[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Timog Korea

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Masan)
Republika ng Korea
대한민국
大韓民國
Daehan Minguk
Emblem ng Timog Korea
Emblem
Salawikain: (홍익인간)
"Kabutihan sa lahat ng sangkatauhan"
Awiting Pambansa: Aegukga (애국가)
"Makabayang awit"
Location of Timog Korea
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Seoul
Wikang opisyalKoreano
Opisyal na sistemang pansulatHangul
KatawaganTimog Koreano, Koreano
PamahalaanRepublikang pampanguluhan
• Pangulo
Yoon Suk-yeol
Han Duck-soo
LehislaturaPambansang Asemblea
Bumuo
Lawak
• Kabuuan
100,210 km2 (38,690 mi kuw) (Ika-108)
• Katubigan (%)
0.3
Populasyon
• Pagtataya sa 2010
48,875,000[1] (Ika-24)
• Densidad
491/km2 (1,271.7/mi kuw) (Ika-21)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2010
• Kabuuan
$1.457 trilyon[2]
• Bawat kapita
$29,790[2]
KDP (nominal)Pagtataya sa 2010
• Kabuuan
$986.256 bilyon[2]
• Bawat kapita
$20,165[2]
Gini (2007)31.3[3]
katamtaman
TKP (2010)0.877[4]
napakataas · Ika-12
SalapiWon ng Timog Korea (₩) (KRW)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras sa Korea)
• Tag-init (DST)
UTC+9 (hindi inoobserba)
Ayos ng petsayyyy년 mm월 dd일
yyyy/mm/dd (CE)
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono82
Internet TLD.kr
  1. Mobile phone system CDMA, WCDMA, HSDPA and WiBro
  2. Domestic power supply 220V/60 Hz, CEE 7/7 sockets

Ang Timog Korea[5], pantungkulin Republika ng Korea[5] (Internasyonal: Republic of Korea, Hangul: 대한민국, Daehan Minguk), ay isang bansa na matatagpuan sa Silangang Asya, sa katimugang kalahati ng Tangway ng Korea. Karaniwang tinatawag na Hanguk (bansang Han; 한국) o Namhan (Timog Han; 남한) ng mga taga-Timog Korea. Tingnan ang mga pangalan ng Korea.

Seoul (서울) ang kapital na lungsod nito. Sa hilaga, matatagpuan ang Hilagang Korea, na nabuo bilang isang bansa hanggang noong 1945.

Ang Korea ay may mahabang kasaysayan na umaabot ng 4,000 taon, kasama na ang pagbagsak ng mga kaharian at dinastiya. Simula nang sumibol muli bilang isang republikang bansa noong 1948 pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay naharap ito sa maraming mga pagsubok: ang Digmaang Korea, and deka-dekadang pamamahalang awtoritaryan, at pagpapalit ng saligang batas nang limang beses.

Ang ekonomiya ng Timog Korea ay mablis na umangat simula noong 1961 at ngayon ay ika-15 na pinakamalaki sa buong mundo (halagang nominal).

Sa wikang Koreano, ang Timog Korea ay tinatawag na Daehan Min-guk (Hangul:대한민국 pakinggan (help·info), Hanja:大韓民國, kahulugan "Dakilang Bansa ng Mamamayang Han"), o Hanguk (한국) kung paiikliin.

Sa Wikang Ingles, ang bansang ito ay kadalasang tinatawag bilang "Korea", na nagmula sa Dinastiyang Goryeo (minsan ay nakabaybay na Koryo), na nanggaling naman sa pangalan ng sinaunang Kaharian ng Goguryeo.

Ang pamahalaan ng Timog Korea ay nahahati sa tatlong sangay, ang ehekutibo, lehislatibo at hudikatura. Pangunahing operasyon ng ehekutibo at lehislatibo ang pambansang pamahalaan, ngunit ang ibang sangay ng ehekutibo ay maaari rin magkaroon ng operasyon sa mga lokal na pamahalaan.

Bago ang Pagkakahati

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Lawa ng Kalangitan ng Bundok Baekdu, kung saan sinabing bumaba mula sa langit ang ama ni Dangun.

Ang mga tuklas ng mga arkeolohiko ay nagsasabi na ang Tangway ng Korea ay tinitirahan na ng mga tao noong pang panahon ng Unang Paleolitiko.

Ang Korea ay nagsimula nang mabuo ang Joseon (ang pangalang Gojoseon ay mas kadalasang ginagamit upang hindi malito sa isa pang Dinastiyang Joseon na nabuo noong ika-14 na dantaon; ang unlaping Go- ay nangangahulugang 'Luma' o 'Sinauna') noong 2333 BCE ni Dangun.[6] Ang Gojoseon ay lumawak hanggang sa makontrol na nito ang kabuuan ng tangway ng Korea at ilang bahagi ng Manchuria. Pagkatapos ng maraming mga digmaan laban sa Tsinong Dinastiyang Han, ang Gojoseon ay bumagsak, at nagsimula ang Panahon ng Tatlong Kaharian ng Korea.

Ang mapa ng Tatlong Kaharian ng Korea noong huling bahagi ng ika-5 dantaon.

Sa unang dantaon ng Pangkaraniwang Panahon, ang Kaharian ng Buyeo, Okjeo, Dongye, at ang konpederasyon ng Samhan ay ang mga sumasakop sa tangway ng Korea at sa katimugang bahagi ng Manchuria. Sa mga maliit na mga estado nito, ang Goguryeo, Baekje, at ang Silla ang lumago at kumontrol sa tangway bilang Tatlong Kaharian ng Korea. Ang pag-iisa ng Tatlong kaharian sa pamamagitan ng Pinag-isang Silla noong 676 ang nagpasimula ng Panahong Hilagag-Timog Estado, kung saan ang karamihan sa tangway ng Korea ay kontrolado ng Pinag-isang Silla, samantalang ang Balhae ang sumakop sa hilagang bahagi ng Goguryeo. Sa Pinag-isang Silla, ang tula at sining ay pinaunlad, at ang kulturang Budhista ay pinalaganap. Ang relasyon sa pagitan ng Korea at Tsina ay nanatiling mapayapa sa mga panahong ito. Subalit ang Pinag-isang Silla ay humina dahil sa mga panloob na kaguluhan, at sumuko sa Goryeo noong 935. Ang Balhae, Ang kalapit ng Silla sa hilaga, ang sumakop dito at naging Goguryeo. Noong panahon ng kanilang kaunlaran, kontrolado ng Balhae ang halos lahat ng bahagi ng Manchuria at ilang bahagi ng Rusya. Ito ay bumagsak sa mga Khitan noong 926.

Pagkatapos ng Hilaga-Timog na Panahon, ang mga sumunod na estado dito ay lumaban para sa pamamahala noong huling bahagi ng panahon ng Tatlong Kaharian. Ang tangway ay lumaong pinag-isa ni Wan Geon ng Goryeo. Gaya ng Silla, ang Goryeo ay isang mataas na estadong kultural at nabuo ang Jikji noong 1377, gamit ang pinalumang bakal na gumagalaw na palimbagan.[7]

Ang Palasyo ng Gyeongbok ang pinakamalaki sa Limang Malalaking Palasyo na ginawa noong Dinastiyang Joseon.

Ang pananakop ng mga Mongol noong ika-13 dantaon ay labis na nagpahina sa Goryeo. Subalit, ang Goryeo ay napanatiling mamuno sa Korea bilang alyadong sangay ng mga Mongol. Pagkatapos ng pagbagsak ng Emperyong Mongolia (Dinastiyang Yuan), ang Goryeo ay nagpatuloy sa pamumuno. Pagkatapos ng maraming kaguluhan at mga sumunod na pananakop, Ang Goryeo ay pinalitan ng Dinastiyang Joseon noong 1388 pagkatapos ng rebelyon ni Heneral Yi Seong-gye. Inihayag ni Heneral Yi na ang bagong pangalan ng Korea ay Joseon bilang pagkilala sa Gojoseon, at inilipat ang kabisera sa Seoul. Ang unang 200 taon ng Dinastiyang Joseon ay kinakitaan ng kapayapaan at ang pagkabuo ng hangul ni Haring Sejong noong ika-14 na dantaon at ang paglaki ng impluwensiya ng Confucianismo.

Sa huling bahagi ng ika-16 na dantaon, ang bagong nagkakaisang Hapon ay sinakop ang Joseon. Noong panahon ng Pananakop ng mga Hapon sa Korea (1592–1599), ang ilang dantaon ng kapayaan ay nagdulot sa dinastiya ng hindi kahandaan sa pananakop, at ang kakulangan sa teknolohiya at mahinang pamumuno mula sa pamahalaang Joseon at ng mga heneral ang nagdulot ng pagkawasak ng Tangway ng Korea. Subalit, ang patuloy na pagiging dominante ng mga Koreano sa karagatan na pinamumunuan ni Admiral Yi, ang paglakas ng mga lokal na sandatahan, at ang pakikialam ng Tsinang Ming ay nagdulot sa Hapon ng matinding agam agam at pagsuko noong 1598.

Ngayon, Si Admiral Yi ay pinagdiriwang bilang isa sa pinakadakilang bayani ng Korea at ang kanyang mga barkong pagong, ay matagumpay na nagamit laban sa mga Hapones, at kinonsidera bilang pinakaunang labanang barkong may baluting bakal sa buong daigdig, subalit ang kakulangan sa matibay na katibayan ukol sa mga bakal ay nagdulot ng maraming debate.

Noong huling bahagi ng Dinastiyang Joseon, ang polisiyang isolasyonista ang umani ng pangalang "Hermit Kingdom", bilang proteksiyon laban sa kanluraning imperyalismo bago ito napilitang magbukas ng kalakalan na nagpasimula rin sa panahon nang pamumunong Kolonyal ng Hapon.

Pagkatapos ng Pagkakahati

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga tropa ng Unyong Sobyet at Estados Unidos ay kinontrol ang kalahating hilaga at kalahating timog ng bansa.Ang dalawang magkalaban sa Cold War ay bumuo ng pamahalaang simpatetiko sa kanilang mga sariling mga ideyolohiya, na nagdulot sa Korea upang mahati sa dalawang pampolitika na bansa; ang Hilagang Korea at Timog Korea.

Kahit na nagkaroon ng planong pag-isahin ang Korea noong 1943 ayon sa Deklarasyon ng Cairo, ang tumitinding Cold War ang nagdulot upang mabuo ang dalawang magkahiwalay na pamahalaan: ang komunistang Hilaga at kapitalistang Timog. Sa Hilaga, isang dating gerilyang laban sa Hapon at mga aktibistang komunista, si Kim Il-Sung[8] at sa Timog, isang pinunong pampolitika na Koreano, si Syngman Rhee, ang inilagay bilang mga pangulo.[9]

Ang himala ng Ilog Han pagkatapos ng digmaan ang nagdulot sa Timog Korea upang mapabilang sila sa G20 at isa sa pinakamayamang bansa sa Asya.

Noong 25 Hunyo 1950, nilusob ng Hilagang Korea ang Timog na nagdulot ng Digmaang Koreano. Binoykot ng Unyong Sobyet ang Nagkakaisang mga Bansa noon, kaya walang veto, ay nakapagpahintulot sa UN na pumagitna ito nang maging malala na ang malakas na sandatahang kommunista na maaring madaling masakop ang buong bansa. Ang Unyong Sobyet at ang Tsina ay tumangkilik sa Hilagang Korea, at noong huli ay ang pagsali ng angaw na mga tropang sandatahang Tsino. Pagkatapos ng malaking paglusob ng magkadalawang panig, ang digmaan ay lumaon at walang nagwagi. Ang kasunduan noong 1953, na hindi nilagdaan ng Timog Korea, na humati sa tangway sa gitna ng isang pook na walang sandahatang lakas o demilitarized zone na malapit sa orihinal na hangganan ng dalawang bansa. Wala talagang kasunduang pangkapayapaan ang nilagdaan, at ang dalawang bansa ay masasabi pa ring na sa digmaan.[10]

Noong 1960, isang pagkilos ng mga mag-aaral ang nagdulot sa pagbitiw ng autokrata at mandarambong na Pangulong si Syngman Rhee. Sinundan ito ng panahon ng pagkagulo sa politika, na dulot ng kudeta na pinumunuan ni Heneral Park Chung-hee laban sa mahina at hindi mabisang pamahalaan noong taong iyon. Si Park ang naging pangulo hanggang siya ay pinaslang noong 1979. Sa kanyang pamumuno, kinakitaan ng mabilis na pag-unlad ng ekonomiya sa sektor ng export ang Timog Korea at pati na rin ang matinding pagsupil sa kalayaang pampolitika. Matindi ang naging pagbatikos kay Park bilang isang walang awang militar na diktador, subalit umunlad ang ekonomiyang Koreano noong panahon ng kanyang pamumuno.

Ang mga taon pagkatapos paslangin sa Park ay muling kinakitaan ng kaguluhang pampolitika dahil ang mga dating pinuno ng tagasalungat ay nangampanya upang maging pangulo. Noong 1980, nagkaroon muli ng kudeta, na pinamunuan naman ni Heneral Chun Doo-hwan laban sa pamahalaan transisyunal ni Choi Gyu Ha, ang pangulong pansamantala at ang dating punong ministro sa ilalim ni Park. Si Chun ay naging pangulo, at ang kanyang kudeta noong Disyembre 12 ay ang nagpasiklab ng mga protesta sa buong bansa na nagnanais ng demokrasya lalo na Lungsod ng Gwangju.

Ugnayang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Pangulong Lee Myung-bak, kasama si dating Pangulong George W. Bush.

Pinapanatili ng Timog Korea ang relasyong diplomatiko nito sa mahigit 188 na mga bansa. Ang bansa ay naging kasapi ng mga Nagkakaisang Bansa simula noong 1991, nang ito ay naging estadong kasapi kasabay ng Hilagang Korea. Noong 1 Enero 2007, ang Ministro panlabas ng Timog Korea na si Ban Ki-moon ay tinalagang Kalihim Panlahat. Bumuo rin ito ng ugnayan sa Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya bilang kasapi ng ASEAN Plus Three, isang tagapagmasid na kinatawan, at sa East Asia Summit.

Ayon sa kasaysayan, ang Korea ay may malapit na ugnayan sa Tsina. Bago mabuo ang Timog Korea, ang mga lumaban para sa kalayaan ng Korea ay nakipagtulungan sa mga hukbong Tsino noong panahon ng pananakop ng mga Hapon. Subalit, pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, niyakap ng Republikang Popular ng Tsina ang Maoismo samantalang pinili ng Timog Korea ang maging malapit sa Estados Unidos. Tinulungan ng Tsina ang Hilagang Korea sa pagkakaroon ng suplay at sandatahan noong panahong ng Digmaang Koreano, at ito ang naging dahilan ng pagkakahinto ng diplomatikong relasyon ng Timog Korea at Tsina. Unti unting nanumbalik ang relasyon ng Timog Korea at Tsina nang pormal na buuin muli ito noong 24 Agosto 1992. HInangad ng dalawang bansa na pagbutihin ang relasyong bilateral at inalis ang apatnapung taong pagpipigil sa kalakalan, at [11] ang relasyong Timog Korea-Tsina ay napabuti simula noong 1992.[11] Pinutol ng Timog Korea ang opisyal na relasyon nito sa Republika ng Tsina (Taiwan) nang makuha nito ang opisyal na relasyon sa Republikang Popular ng Tsina (Tsina).[12]

Pagkakahating Administratibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Timog Korea ay hinahati sa walong lalawigan, isang espesyal na lalawigan, anim na lungsod, at isang espesyal na lungsod. Ang pangalan sa baba ay naka Ingles, Hangul, at Hanja.

Pangalana Hangul Hanja
Espesyal na Lungsod (Teukbyeolsi a)
1 Seoul 서울특별시 서울特別市
Lungsod Metrepolitan (Gwangyeoksi a)
2 Busan 부산광역시 釜山廣域市
3 Daegu 대구광역시 大邱廣域市
4 Incheon 인천광역시 仁川廣域市
5 Gwangju 광주광역시 光州廣域市
6 Daejeon 대전광역시 大田廣域市
7 Ulsan 울산광역시 蔚山廣域市
Lalawigan
8 Gyeonggi-do 경기도 京畿道
9 Gangwon-do 강원도 江原道
10 Chungcheongbuk-do 충청북도 忠淸北道
11 Chungcheongnam-do 충청남도 忠淸南道
12 Jeollabuk-do 전라북도 全羅北道
13 Jeollanam-do 전라남도 全羅南道
14 Gyeongsangbuk-do 경상북도 慶尙北道
15 Gyeongsangnam-do 경상남도 慶尙南道
Espesyal na nagsasariling pamamahalang lalawigan (Teukbyeoljachi-do a)
16 Jeju 제주특별자치도 濟州特別自治道

Kilala ang Timog Korea sa densidad ng populasyon nito, na nasa 487 bawat kilometro parisukat na 10 ulit na mas mataas kaysa sa pandaigdigang pamantungan. Karamihan ng mga Timog Koreano ay nakatira sa mga pook urban, dahil sa mabilis na migrasyon mula sa kayanunan noong mabilis na pagpapalawak ng ekonomiya noong dekada '70, '80 at '90.[13] Ang kabiserang lungsod, pinakamalaking lungsod at pangunahing sentro ng industriya ay ang Seoul. Ayon sa senso noong 2005, Ang Seoul ay may populasyon na 9.8 milyon. Ang Kalakhang Seoul ay may 24.5 milyon nananahan na naging dahilan upang ito ay maging ikalawang pinakamalaking pook metropolitan sa buong daigdig. Ang iba pang pangunahing lungsod ay ang Busan (3.5 milyon), Incheon (2.5 milyon), Daegu (2.5 milyon), Daejeon (1.4 milyon), Gwangju (1.4 milyon) at Ulsan (1 milyon).[14]

Ang populasyon ay hinubog din ng migrasyong internasyunal. Pagkatapos ng pagkakahati ng tangway ng Korea pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, may tinatayang apat na milyon katao mula Hilagang Korea ang tumawid sa hangganan patungong Timog Korea. Ang kalakarang ito ay nabaligtad naman pagkatapos ng apatnapung taon dahil naman sa paglabas ng mga nananahan dito patungo sa ibang bansa, lalo na sa Estados Unidos at Canada. Ang populasyon ng Timog Korea noong 1960 ay nasa 25 milyon.[15] Ang kasalukuyang populasyon ng Timog Korea ay tinatayang nasa 49,540,000.[16]

Ang lipunang Timog Koreano ay magkakatulad na may 98 bahagdan ng mga nananahan dito ay may etnisidad na Koreano.[17] Datapwat maliit, ang bahagdan ng mga hindi Koreano ay tumataas.[18] Noong 2009, mayroong 1,106,884 banyagang residente ang Timog Korea, doble kung ihahambing sa kabuuang bilang noong 2006. 56.5% ng mga ito ay mula sa mga migranteng galing sa Republikang Popular ng Tsina, ngunit karamihan sa kanila ay mga Joseonjok, o mga mamamayan ng RPT na may lahing Koreano.[19] Ang tinatayang 33,000 mga migranteng Mongolian ay pinaniniwalaang pinakamalaking komunidad ng mga mamamayang Mongolian sa ibang bansa[20][21] Isa pang kilalang pangkat ay ang mga babae mul sa Timog Silangang Asya na bumubuo sa 41% ng bagong kasal sa mga magsasakang Koreano noong 2006.[22] Mayroon din 31,000 tauhang militar ng Estados Unidos sa Timog Korea.[23] Dagdag pa dito, may 43,000 mga guro ng Ingles mula sa Estados Unidos, Canada, Australia, New Zealand, United Kingdom, Ireland, at Timog Aprika na pansamantalang naninirahan sa Korea.[24]

Ang antas ng panganganak sa Timog Korea ay pinakamababa sa buong mundo.[25] Kung ito ay magpapatuloy, ang populasyon ay inaasahang bumaba ng 13 bahagdan at aabot sa 42.3 milyon pagdating ng 2050,[26] Ang taunang antas ng panganganak sa Timog Korea ay halos nasa 9 na pinapanganak sa bawat 1000 katao.[27] Ang pamantungan inaasahang haba ng buhay noong 2008 ay nasa 79.10 gulang,[28] kung sa an ika-40 sa buong mundo[29]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "총인구, 인구성장률 : 지표상세화면". Index.go.kr. Nakuha noong 2010-10-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "South Korea". International Monetary Fund. Nakuha noong 2010-04-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gini index Naka-arkibo 2007-06-13 sa Wayback Machine. CIA World Fact Book
  4. "Human Development Report 2010" (PDF). United Nations. 2010. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2010-11-21. Nakuha noong 5 Nobyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Andrea (tagapagsalin). "Korea," "Hilagang Korea," "Timog Korea," "Koreano," mga salitang ginamit sa balitang "H.Korea, puputulin ang daang panlupa nila ng T.Korea," China Radio International - Filipino, Filipino.CRI.cn
  6. Kasaysayan ng Korea (Ko-Choson, Ang Tatlong Kaharian, Kaharian ng Parhae, Pinag-isang Shilla, Dinastiyang Koryo, Panahong Kolonyal, Pakikipaglaban sa Kalayaan, Pamahalaang Probisyunal ng Korea, Hukbong Sandatahng Pangkalayaan, Republika ng Korea,)
  7. URL_ID=3946&URL_DO=DO_TOPIC&URL_SECTION=201.html World's oldest printed Doc
  8. "Kim Il Sung. The Columbia Encyclopedia, Sixth Edition. 2001-07". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-04. Nakuha noong 2009-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Rhee, Syngman. The Columbia Encyclopedia, Sixth Edition. 2001-07". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-04. Nakuha noong 2009-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "South Korea". US Department of State. Nakuha noong 2006-09-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 "Asia Times – News and analysis from Korea; North and South". Atimes.com. 2004-09-11. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-02. Nakuha noong 2010-04-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. South Korea Naka-arkibo 2015-07-03 sa Wayback Machine. CIA World Factbook
  13. "South Korea". CIA Country Studies. Nakuha noong 2006-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Populations for all cities as of 2005, "Summary of Census Population (by administrative district/sex/age)". NSO Database. Nakuha noong 2009-05-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  15. World Population Prospects: The 2006 Revision Naka-arkibo 2020-04-21 sa Wayback Machine.. Source: Population Division of the Department of Economic and Social Affairs of the United Nations Secretariat.
  16. "2008년 12월 31일 기준 주민등록인구 및 세대". Korea National Statistical Office. Nakuha noong 2009-04-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  17. South Korea Naka-arkibo 2015-07-03 sa Wayback Machine.. CIA – The World Factbook.
  18. "South Koreans Struggle With Race". The New York Times. 1 Nobyembre 2009.
  19. "More Than 1 Million Foreigners Live in Korea", Chosun Ilbo, 2009-08-06, nakuha noong 2009-10-18{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Mongolians, Koreans share ancient bonds", Taipei Times, 2003-10-13, nakuha noong 2007-08-17{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Sea Breeze Helps Korea's Mongolians Speak with One Voice", The Chosun Ilbo, 2005-03-29, inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-29, nakuha noong 2007-09-05{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. INSIDE JoongAng Daily
  23. US military figures as of 2005, from [1] Naka-arkibo 2010-02-09 sa Wayback Machine. (Excel file) Tim Kane Global US Troop Deployment, 1950–2003
  24. "Foreign Teachers Unenthusiastic Over Culture Course". Koreatimes.co.kr. 2009-11-26. Nakuha noong 2010-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. South Korea's birthrate world’s lowest - koreatimes.co.kr
  26. South Korea: Lowest Birthrate in the World - LifeSiteNews.com
  27. "South Korea". CIA World Factbook. 26 Hunyo 2009. Nakuha noong 4 Hulyo 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link][patay na link]
  28. CIA – The World Factbook 2008 Naka-arkibo 2014-05-28 sa Wayback Machine. – Rank Order – Life expectancy at birth
  29. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-26. Nakuha noong 2010-04-06.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "2015년 인구주택총조사 전수집계결과 보도자료" [2015 Population and Housing Census]. Statistics Korea.