[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Goshogawara

Mga koordinado: 40°48′28.9″N 140°26′24.3″E / 40.808028°N 140.440083°E / 40.808028; 140.440083
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gosyogawara, Aomori)
Goshogawara

五所川原市
Goshogawara City Hall
Goshogawara City Hall
Watawat ng Goshogawara
Watawat
Opisyal na sagisag ng Goshogawara
Sagisag
Location of Goshogawara in Aomori Prefecture
Location of Goshogawara in Aomori Prefecture
Goshogawara is located in Japan
Goshogawara
Goshogawara
 
Mga koordinado: 40°48′28.9″N 140°26′24.3″E / 40.808028°N 140.440083°E / 40.808028; 140.440083
CountryJapan
RegionTōhoku
PrefectureAomori
Pamahalaan
 • MayorMasatoshi Hirayama
Lawak
 • Kabuuan404.18 km2 (156.05 milya kuwadrado)
Populasyon
 (March 31, 2020)
 • Kabuuan53,576
 • Kapal130/km2 (340/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Japan Standard Time)
City symbols 
• TreeJapanese elm
• FlowerNohanashōbu (iris ensata var. spontanea)
• BirdOriental greenfinch
Phone number0173-35-2111
Address12 Iwakichō, Goshogawara-shi, Aomori-ken 037-8686
WebsaytOpisyal na websayt

Ang Goshogawara (五所川原市, Goshogawara-shi) ay isang lungsod sa Prepektura ng Aomori, Hapon. Magmula noong 31 Marso 2020 (2020 -03-31), tinatayang may 53,576 katao ang lungsod sa 25,568 mga kabahayan,[1] at may kapal na 130 tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 404.18 square kilometre (156.05 mi kuw).

Sinasakop ng Goshogawara ang dalawang hindi magkarugtong na mga lugar sa Tangway ng Tsugaru sa kanlurang bahagi ng Prepektura ng Aomori. Dumadaloy ang Ilog Iwaki sa lungsod. Napapalibutan ng lupa ang mas-malaking bahagi, at ito ay nasa gitna ng tangway. Naririto ang orihinal na bayan ng Goshogawara, at sentro ito ng populasyon ng lungsod. Ang mas maliit na exclave sa hilaga ay nasa baybayin ng Dagat Hapon . Ilang mga bahagi ng lungsod ay nasa loob ng mga hangganan ng Tsugaru Quasi-National Park.

Ayon sa datos ng senso ng Hapon,[2] bumaba nang bahagya ang Goshogawara sa nakalipas na 40 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
196070,222—    
197067,047−4.5%
198068,738+2.5%
199063,843−7.1%
200063,208−1.0%
201058,421−7.6%

Naging bahagi ng angkan ng Tsugaru ng Dominyo ng Hirosaki ang lugar ng Goshogawara noong panahon ng Edo . Kalakip ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad kasunod ng pagpapanumbalik ng Meiji noong Abril 1, 1889, ang lugar ay naging bahagi ng Distrito ng Kitatsugaru, Aomori at nahati sa mga nayon ng Goshogawara, Sakae, Miyoshi, Nakagawa, Nagahashi, Nanawa, Matsushima at Itayanagi noong Abril 1. Noong Hulyo 1, 1898, itinaas sa katayuang bayan ang Goshogawara. Noong Oktubre 1, 1954, sinanib ng Goshogawara ang mga nayon ng Sakae, Nakagawa, Nagahashi, Matsushima at Iizume upang maging lungsod ng Goshogawara. Noong Abril 1, 1958, kinuha ng Goshogawara ang isang bahagi ng bayan ng Kizukuri.

Noong Marso 28, 2005, sinanib sa Goshogawara ang bayan ng Kanagi at ang nayon ng Shiura.

Pinaghalo ang ekonomiya ng Goshogawara. Nagsisilbing sentrong pangkomersiyo sa rehiyon ang lungsod. Kasama sa mga produktong pang-agrikultura ang bigas at mansanas, at kasali sa komersiyal na pangingisda ang halaan. Matatagpuan sa lungsod ang Aomori Technopolis High-Tech Industrial Park.[3]

Pampook na mga atraksiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Goshogawara Tachineputa

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Opisyal na estadistika ng Goshogawara (sa Hapones)
  2. Goshogawara population statistics
  3. Goshogawara city home page(sa Hapones)
  4. http://www.en-aomori.com/culture-040.html
  5. "五所川原須恵器窯跡". Cultural Heritage Online (sa wikang Hapones). Agency for Cultural Affairs. Nakuha noong 10 Abril 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "山王坊遺跡". Cultural Heritage Online (sa wikang Hapones). Agency for Cultural Affairs. Nakuha noong 10 Abril 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "十三湊遺跡". Cultural Heritage Online (sa wikang Hapones). Agency for Cultural Affairs. Nakuha noong 10 Abril 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]