[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Isip

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tingnan ang pagkakaiba nito mula sa kaluluwa.

Ang isip ay isang paksa tungkol sa napakalabis na pag-teoriya, pagsubok at seryosong pagdadahilan na nangyayari sa pilosopiya (pinag-aaralan sa ilalim ng pamuhatan na pilosopiya ng pag-iisip), sikolohiya, at relihiyon (kung saan sa teolohiya, kadalasang kinukunsidera na nasa tabi ito ng mga iba pang kaugnay na palagay katulad ng kaluluwa at espiritu). Iniisip ng iba na kasing kahulugan ito ng utak. Para sa mga iba na nag-teoriya, software ng isang utak ang isip, at maaari na maunawaan ang problema ng isip-katawan sa pagkahawig nito sa koneksiyon ng software-hardware. Sinasabi ng ibang mga tao, katulad ng pilosopo na si John Searle, na hindi kahawig sa isang program ang isip at kamalayan, ngunit sa halip, isang katangian ng isang biyolohikal na sistema, na katulad ng katangian ng isang tubig ang pagiging basa.

Laman o magkakabit-kabit na mga bagay?

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong isang tanyag na suliranin sa pilosopiya tungkol sa kung ano ang isip, na maaaring ipakita ng sumusunod. Karaniwan na ang mamangha sa kung ano ang isip o kaluluwa (kung iyong marapatin). Natutukoy ng isang indibiduwal ang mga sariling mga diwa, sarilng mga damdamin, sa iisang isip. Ngunit ano ang isip na ito na mayroon mga ganitong mga diwa at damdamin? Maaari na gunigunihin ng isang indibiduwal ang lahat ng sari-saring pag-iisip, ngunit papaano ang gunigunihin ang isip mismo? Tila ang nag-iisang paraan na mayroon tayo upang maintindihan, sa pamamagitan ng pagsuri ng sarili, na kung ano ang isip natin ay sa pamamagitan ng pagkunsidera sa iba't ibang partikular na mga diwa, damdamin, pasya at iba pang pangyayari sa ating isip (i.e. pangkaisipan na pangyayari).

Kaya nga, maaari manatiling sabihin ng iba ng buong tapang na talagang wala tayong isip o kaluluwa mismo-sa pinakakaunti, wala tayong kahit anong isip o kaluluwa na ibang-iba sa ating diwa, mga persepsiyon, at ibang pangyayari sa ating isipan. Ang mayroon lamang ay ang mga sunod-sunod na mga diwa at damdamin na kakabit sa ating mga katawan. Walang mga isip na nasa ibabaw at itaas ng mga diwa at damdamin. Ito ang pananaw ng mga taong pinanghahawakan ang teoriya ng koleksiyon (bundle theory) tungkol sa isip. Ganito ang pinanghahawakan na teoriya sa isip ni David Hume na taga-Scotland.

Tila sinasalungat ng pananaw ng sentido kumon ang teoriya ng koleksiyon ng isip. Mayroon tayong isip, o kaluluwa, na ibang-iba sa ating mga diwa at damdamin at na katumbas ng ating isip ang kung ano na tinatawag nating sarili. Tila na gusto ni Hume tanggihan na mayroong isang bagay na tinatawag na sarili. Tila walang katuturan ito sa ibang tao. Sa kanila, tila isang teoriya ng laman ng isip ang mas kahali-halina. Sa pananaw na ito, hinahawakan ng isang indibiduwal na mayroong bagay—maaari na hindi alam kung ano, ngunit mayroon—na may mga diwa at damdamin, at nasa ating isip ang mga diwa at damdamin na ito, sa halos kaparehong paraan na katangian na likas sa isang laman.

Bihira ilaban ng mga pilosopo ang pananalita "laman ng kaisipan", at tunay nga ginawang sentral sa mga ontolohiya ng mga ilang pilosopo, kabilang ang pinakakilalang si Gottfried Leibniz; sangayon kay Leibniz, ang monad, isang "simpleng kaluluwa," na maaaring maipaliwanag ang lahat ng nasa sansinukob. Pundamental ang palagay ng laman ng kaisipan sa dualismo ni René Descartes. Napakasikat si David Hume sa paghimok ng bundle theory ng isip.