Pagsasalita
Ang pagsasalita ay isang komunikasyon na ginagawa sa pamamagitan ng boses ng tao gamit ang wika. Gumagamit ang bawat wika ng ponetiko na kombinasyon ng mga patinig at katinig na tunog na bumubuo sa tunog ng mga salita nito (iyon ay, lahat ng salitang Ingles ay iba ang tunog sa lahat ng salitang Pranses, kahit na ang mga ito ay iisang salita, hal., "role" o "hotel"), at paggamit ng mga salitang iyon sa kanilang semantikong katangian bilang mga salita sa leksiko ng isang wika ayon sa mga paghihigpit na sintaktiko na namamahala sa paggana ng mga leksikal na salita sa isang pangungusap. Sa pagsasalita, isinasagawa ng mga nagsasalita ang maraming iba't ibang sinasadyang mga kilos sa pagsasalita, hal., pagbibigay-alam, pagpapahayag, pagtatanong, paghihikayat, pagdidirekta, at maaaring gumamit ng pagbigkas, intonasyon, antas ng lakas, tempo, at iba pang di-pangrepresentasyon o paralinggwistiko na aspeto ng bokalisasyon upang ihatid ang kahulugan. Sa kanilang pagsasalita, hindi sinasadyang ipahayag ng mga nagsasalita ang maraming aspeto ng kanilang posisyon sa lipunan tulad ng kasarian, edad, lugar ng pinagmulan (sa pamamagitan ng impit o punto), pisikal na estado (pagkaalerto at pagkaantok, sigla o kahinaan, kalusugan o sakit), sikolohikal na estado (emosyon o gana), katayuang pisiko-sikolohikal (katimpian o pagkalasing, normal na kamalayan at katayuan ng kawalan ng ulirat), edukasyon o karanasan, at mga katulad nito.
Pinag-aaralan ng mga mananaliksik ang maraming iba't ibang aspeto ng pagsasalita: pagsasagawa ng pagsasalita at persepsyon ng pagsasalita ng mga tunog na ginagamit sa isang wika, pag-uulit ng pagsasalita, mga pagkakamali sa pagsasalita, ang kakayahang imapa ang mga narinig na binibigkas na salita sa mga bokalisasyon na kailangan upang muling likhain ang mga ito, na gumaganap ng mahalagang papel sa mga bata sa pagpapalawak ng kanilang bokabularyo, at kung ano ang iba't ibang bahagi ng utak ng tao, tulad ng lugar ni Broca at lugar ni Wernicke, ang pinagbabatayan ng pagsasalita. Isang paksang pinag-aaralan ang pagsasalita sa lingguwistika, agham pangkognitibo, araling pangkomunikasyon, sikolohiya, agham pangkompyuer, patolohiyang pananalita, otorrinolaringolohiya, at akustika. Inihahambing ang pagsasalita sa nakasulat na wika,[1] na maaaring magkaiba sa bokabularyo, sintaksis, at ponetika nito mula sa sinasalitang wika, isang sitwasyong tinatawag na diglosya.
Ebolusyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagama't nauugnay sa mas pangkalahatang problema ng pinagmulan ng wika, ang ebolusyon ng mga natatanging kakayahan ng tao sa pagsasalita ay naging kakaiba at sa maraming paraan ay hiwalay na larangan ng siyentipikong pananaliksik.[2][3][4][5][6] Ang paksa ay hiwalay dahil ang wika ay hindi kinakailangang binibigkas: maaari itong pantay na isulat o isenyas. Opsyonal ang pagsasalita sa kahulugang ito, bagama't ito ang nauunang modalidad para sa wika.
Ang mga unggoy, bakulaw at mga tao, tulad ng maraming iba pang mga hayop, ay nag-ebolusyon ng mga espesyal na mekanismo para sa paggawa ng tunog para sa mga layunin ng komunikasyong panlipunan.[7] Sa kabilang banda, walang unggoy o bakulaw ang gumagamit ng dila nito para sa gayong mga layunin.[8][9] Ang wala pang nakakagawang paggamit ng dila, labi at iba pang mga nagagalaw na bahagi ng mga tao ay tila naglalagay ng pagsasalita sa isang medyo hiwalay na kategorya, na ginagawang ang ebolusyonaryong paglitaw nito na isang nakakaintrigang na teoretikal na hamon sa mata ng maraming iskolar.[10]
Pag-unlad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karamihan nagkakaroon ang mga batang tao ng mga maagang pananalita na pagngawa o pagdaldal kapag nasa apat hanggang anim na buwang gulang sila. Karamihan ay magsisimulang sabihin ang kanilang mga unang salita sa isang punto sa unang taon ng buhay. Umuunlad ang pagsasalita ng mga karaniwang bata sa pamamagitan ng dalawa o tatlong pariralang salita bago ang tatlong taong gulang na sinusundan ng mga maikling pangungusap sa pagdating ng apat na taong gulang.[11]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Speech". American Heritage Dictionary (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-08-07. Nakuha noong 2018-09-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hockett, Charles F. (1960). "The Origin of Speech" (PDF). Scientific American (sa wikang Ingles). 203 (3): 88–96. Bibcode:1960SciAm.203c..88H. doi:10.1038/scientificamerican0960-88. PMID 14402211. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-01-06. Nakuha noong 2014-01-06.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Corballis, Michael C. (2002). From hand to mouth : the origins of language (sa wikang Ingles). Princeton: Princeton University Press. ISBN 978-0-691-08803-7. OCLC 469431753.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lieberman, Philip (1984). The biology and evolution of language (sa wikang Ingles). Cambridge, Massachusetts: Harvard University Press. ISBN 9780674074132. OCLC 10071298.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lieberman, Philip (2000). Human language and our reptilian brain : the subcortical bases of speech, syntax, and thought. Bol. 44. Cambridge, Massachusetts: Harvard University Press. pp. 32–51. doi:10.1353/pbm.2001.0011. ISBN 9780674002265. OCLC 43207451. PMID 11253303.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Abry, Christian; Boë, Louis-Jean; Laboissière, Rafael; Schwartz, Jean-Luc (1998). "A new puzzle for the evolution of speech?". Behavioral and Brain Sciences (sa wikang Ingles). 21 (4): 512–513. doi:10.1017/S0140525X98231268.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kelemen, G. (1963). Comparative anatomy and performance of the vocal organ in vertebrates. In R. Busnel (pat.), Acoustic behavior of animals. Amsterdam: Elsevier, pp. 489–521. (sa Ingles)
- ↑ Riede, T.; Bronson, E.; Hatzikirou, H.; Zuberbühler, K. (Ene 2005). "Vocal production mechanisms in a non-human primate: morphological data and a model" (PDF). J Hum Evol (sa wikang Ingles). 48 (1): 85–96. doi:10.1016/j.jhevol.2004.10.002. PMID 15656937. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2022-08-12. Nakuha noong 2022-08-12.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Riede, T.; Bronson, E.; Hatzikirou, H.; Zuberbühler, K. (Pebrero 2006). "Multiple discontinuities in nonhuman vocal tracts – A reply". Journal of Human Evolution (sa wikang Ingles). 50 (2): 222–225. doi:10.1016/j.jhevol.2005.10.005.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fitch, W.Tecumseh (Hulyo 2000). "The evolution of speech: a comparative review". Trends in Cognitive Sciences (sa wikang Ingles). 4 (7): 258–267. CiteSeerX 10.1.1.22.3754. doi:10.1016/S1364-6613(00)01494-7. PMID 10859570.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Speech and Language Developmental Milestones". National Institute on Deafness and Other Communication Disorders (sa wikang Ingles). National Insistitutes of Health. 13 Oktubre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)