[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Elebeytor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang elebeytor sa Colorado, Estados Unidos.

Ang elebeytor[1] (tinatawag din bilang elebador o asensor[2] na parehong hango mula sa Kastila) ay isang uri ng sasakyang naglululan ng tao, kargamento o bagay sa pagitan ng mga palapag (o kubyerta) ng isang gusali, barko o ibang estruktura. Pinapaandar ito ng mga makinang dekuryenteng motor na pinapapatakbo ng mga kable o mga sistemang panimbang (tulad ng birada), o kaya'y nagbobomba ito ng pluidong hidroliko upang magpaandar ng isang mala-gato (jack) na piston.

Tipikal na pataas at pababa ang paghahatid nito, bagaman, may ilang elebeytor na naglalakbay ng pahalang.[3] Maaring dumepende ang mga elebeytor sa lubid o hindi.[4] May mga pamantayan sa kaligtasan sa paglalakbay sa elebeytor at isa na dito ang mga pamantayang pangkaligtasan ng Unyong Europeo na nilabas noong Pebrero 28, 2014 para sa adopsyon nito sa pamamagitan ng notipikasyong direktibo.[5]

Maaring maliit ang mga elebeytor na residensyal na sapat lamang sa isang tao habang may ilan naman ang may kalakihan para higit sa isang dosena. Ang mga elebeytor na plataporma (o pang-wheelchair o upuang-de-gulong), isang espesyalisadong uri ng elebeytor na dinisenyo na ilipat ang isang upuang-de-gulong na may sukat na 3.7 m (12 tal) o mas maliit pa dito, ay maaring ilulan ang isang tao na nasa upang-de-gulong na may bigat na 340 kg (750 lb).[6]

Mga mabibilis na elebeytor sa mundo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hinahawak ng Guangzhou CTF Finance Centre ang kasalukuyang tala ng pinakamabilis na elebeytor na may mga sasakyan na lumalakbay sa bilis na 75.6 kilometro bawat oras (47.0 milya bawat oras). Ang elebeytor, na sinubok ang bilis noong Hunyo 2017, ay ginawa ng Hitachi, at kinumpirma ang Pandaigdigang Tala ng Guinness noong Setyembre 2019.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "ELEBEYTOR: Tagalog-English Dictionary Online". TAGALOG LANG (sa wikang Ingles). 2022-12-27. Nakuha noong 2024-04-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "ASENSOR: Tagalog-English Dictionary Online". TAGALOG LANG (sa wikang Ingles). 2021-10-13. Nakuha noong 2024-04-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "This German company is inventing an elevator that goes sideways". Construction Week Online (sa wikang Ingles). 18 Pebrero 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Pebrero 2019. Nakuha noong 20 Pebrero 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "ThyssenKrupp Elevator: ThyssenKrupp develops the world's first rope-free elevator system to enable the building industry face the challenges of global urbanization". thyssenkrupp-elevator.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Disyembre 2014. Nakuha noong 16 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Directive 2014/33/EU of the European Parliament and of the Council of 26 February 2014 on the harmonization of the laws of the Member States relating to lifts and safety components for lifts Text with EEA relevance (sa wikang Ingles), bol. OJ L, 29 Marso 2014, inarkibo mula sa orihinal noong 1 Oktubre 2021, nakuha noong 7 Pebrero 2019{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Safety Standard For Platform Lifts and Stairway Chairlifts ASME A18.1–2003 (ika-2003 (na) edisyon). New York, NY: American Society of Mechanical Engineers. 2003. p. 34 (ng 69 pahina).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles) Tiningnan noong Agosto 2013.
  7. "Hitachi's Elevator Delivered to Guangzhou CTF Finance Centre received the World's Fastest". Hitachi (sa wikang Ingles).