[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Ar-Rahman

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sura 55 ng Quran
الرحمان
Ar-Raḥmān
Ang Pinakamahabagin
KlasipikasyonMadani
PosisyonJuzʼ 27
Blg. ng Ruku3
Blg. ng talata78
Blg. ng zalita352
Blg. ng titik1585

Ang Ar-Rahman[1] (Arabe: الرحمان‎, ar-raḥmān; kahulugan: Ang Pinakamahabagin[2]) ay ang ika-55 kabanata (surah) ng Qur'an na may 78 talata (āyāt).

Lumilitaw ang pamagat na Ar-Rahman, sa unang talata at may kahulugang "Ang Pinakamahabagin." Lumilitaw din ang banal na apelasyong "ar-Rahman" sa pambungad na pormula na nauuna sa bawat surah maliban sa Sura 9 ("Sa Ngalan ni Allah, ang Panginoon ng Awa, ang Tagapagbigay ng Awa"). Noong ika-4 na dantaon CE, nagsimula mapalitan ang mga timog Arabeng inskripsyon ng monoteistang ekspresyon, gamit ang katawagang rahmān.[3]

May mga hindi pagkakasundo sa kung dapat na iuri ang Ar-Rahman bilang isang surah ng panahong Makkan o Madani. Inuri ito nina Theodor Nöldeke at Carl Ernst sa mga surah noong maagang panahong Makkan (ayon sa maikling ayah nito), ngunit inuri ito ni Abdel Haleem sa kanyang salin bilang Madani,[4][5] bagaman karamihan sa mga iskolar na Muslim ay nilalagay ang Sūrat ar-Rahman sa panahong Makkan.[6][7] Sang-ayon sa tradisyunal na kronolohiyang Ehipsyo, naihayag ang Ar-Rahman bilang ika-97 surah.[8] Nilagay ito ni Nöldeke na mas maaga, sa 43,[9] habang minungkahi ni Ernst na inihayag ito bilang ikalimang surah.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ibn Kathir. "Tafsir Ibn Kathir (English): Surah Al Rahman". Quran 4 U (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Quran Tagalog Filipino in PDF Isinalin sa Wikang Tagalog nina Dr. Aboulkhair S. Tarason Ustadh Badi Udzaman S. Saliao at Muhammad M. Rodrigues Sinuri ni Dr. Muhammad Nadheer Ebil. Abril 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Robert Schick, Archaeology and the Quran, Encyclopaedia of the Qur'an (sa Ingles)
  4. Haleem, The Qur’an, 353. (sa Ingles)
  5. Theodor Nöldeke: Geschichte des Qorans. Verlag der Dieterichschen Buchhandlung, Göttingen, 1860, pp. 107-108 ff (sa wikang Aleman).
  6. The Message of the Quran, M. Asad, 1982, Introduction Surah ar-Rahman (sa wikang Ingles). Although most of the commentators regard this surah as a Meccan revelation, Zamakhshari and (among the later scholars) Suyuti ascribe it to the Medina period. Baydawi leaves the question open, and adds that parts of it may have been revealed before and parts after the Prophet's hijrah to Medina. Some authorities are of the opinion that it followed immediately upon surah 13 ("Thunder"): an opinion which is not very helpful since that surah, too, cannot be assigned to either of the two periods with any degree of certainty.
  7. "Directorate of Religious Affairs, Introduction Surah ar-Rahman" (sa wikang Ingles). [Translation] This Surah was revealed in the Meccan Period. [Original] Mekke döneminde inmiştir.
  8. Carl Ernst, How to Read the Qur'an (Chapel Hill: The University of North Carolina Press, 2011), 40 (sa Ingles).
  9. Ernst, How to Read the Qur'an, 44 (sa Ingles).
  10. Ernst, How to Read the Qur'an, 215 (sa Ingles).