[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Karag

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Toad)
Isang karaniwang karag.

Ang karag[1] (Ingles: toad[1], Kastila: sapo) ay tumutukoy sa isang bilang ng mga uri ng mga ampibyanong nasa orden ng Anura. May pagkakaibang ginagawa sa pagitan ng mga palaka at mga karag sa pamamagitan ng kanilang anyo, na inudyok ng pagpunta ng mga karag sa tuyong mga kapaligiran o tirahan. Marami sa mga karag ang may parang katad na balat para sa mas mainam na pagpapanatili ng tubig sa kanilang katawan, at kulay na kayumanggi para sa kakayahang magtago o magkubli. Mahilig din silang maghukay o maglungga para ibaon o ikubli ang sarili. Subalit hindi maaasahan na indikasyong sukatan ng mga ninuno nito ang mga adaptasyon o katangiang ito, dahil sinasalamin lamang ng taksonomiya ang ugnayang pang-ebolusyon o ng kanilang pag-unlad bilang hayop. Walang halaga ang anumang kaibahan sa pagitan ng mga palaka at mga karag sa kanilang klasipikasyon.

Halimbawa, marami sa mga kasapi ng mga pamilya ng palakang Bombinatoridae, Discoglossidae, Pelobatidae, Rhinophrynidae, Scaphiopodidae, at ilang mga uri mula sa pamilyang Microhylidae ang karaniwang tinatawag na mga "karag", ngunit iisang pamilya lamang ang binigyan ng pangkaraniwang pangalang karag: ang Bufonidae o mga totoong karag. May ilang mga "tunay na palaka" ng saring Rana ang nagkaroon din ng gawing paglulungga o pagbabaon ng sarili sa kanilang mga kapaligiran o tirahan, habang ang uring buponido sa loob ng saring Atelopus ang pasalungat na kilala rin sa kanilang pangkaraniwang katawagang "palakang harlekin". Katulad ng mga palaka, nakapagpapakita rin ng metamorposis mula butete na nagiging hayop na nasa tamang edad na maaaring makipagtalik.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Blake, Matthew (2008). "Toad, karag". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Toad Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

 Chisholm, Hugh, pat. (1911). Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles) (ika-11 (na) edisyon). Cambridge University Press. {{cite ensiklopedya}}: Missing or empty |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)


Palaka Ang lathalaing ito na tungkol sa Palaka ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.