[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Distritong pambatas ng Maguindanao

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Maguindanao, Una at Ikalawa ang mga kinatawan ng lalawigan ng Maguindanao at ng malayang bahaging lungsod ng Cotabato sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Ang kasalukuyang nasasakupan ng Maguindanao ay dating kinakatawan ng Departmento ng Mindanao at Sulu (1917–1935) at ng dating lalawigan ng Cotabato (1935–1972).

Sa bisa ng Presidential Decree Blg. 341 noong Nobyembre 22, 1973, hiniwalay ang mga Maguindanaoan na bayan ng Cotabato upang buuin ang Maguindanao.

Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon XII sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa. Ang nakakartang lungsod ng Cotabato ay ipinangkat kasama ang lalawigan.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, muling ipinangkat ang Lungsod ng Cotabato sa lalawigan na hinati sa dalawang distritong pambatas noong 1987.

Sa bisa ng Muslim Mindanao Autonomy Act Blg. 201 noong 2006, hiniwalay ang mga kanlurang munisipalidad ng Maguindanao upang buuin ang Shariff Kabunsuan. Ayon sa Seksiyon 5 ng kautusan, ipinangkat ang Lungsod ng Cotabato sa bagong tatag na lalawigan para sa kinatawan sa mababang kapulungan. Ang probisyon na ito ang naging paksa ng kaso sa Korte Suprema na nagpawalang-bisa sa MMA Act Blg. 201, sinasabing ito'y labag sa Konstitusyon. Humantong ang kasong ito sa pagbuwag ng Shariff Kabunsuan noong 2008 at pagbalik sa mga bayan nito sa Maguindanao. Sa maikling panahon ng pag-iral ng Shariff Kabunsuan, kinakatawan ito ng Solong Distrito ng Shariff Kabunsuan–Lungsod ng Cotabato habang ang nalalabing bahagi ng Maguindanao ay kinakatawan ng Solong Distrito ng Maguindanao.

Unang Distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Michael O. Mastura
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Ikasampung Kongreso
1995–1998
bakante
Didagen P. Dilangalen[b]
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Bai Sendig G. Dilangalen
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Didagen P. Dilangalen[c]
Ika-15 Kongreso
2010–2013
Bai Sandra A. Sema
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 Kongreso
2016–2019
Ika-18 Kongreso
2019–2022
Datu Roonie Q. Sinsuat Sr.

Notes

  1. Malayang bahaging lungsod. Administratibong malaya mula sa lalawigan at bumoboto lamang kasama ng Maguindanao para sa kinatawan sa mababang kapulungan.
  2. Nanumpa sa tungkulin noong Marso 26, 1996, pagkatapos maresolba ng mga protestang inihain ni Michael Mastura kaugnay sa eleksyon 1995.[1]
  3. Nahalal bilang kinatawan ng pansamantalang Solong Distrito ng Shariff Kabunsuan—Lungsod ng Cotabato noong 2007.

Ikalawang Distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Guimid P. Matalam
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Simeon A. Datumanong[a]
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
bakante
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Guimid P. Matalam
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Simeon A. Datumanong[b]
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Ika-15 Kongreso
2010–2013
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Datu Zajid G. Mangudadatu
Ika-17 Kongreso
2016–2019
Ika-18 Kongreso
2019–2022
Esmael G. Mangudadatu

Notes

  1. Itinalagang Kalihim ng mga Pagawain at Lansangang Bayan noong 2001; nanatiling bakante ang posisyon hanggang matapos ang Ika-11 na Kongreso.
  2. Nahalal bilang kinatawan ng pansamantalang Solong Distrito ng Maguindanao noong 2007.

At Large (defunct)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Regular Batasang Pambansa
1984–1986
Simeon A. Datumanong
Salipada K. Pendatun[a]

Notes

  1. Pumanaw noong Enero 27, 1985; nanatiling bakante ang posisyon hanggang mabuwag ang Regular Batasang Pambansa noong 1986.
  • Philippine House of Representatives Congressional Library
  1. Supreme Court of the Philippines (Enero 29, 1998). "G.R. No. 124521 — MICHAEL O. MASTURA, petitioner, vs. COMMISSION ON ELECTIONS (Second Division), THE NEW MUNICIPAL BOARD OF CANVASSERS OF MATANOG, MAGUINDANAO, THE NEW PROVINCIAL BOARD OF CANVASSERS OF MAGUINDANAO and DIDAGEN P. DILANGALEN, respondents". The LawPhil Project. Nakuha noong Nobyembre 22, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)