[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Lansangang-bayang Andaya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lansangang N68 (Pilipinas))


Lansangang-bayang Quirino
Quirino Highway

Lansangang-bayang Andaya
Andaya Highway
Lansangang-bayan Quirino (Quirino Highway)
Daang Camarines Sur–Quezon (Camarines Sur–Quezon Road)
Ang Lansangang-bayang Andaya, malapit sa Baranggay Poblacion Iraya, Ragay, Camarines Sur.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan - Camarines Norte District Engineering Office, Quezon 4th District Engineering Office, at Camarines Sur 1st District Engineering Office
Bahagi ng
  • N68
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga AH26 / N1 (Daang Maharlika) – Santa Elena, Camarines Norte
 
  • Daang Pantalan ng Ragay
  • Abenida Poblacion sa Ragay
  • Daang Santa Teresa sa Lupi
Dulo sa timog AH26 / N1 (Daang Maharlika) – Sipocot, Camarines Sur
Lokasyon
Mga bayanSanta Elena, Tagkawayan, Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
N67N69

Ang Lansangang-bayang Andaya (Ingles: Andaya Highway; kilala din bilang Lansangang-bayang Quirino (Quirino Highway at Daang Camarines Sur-Quezon) ay isang lansangang-bayan panrehiyon na dumadaan sa mga bayan ng Sipocot, Lupi, at Ragay sa Camarines Sur, at Tagkawayan sa Quezon.

Ang kabuoang daan ay itinalaga ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) bilang Pambansang Ruta Blg. 68 (N68) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas

Unang itinayo ang Lansangang-bayang Andaya noong 1976 sa pamamagitan ng Pampangulong Direkto Blg. 774 ni dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang panukala ay iuugnay ang Del Gallego, katutubong Ragay (timog-kanlurang Ragay), at pantalan ng Ragay sa Camarines Sur, sa Pan-Philippine Highway. Nagsisimula ito sa Pan-Philippine Highway papuntang Tagkawayan, Quezon at Del Gallego, Camarines Sur, at nagtatapos ito sa pantalan ng Ragay. Tinawag itong Lansangan ng Pangulong Quirino noon unang binuksan ito noong 1984. Sinara ito noong 1992 para sa pagpapahaba nito patungong Sipocot, Camarines Sur. Muling binuksan ito sa mga motorista noong 2003 at binigyan ng bagong pangalan na Lansangang-bayang Rolando Andaya Sr., mula sa yumaong kongresista na si Rolando Andaya Sr.. Hanggang ngayon, nanatili itong pangunahing lansangan. Ito ang pinakamaikling daan patungo sa Naga, at sa nalalabing bahagi ng Camarines Sur, imbes na gamitin ang mas-mahabang Lansangang-bayang Maharlika na dadaan pa sa Camarines Norte.

[baguhin | baguhin ang wikitext]