[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Anjō

Mga koordinado: 34°57′31.4″N 137°4′49.2″E / 34.958722°N 137.080333°E / 34.958722; 137.080333
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Andyo, Aitsi)
Anjō

安城市
Paikot sa kanan mula sa taas: Liwasang Den; Honshōji (Templo ng Honshō); Gusaling panlungsod ng Anjō; Pista ng Anjō Tanabata
Watawat ng Anjō
Watawat
Opisyal na sagisag ng Anjō
Sagisag
Kinaroroonan ng Anjō sa Prepektura ng Aichi
Kinaroroonan ng Anjō sa Prepektura ng Aichi
Anjō is located in Japan
Anjō
Anjō
 
Mga koordinado: 34°57′31.4″N 137°4′49.2″E / 34.958722°N 137.080333°E / 34.958722; 137.080333
Bansa Hapon
RehiyonChūbu (Tōkai)
PrepekturaAichi
Pamahalaan
 • AlkaldeGaku Kamiya
Lawak
 • Kabuuan86.05 km2 (33.22 milya kuwadrado)
Taas
10 m (30 tal)
Populasyon
 (Oktubre 1, 2019)
 • Kabuuan188,693
 • Kapal2,200/km2 (5,700/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoHapones na Itim na Pino
- BulaklakScarlet Sage
Bilang pantawag0566-76-1111
Adres18-23 Sakuramachi, Anjō-shi, Aichi-ken 446-8501
WebsaytOpisyal na website

Ang Anjō (安城市, Anjō-shi) ay isang lungsod sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01), may tinatayang populasyon na 188,693 katao ang lungsod sa 76,087 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon na 2,193 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 86.05 square kilometre (33.22 mi kuw).

Patuloy na tinitirhan ang lugar ng kasalukuyang Anjō mula noong panahong prehistoriko. Natuklasan ng mga arkeologo ang maraming mga labi ng panahon ng Hapones na Paleolitiko at mga puntod buhat sa panahong Kofun. Noong panahong Nara, itinalaga ang pamamahala ng lugar sa sinaunang Kondado ng Hekikai, at hinati sa ilang mga shōen noong panahong Heian, malakihang nasa kapangyarihan ng angkang Fujiwara o angkang Taira. Ngunit sa panahong Kamakura, ilang mga bahagi ng lupain ay napasailalim sa sektang Jōdo Shinshū na hinamon ang sekular na kapangyarihan ng iba-ibang mga angkang samurai, pinakakilala ang angkang Matsudaira. Noong panahong Sengoku, itinayo ang maraming mga kuta sa lugar. Pinag-isa ni Tokugawa Ieyasu ang rehiyon at binuwag ang kapangyarihan ng sektamg Jōdo Shinshū sa Labanan ng Azukizaka (1564). Noong panahong Edo, ang kalahati ng kasalukuyang Anjō ay pinamunuan ng Dominyong Okazaki at ang Dominyong Kariya naman sa isa pang kalahati sa ilalim ng kasugunang Tokugawa kalakip ng ilang kalat na mga bahagi ng lupaing tenryō na tuwirang pinamunuan ng kasugunan. Sa panahong ito, kilala ang lugar sa paggawa nito ng bulak at mga tela.

Pampatubig na Kanal ng Meiji (Meiji Irrigation Canal)

Sa pasimula ng panahong Meiji noong Oktubre 1, 1889, ang Anjō ay isa sa kalipunan ng mga nayong binuo sa Distrito ng Hekikai, Prepektura ng Aichi kasabay ng pagtatatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad. Itinaas ito sa katayuang pambayan noong Mayo 1, 1906. Ang pagbubukas ng Pampatubig na Kanal ng Meiji ay nagpabago sa lugar noong mga dekada-1920 at 1930, at ito ay naging isa sa pinakamasaganang mga rehiyong pansakahan sa panahong iyon. Nagdulot ito ng paghahambing sa Dinamarka, na noo'y tinuring na pinakamaunlad na bansang pang-agrikultura sa mundo.[2] Humantong ito sa palayaw na "Dinamarka ng Hapon" o "Japan's Denmark" (日本デンマーク) para sa bayan, at nananatili ang pamanang ito sa katauhan ng Liwasang Den, isang Danesang temang liwasan, pati ang Serbesang Den, isang microbrew na makukuha sa liwasan.

Itinaas sa Anjō katayuang panlungsod noong Mayo 3, 1952. Noong Abril 1, 1967, idinugtong nito ang kalapit na bayan ng Sakura.

Matatagpuan ang Anjō sa katimugang bahagi ng Prepektura ng Aichi, sa layo na humigit-kumulang 30 kilometro (19 mi) mula sa gitnang Nagoya, sa gitnang bahagi ng Kapatagan ng Okazaki, sa kanlurang pampang ng Ilog Yahagi. Ang Pambansang Ruta Blg. 1 at Pambansang Ruta Blg. 23 ay nagbibigay ng pangunahing daan mula silangan-pakanluran sa lungsod, kalakip ang Pamprepekturang Ruta Blg. 48 ng Aichi na dumaraan sa pagitan ng dalawa.

Kalapit na mga munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Prepektura ng Aichi

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[3] mabilis na lumaki ang populasyon ng Anjō sa nakalipas na 70 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1940 46,737—    
1950 61,037+30.6%
1960 66,793+9.4%
1970 94,307+41.2%
1980 123,843+31.3%
1990 142,251+14.9%
2000 158,824+11.7%
2010 178,738+12.5%

Kapatid na mga lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Anjō City official statistics (sa Hapones)
  2. ""Aichi Voice - The Denmark of Japan?"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-06. Nakuha noong 2020-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Anjō population statistics
  4. 4.0 4.1 "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 24, 2015. Nakuha noong Nobyembre 21, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]