[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Iti

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Disinterya)

Ang iti o pag-iiti[1], kilala rin bilang pagtatae ng dugo, disinterya o disinteria, bulaod, at pagbubulos[2] (Ingles: dysentery[1][2], dating kilala bilang flux at bloody flux) , ay isang karamdamang kinasasangkutan ng matinding pagtatae. Sanhi ito ng isang bakteryum na nagdurulot ng labis na pamamaga ng mga bituka. Pangunahing tanda o sintomas nito ang pagkakaroon ng dugo sa tae, at karaniwang ginagamot sa pamamagitan ng mga antibiyotiko. Isang disorden o kawalang kaayusan ng sistema ng dihestiyon na nagreresulta nga sa sobrang diyareya na naglalaman ng mukus at dugo sa tae.[3] Kapag hindi nilunasan, maaari at karaniwan itong nagiging nakamamatay. Pangkaraniwan ito noong maagang mga araw ng mga kolonya ng Bagong Mundo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Blake, Matthew (2008). "Dysentery". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Dysentery Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Dysentery - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Dysentery sa Dorland's Medical Dictionary (sa Ingles)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.