary Ann Armstrong Takako Kondo Christine Bonnevie,
Rowena Raganit
Prof. Hamaguchi
(浜口博士, Hamaguchi-hakase)
Dr. Richard Smith Seizō Katō Joonee Gamboa,
Dodo Crisol,
Alexx Agcaoili,
Montreal Repuyan
Gen. Oka (岡防衛長官, Oka-chōkan) Commander Robinson Hiroshi Masuoka Chito Vicente,
Vincent Gutierrez
Prof. Sakunji
(左近寺博士, Sakunji-hakase)
Dr. Hook Tamio Ouki Joonee Gamboa,
Montreal Repuyan

Michael de Mesa

Gen. Dange (ダンゲ将軍, Dange-shōgun) General Watson Hisashi Katsuta Dodo Crisol
Gen. Doir (ドイル将軍, Doiru-shōgun) Commander Garth Seizō Katō Earl Palma
Nobilidad sa Bozania Emperor Zu Zambajil
(皇帝ズ・ザンバジル, Kōtei Zu Zanbajiru)
Emperor Zu Zambajil Mikio Terashima Vincent Gutierrez,
Cris Vertido,
Bob Borjal
Prince Heinel
(プリンス・ハイネル, Purinsu Haineru)
Prince Zardoz Osamu Ichikawa Apollo Abraham,
Dodo Crisol,
Joseph Bitangcol,
Ken Chan
Ri Katherine
(リー・カザリーン, Rī Kazarīn)
Zandra Noriko Ohara Celina S. Cristobal,
Dada Carlos,
Geraldine Oca,
Nikki Valdez,
Rose Barin
Rui Jangal
(ルイ・ジャンギャル, Rui Jangyaru)
Draco Mikio Terashima Chito Vicente,
Earl Palma,
Neil Yu
Zuhl (ズール, Zūru) Zuhl Hiroshi Masuoka Cris Vertido,
Ricci Chan
Do Bergan (ド・ベルガン, Do Berugan) General Oslack Kenji Utsumi Vincent Gutierrez,
Dido de la Paz,
P.J. Ramos
Gen. Gururu
(グルル将軍, Gururu shōgun)
Baron Zander Ryusuke Shiomi Daniel Deopante
Duke Zaki (ザキ侯爵, Zaki Kōshaku) Duke Zaki Tamio Oki Joonee Gamboa
Iba pa Narrator Tagapagsalaysay Daisuke Maki Noel Mallonga
Tako-chan Octo-1 Christine Bonnevie ,
Dada Carlos,
Rose Barin

Awiting tema ng Voltes V (テーマ曲)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagbungad na awit
(オープニング テーマ)
ボルテスVのうた」(Voltes V no Uta)
Mitsuko Horie (堀江美都子), Koorogi '73 (こおろぎ'73) at Colombia Yurikago Kai (コロムビアゆりかご会)
Pangwakas na awit
(エンディング テーマ)
父をもとめて」(Chi Chi Wo Motomete/Tagalog; Ang Paghahanap Sa Ama/Ilokano; Ti Panagsapul Iti Ama/Sebwano; Ang Nasayran Sa Amahan/Hiligaynon; Ang Pangitaon Sa Amay; El Quiere Yo Tata/Chabacano)
Ichiro Mizuki (水木一郎) at Koorogi 73 (こおろぎ'73)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Alegre, Dianara (3 Enero 2020). "Direk Mark Reyes reveals details of upcoming GMA Network show 'Voltes V: Legacy'". GMA Entertainment (sa wikang Ingles). GMA Network Inc. Nakuha noong 5 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Chôdenji mashin Borutesu Faibu (TV Series 1977– ) - IMDb (sa wikang Ingles), IMDb, nakuha noong 2020-03-12{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Voltes V (TV) - Anime News Network". www.animenewsnetwork.com (sa wikang Ingles). Anime News Network. Nakuha noong 2020-03-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Anarcon, James Patrick (2017-03-27). "Ken Chan, Derrick, Bea Binene lend voices for Voltes V TV comeback". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-03-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Lahat sa wikang Ingles