[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Joshua Nkomo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Joshua Nkomo
Kapanganakan19 Hunyo 1917
  • (Matabeleland South Province, Zimbabwe)
Kamatayan1 Hulyo 1999
  • (Harare Province, Zimbabwe)
MamamayanZimbabwe
Trabahopolitiko, trade unionist

Si Joshua Mqabuko Nyongolo Nkomo, (19 Hunyo 1917 – 1 Hulyo 1999) [1] binibigkas ang apelyidong Nkomo bilang /en-ko-mo/[2], ay isang makabansa o nasyonalistang pinuno ng Rodesya (o Rhodesia).[2] Siya ang pinuno at tagapagtatag ng Unyon ng Aprikanong mga Tao ng Simbabwe (Zimbabwe African People's Union) at isang kasapi ng tribong Kalanga.[3] Kilala rin siya sa Zimbabwe bilang "Amang Simbabwe" o "Tatay Simbabwe" (Father Zimbabwe sa Ingles), Umdala Wethu, Umafukufuku, o Chibwechitedza ("ang madulas na bato").

Ipinanganak si Nkomo sa Matebeleland. Dahil sa pagiging Sekretaryo ng Rodesyanong Unyon ng mga Aprikanong Manggagawa sa mga Daambakal (Rhodesian African Railways Workers' Union) mula 1945 hanggang 1950, siya ang naging presidente-heneral o pangulong-panglahat ng Pambansang Kongresong Aprikano noong 1957. Napaalis siya ng bansa noong ipagbawal ang Kongreso noong 1959, ngunit napiling maging pangulo ng partidong Unyon ng Aprikanong mga Tao ng Simbabwe, subalit ipinagbawal ang partidong ito noong 1962. Noong kalagitnaan ng dekada ng 1970, naging isa siyang tagapamagitan o negosyador patungo sa pamumuno ng mga taong itim ang kulay ng balat sa Simbabwe.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Jessup, John E. An Encyclopedic Dictionary of Conflict and Conflict Resolution, 1945-1996, pahina 533.
  2. 2.0 2.1 2.2 "Joshue Nkomo". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 445.
  3. Hill, Geoff. The Battle for Zimbabwe: The Final Countdown, 2003, pahina 52.


TalambuhayKasaysayanZimbabwe Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Zimbabwe ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.