[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Panitikan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kritisismong pampanitikan)
Larawan ng mga librong pampanitikan.
Isang aklatang may mga aklat pampanitikan.

ang pinakapayak na paglalarawang, ang isang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at pagtula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis ang mga ito, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.[1] Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.[2] Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil.[1]

Mga uri ng panitikan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang anyo ng panitikan: ang mga Piksiyon (Ingles: fiction) at ang mga Di-piksiyon (Ingles: non-fiction) na mga sulatin at babasahin. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Nag-iimbento sila ng mga kathang-isip na mga tauhan, pangyayari,, sakuna, at pook na pinangyarihan ng kuwento para sa kanilang mga prosang katulad ng mga maikling kuwento.[1]

Para sa pangalawang anyo ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakaka-engganiyong kuwento. Kabilang sa mga hindi-bunganga-isip na mga sulatin at babasahin ang mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga akdang pang-kasaysayan.[1]

Mga akdang pampanitikan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Akdang Tuluyan

Mga Akdang Patula Mga Tulang Pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.

Mga Akdang Pampanitikan Na Nagdala Ng Malaking Impluwensiya Sa Buong Daigdig

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Bibliya o Banal na Kasulatan- naging batayan ng pananampalataya ng mga Kristiyano
  • Qu'ran na nagmula sa Arabya- banal na aklat ng mga Muslim
  • Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos- nagbukas ng kaisipan ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at pinagsimulan ng pandaigdig na paglaganap ng demokrasya
  • Iliad at Odyssey ni Homer ng Gresya- kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya
  • Divina Comedia ni Dante ng Italya- nagpapahayag ng pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng mga Italyano sa kapanahunang yaon
  • Canterbury Tales ni Chaucer- naglalarawan ng mga kaugalian at pananampalataya ng mga Ingles
  • Aklat ng mga Araw ni Confucius- naging batayan ng pananampalataya at kalinangang Intsik
  • Isang Libo't Isang Gabi- naglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabya at Persya
  • El Cid Compeador- tumatalakay sa kasaysayan ng Espanya at naglalarawan ng katangiang panlahi ng mga Kastila
  • Awit ni Rolando- nagsasalaysay ng panahong ginto ng Kristiyanismo sa Pransya, napapaloob dito ang Ronces Valles Doce Pares ng Pransya
  • Aklat ng mga Patay- tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng mga mamamayan ng Ehipto
  • Mahabharata- ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong mundo na tumatalakay sa pananampalataya sa India

Kaugnayan sa kalinangan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nag-uugat ang lahat ng likhaing pampanitikan mula sa buhay, at naglalarawan ng kalinangang pinagmulan nito.[1]

Kaugnayan sa kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Malaki ang kontribusiyon ng Panitikan sa Kasaysayan sapagkat dito natin makikita kung ano ang buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o talumpati nalalaman kung ano ang obserbasiyon ng mga may-akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga buhay.

Ang panitikan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Tulad ng mga sulatin ni Jose Rizal na nagpapatunay sa kalupitan na sinapit ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila.

Isang tradisiyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga tekstong pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan.

Pagsusuring pampanitikan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay. Ang unang sangay ay ang pagdulog. Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal. at ang huling uri ay sosyolohikal-panlipunan.

Ang pangalawang uri ay ang Pananalig. Binubuo ito ng maraming uri. Ang mga uri nito ay klasisismo, romantisismo, realismo, naturalismo, impresyunalismo, ekspresyunalismo, simbolismo, eksistensiyalismo, at peminismo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172-0508-8
  2. Sauco, Consolacion P., Nenita P. Papa, at Jeriny R. Geronimo. Panitikan ng Pilipinas.

Mga talaugnayang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]