[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Distritong pambatas ng Basilan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang solong Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Basilan ang kinatawan ng lalawigan ng Basilan sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Ang kasalukuyang nasasakupan ng Basilan ay dating kinakatawan ng Departmento ng Mindanao at Sulu (1917–1935), dating lalawigan ng Zamboanga (1935–1953), Zamboanga del Sur (1953–1972) at Rehiyon IX (1978–1984).

Kahit hiniwalay ang Basilan mula sa Lungsod ng Zamboanga pagkatapos itong gawing lungsod noong Hunyo 16, 1948, ang noo'y Lungsod ng Basilan ay nanatiling bahagi ng kinakatawan ng Zamboanga (ayon sa Seksyon 42 ng Batas Pambansa Blg. 288) at Zamboanga del Sur (ayon sa Seksyon 7 ng Batas Pambansa Blg. 711).

Sa bisa ng Presidential Decree Blg. 356 na iprinoklama noong Disyembre 27, 1973, ginawang lalawigan ang Basilan. Ang kasalukuyang downtown na bahagi ng Lungsod ng Isabela ang nanatiling bahagi ng lungsod. Sa bisa ng Presidential Decree Blg. 840 na iprinoklama noong Disyembre 11, 1975, tuluyang binuwag ang lungsod; pinag-isa ang dating teritoryo ng lungsod at ang bayan ng Malamawi upang buuin ang munisipalidad ng Isabela.

Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, nabigyan ng solong distrito ang lalawigan noong 1987.

Solong Distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Alvin G. Dans
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Elnorita P. Tugung
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Candu I. Muarip
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Abdulgani A. Salapuddin
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Ustadz Wahab M. Akbar[a]
bakante
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Hadjiman S. Hataman-Salliman
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Jum Jainudin Akbar[b]
bakante
Ika-18 na Kongreso
2019–2022
Mujiv S. Hataman

Notes

  1. Pumanaw noong Nobyembre 13, 2007; nanatiling bakante ang posisyon hanggang matapos ang Ika-14 na Kongreso.
  2. Pumanaw noong November 11, 2016; nanatiling bakante ang posisyon hanggang matapos ang Ika-17 na Kongreso.

At-Large (defunct)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Regular Batasang Pambansa
1984–1986
Candu I. Muarip
  • Philippine House of Representatives Congressional Library