[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Lansangang-bayang Sayre

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Daang Bukidnon–Cotabato)

Lansangang-bayang Sayre
Sayre Highway
Patimog na tanawin ng Lansangang-bayang Sayre sa Lungsod ng Valencia, Bukidnon
Impormasyon sa ruta
Padron:Infobox road/meta/spur of
Haba192.0 km (119.3 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N9 (Daang Butuan–Cagayan de Oro–Iligan–Tukuran) – Puerto, Cagayan de Oro, Misamis Oriental
 
Dulo sa timog N75 (Daang Davao–Cotabato) – Kabacan, Cotabato
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodCagayan de Oro, Malaybalay, Valencia
Mga bayanManolo Fortich, Sumilao, Maramag, Don Carlos, Kitaotao, Dangcagan, Kibawe, Damulog, Carmen, Kabacan
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
N9N11

Ang Lansangang-bayang Sayre (Ingles: Sayre Highway) ay isang pangunahing lansangan sa Mindanao sa katimugang Pilipinas na nagsisimula sa Puerto, Cagayan de Oro at nagtatapos sa Kabacan, Hilagang Cotabato. Dumadaan ito sa mga lalawigan ng Misamis Oriental, Bukidnon, at Hilagang Cotabato.[1] Ang haba nito ay 192.0 kilometro (119.3 milya).

Ang hilagang bahagi (bahaging Cagayan de Oro-Maramag) ng lansangan ay binubuo ng Pambansang Ruta Blg. 10 (N10), isang rutang sangay ng Asian Highway 26 sa hilaga. Samantala, itinakda namang bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 943 (N943) ang katimugang bahagi (bahaging Maramag-Kabacan) ng lansangan, na may habang 94 kilometro (58 milya) at tinatawag ding Daang Bukidnon–Cotabato (Ingles: Bukidnon–Cotabato Road).[2][3]

Tinawag ito noon na Route 3 subalit binigyan ito ng bagong pangalan na Sayre Highway, sa karangalan ni Francis Bowes Sayre, Sr., ang U.S. Philippine High Commissioner na nanguna sa pagpapatayo nito.[4] Umaabot ito patimog sa gitnang Mindanao, at nag-uugnay ng mga hilaga at katimugang usli ng Route 1 (Lansangang Digos–Butuan). Ang bahaging ito ng pambansang lansangan ay itinayo noong panahon ng mga Amerikano.

Bahaging N943 ng Lansangang-bayang Sayre sa Damulog, Bukidnon

Talasnggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Southern Philippines:The U.S. Army Campaigns of World War II". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Cotabato 2nd". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-08-04. Nakuha noong 2018-11-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Bukidnon 2nd". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-15. Nakuha noong 2018-11-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "US Army in WWII: The Fall of the Philippines".