[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kalki

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kalki
Devanagariकल्कि
Transliterasyon ng Sanskritकल्कि
PagkakaanibAvatar ni Vishnu
SandataEspada(tabak) o Asi (sa pamamagitan ni Brahma upang wasakin ang kasamaan)
MountPuting Kabayo

Si Kalki(na isinaling Walang Hanggan, Puting Kabayo, o Tagapagwasak ng Karumihan) ang huling inkarnasyon ni Vishnu na hinulaang lilitaw sa wakas ng Kali Yuga. Si Kalki ay sasakay sa isang puting kabayo na may isang tabak(espada) na wawasak sa mga masasamamng tao sa wakas ng Kali Yuga. Ilulunsad ng Panginoong Kalki ang Satya Yuga na "panahon ng Katotohanan" nang ang sangkatauhan ay pamumunuan ng mga diyos at ang bawat manipestasyon o gawa ay malapit sa pinakadalisay na ideal at ang sangkatauhan ay papayag sa likas na kabutihan na mamuno ng suprema. Ang diyosang si Dharma na sumisimbolo sa moralidad ay tatayo sa lahat ng mga apat na hita sa panahong ito. Ayon sa Srimad Bhagavata (circa 1500 BCE ), si 'Vishnu ay babalik...bilang si Kalki na huling Avatar sa gitna ng mga apoy...maglalakbay siya sa buong globo...Ang Panginoon(Vishnu) ay lilitaw sa ilalim ng pangalang Kalki na nakasakay sa isang mabilis na puting kabayo...at may kakayahang magpasuko ng masasama...Kanyang wawasakin ng kanyang tabak ang mga magnanakaw[na ang mga isipan ay nakatalaga sa kasamaan] sa mga sampu sampung milyon milyon...Kanyang muling itatatag ang katuwiran sa mundo at ang mga isipan ng nabubuhay sa wakas ng panahong Kali ay mamumulat at magiging kasing linaw ng kristal."