[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Sentrong Pangkultura ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
Cultural Center of the Philippines
Ang logo ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
Buod ng Ahensya
Pagkabuo8 Setyembre 1969[1]
KapamahalaanPamahalaan ng Pilipinas
Punong himpilanBulebar ng Roxas, Hugnayang CCP, Maynila, Pilipinas
Kasabihan/mottoO, di ba, mas maganda kung may Art sa Buhay mo?
Mga tagapagpaganap ng ahensiya
Websaytwww.culturalcenter.gov.ph

Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) (Ingles: Cultural Center of the Philippines) ay isang pangunahing institusyon para sa sining at kultura ng Pilipinas. Ito ay naglalangkap ng mga pinakamataas na pamantayan ng kahusayan at may mga paglilingkod na tumutugon sa mga Pilipino at sa daigdig.[1]

Ang mga pinakamahusay na artista mula sa mga iba't ibang panig ng bansa at ng daigdig ay binibigyan ng karangalan habang nagtatanghal sa mga tanghalan at galerya ng CCP, kung saan nabibighani ang mga Pilipino sa katagalan ng panahon mula itinatag ito. Matatagpuan ito sa lungsod ng Maynila[2][3][4] at ayon naman sa ibang mga websayt, ito ay nasa lungsod ng Pasay.

Layunin at mga gawain

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Para Kay Bathala, Baley Pilipinas

Ipinagmamalaki ng CCP ang mga makasining tagumpay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalabas, naghihimok ng paglikha ng mga gawang basal na nagpupukaw ng sigla ng mga tikha at kaugaliang Pilipino at tumutulong na maging lapitan ang sining sa mga sektor ng pamayanang Pilipino.

Ito ay naglulunsad at sumusuporta rin ng pagtatatag ng mga sentrong pangkulturang panrehiyon at lokal sa pakikipagtulungan ng mga pampook na pangkat (local groups) at sama-samang nagdadala ng kanilang sariling artistang naninirahan at mga ibang artista mula sa iba't ibang rehiyon sa pamamagitan ng Programang Pang-aabot ng CCP.

Sumasaklaw rin ng CCP ang mga sining pampelikula at pambrodkast, ganundin sa mga sining pampanitikan at biswal, naghihimok sa pagsisikat ng mga nagsisikap na artista sa mga larangan sa pamamagitan ng mga palihan, seminar, antolohiya, eksibisyon, simposyum, ganundin sa pagkakaroon ng mga paligsahan at mga gawad.

Sina Pangulong Ferdinand E. Marcos at Gob. at G. Ronald Reagan ng California sa pagbubukas ng CCP.

Ang pasinaya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas noong 1969 ay simula ng pagkakaroon ng tahanan para sa sining.[5] Nilikha ang CCP sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 30 na ang layunin ay itaguyod at pangalagaan ang mga sining at kulturang Pilipino. Ang unang pangulo ng CCP ay si Jaime Zobel de Ayala na inatasan upang magbuo ng organisasyon ng pamamahala. Ito'y pormal na napasinaya sa pagbubukas noong 8 Setyembre 1969 nina Pangulong Ferdinand E. Marcos at Unang Ginang Imelda R. Marcos sa pamamagitan ng pagbubukas ng pangmusikang palabas na Gintong Salakot: Isang Dularawan, isang epiko na naglalarawan ng Pulo ng Panay at pagsisimula ng tatlong-buwang pampasinayang pagdiriwang. Dinaluhan ang pormal na pasinaya ng CCP ng mga mahahalagang panauhin, kabilang dito ay ang gobernador ng California na si Ronald Reagan at ang kanyang maybahay, na kumakatawan para kay Richard Nixon, pangulo ng Mga Nagkakaisang Estado.

Mula sa pagkatatag nito, ang CCP ay nagsusumikap na maabot upang malangkap ang logo ng katotohanan, kagandahan at kabutihan. Dinisenyo ang logong ito na hinango sa sinaunang pagsusulat na Alibata ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal.

Tanghalang Pambansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tanghalang Pambansa

Itinayo sa reklamadong lupa ng Look ng Maynila, ang Tanghalang Pambansa, na karaniwang kinikilalang Punung-Gusali ng CCP o Tanghalan ng Sining Pagtatanghal, ay dinisenyo ng namumukud-tanging arkitektong Pilipino at Pambansang Alagad ng Sining para sa Arkitektura na si Leandro V. Locsin.

Ang gusaling ito at natatahanan ng mga apat na tanghalan, isang museo ng eksibisyong etnograpiko at papalit-palit na eksibisyon ng sining at etnograpikong Pilipino, mga galerya, at isang aklatan ng sining at kulturang Pilipino. Nagtatahan din dito ang mga tanggapan ng pamamahala at mga pasilidad ng CCP.

Tanghalang Nicanor Abelardo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Tanghalang Nicanor Abelardo (Punong Tanghalan ng CCP) ay ipinangalan sa ngalan ni Nicanor Abelardo na inayos muli ang kundiman at nakilala nang lubos nang dahil sa kanyang malasining talino sa pamamagitan ng mga katha tulad ng Nasaan Ka Irog?, Bituin Marikit, Magbalik Ka Hirang, Kundiman ng Luha, at Mutya ng Pasig.

Ang tanghalan ay binubuo ng mga apat na patag: Orkestra, Kahon, Balkonahe I, at Balkonahe II, at may kakayahang maglulan ng 1,823 panauhin. Sa pagpasok ng bahagi ng orkestra, binabati ang mga panauhin ng "Ang mga Pitong Sining", isang iskultura gawa sa tanso na nilikha ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal na si Vicente Manansala. May hating sahig pang-orkestra ang tanghalan at may kasangkapan ito upang makamit ang mga bagay na kailangan ukol sa produksiyon ng pagtatanghal tulad ng mga baley, opera, konsyertong simponiko, at iba pang pangmusika. Itinatampok din ang larawang-pinta ng "Simula" na nilikha ni Hernando Ocampo, Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal na nasa harapan ng tanghalan.

Tanghalang Aurelio Tolentino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Tanghalang Aurelio Tolentino (Munting Tanghalan ng CCP), ay ipinangalan mula kay Aurelio V. Tolentino, isang Pilipinong manunulat ng dula ng pagdating ng ika-20 dantaon kung saan ang kanyang mga likha, tulad ng Kahapon, Ngayon, at Bukas, ay naglalarawan ng kanyang nais na makita ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga manananakop.

Ang Munting Tanghalan ay isang nakakahiratihang prosenyong entablado, na dinisenyo para sa dula, musikang pangkamara, mga solong pagtatanghal, mga lektura, at pagpapalabas ng pelikula, na may kakayahang maglulan ng 421 panauhin. Ang kurtina ng entablado ay isang tapiserya na gawa sa Kyoto, Hapon, na may larawang-pinta ni Roberto Chabet, ang dating tagapamahala ng Museo ng CCP (Museo ng Kalinangang Pilipino).

Tanghalang Huseng Batute

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Tanghalang Huseng Batute (Tanghalang Istudyo ng CCP) ay ipinangalan sa ngalan ni Jose Corazon de Jesus o Huseng Batute, ang isa sa kanyang mga ngalang-sagisag. Siya ay itinuring "Hari ng Balagtasan" at sa mga likhang pampanitikan ay ang tulang makabayang "Sa Dakong Silangan". Nagtitik din siya sa mga iba't ibang awit kabilang ang Bayan Ko ni Contancio de Guzman at Kundiman ng Luha ni Nicanor Abelardo.

Ang lugar na ipinangalan mula sa kanya ay dinisenyo para sa produksiyong pang-eksperimento ay may dalawang palapag; ang mataas na palapag ay giangamit bilang Galerya, ang mababang palapag bilang Istudyo na tinatampok ang isang naiibang pagganap sa dula. Tulad ng sinabi, ang kakayahang maglulan ng mga manonood ay sumasalalay sa laki ng entablado o lugar ng pag-arte. Ang bulwagan ng tanghalan ay itinampok ng likha ng mga Mang-uukit ng Kahoy sa Paete mula sa larawang-pinta ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal na si Carlos V. Francisco na pinamagatang "Aglahi ng mga Pinunong Kastila".

Tanghalang Manuel Conde

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Tanghalang Manuel Conde (Tanghalang Dream) ay ipinangalan mula kay Manuel Conde, isa sa mga namumunong alagad ng pelikulang Pilipino. Manuel Pabustan Urbano, sa totoong buhay, ay direktor ng Genghis Khan, ang unang pelikulang Pilipino na ipinamahagi sa buong daigdig ng Mga Nagkakaisang Artista (United Artists). Siya ay nakilala bilang Juan Tamad sa palabas na serye kung saan siya ay gumanap at direktor.

Ang Silid Awdio-Biswal na ito ay ginagamit sa pagpapalabas ng mga pelikula at bidyo, mga porong pantalakayan, seminar o bilang bulwagan ng munting pagpupulong. Ang lugar na ito ay may kakayahang maglulan ng 100 manonood at nalalagyan ng kagamitan na may tinanggap, at kasunod na pagtatampok, na tuwirang abot ng buntala ng mga pelikulang sining at kultura at mga bidyo ng mga sining ng Pilipinas. Ito'y ipinangalan ding Tanghalang Dream, kung saan ang CCP at Serbisyo sa Pagbobrodkast ng Dream ay nagsanib upang itaguyod ang pelikulang sining sa Pilipinas.

Tanghalang Francisco Balagtas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Tanghalang Francisco Balagtas (Tanghalan ng Katutubong Sining o Folk Arts Theater) ay ipinangalan bilang pagpupugay kay Francisco Balagtas (Baltazar), isa sa mga dakilang makata ng bansa. Ang Florante at Laura ay isa sa kanyang mga pinakamagandang gawa na kinikilala at ang kanyang pagsusulat ng tula ay nagbibigay ng anyo para sa mga salinlahi ng mga makatang Pilipino. Ang balagtasan, ang isang panulaang pagtatalo, ay ipinangalan mula sa kanya.

Ito'y isang nakatalabing prosenyong ampiteatro kung saan ipinapalabas ang mga sikat na konsyerto at may kakayahang maglulan ng 8,458 manonood na hinahati sa sampung seksiyon. Ang gusaling ito ay inatasan ng Unang Ginang Imelda Marcos sa pagtatayo para sa paligsahang Miss Universe na ginanap sa Maynila noong 1974. Dinisenyo ito ng Leandro V. Locsin at itinayo sa loob ng pitumpu't pitong araw.

Mga Bulwagang Eksibisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang gusaling Tanghalang Pambansa ng CCP ay nagbabahay din ng mga bulwagang eksibisyon:

Bulwagang Juan Luna

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Bulwagang Juan Luna (Punong Galerya) ay ipinangalan sa ngalan ng isa sa mga pinakadakilang artistang Pilipino sa kapanahunan ng Rebolusyong Pilipino na si Juan Luna, na ang kanyang pinakatanyag na likha ay ang Spoliarium. Ang Galerya ay ginagamit para sa mga malalaking eksibisyon at ito'y nasa ikatlong palapag. Isang parihabang alangaang ay may mga puting dingding at ang lawak ng sahig ay 440 metronmg parisukat.

Bulwagang Fernando Amorsolo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Bulwagang Fernando Amorsolo (Munting Galerya) na nasa ikaapat na palapag ay isang kaloob-loobang alangaang para sa mga pangisahang eksibisyong at pagluluklok. Ito'y ipinangalan bilang pagpupugay sa unang Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal na idinakila niya ang kalidad ng liwanang ng araw ng Pilipinas sa kanyang larawang-pinta na nakakapagpapagunita sa kanayunan ng Pilipinas. Ipinapasikat ni Fernando Amorsolo ang imahe ng mga magaganda at mayuyuming Dalagang Filipina at siya ang unang gumuhit nang malawakan tungkol sa mga nakaugalian ng mga Pilipino pagdating sa kaugalian at asal, kapistahan, at ikinabubuhay tulad ng pangingisda at pagsasaka. Ang Galerya ay isang parihabang alangaang na may mga puting dingding at dalawang haligi sa bawat dulo.

Bulwagang Carlos V. Francisco

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal na si Carlos V. Francisco ay isa sa mga unang salinlahi ng mga modernista, kabilang din sina Victorio C. Edades at Galo B. Ocampo, na binuo ang nangungunang tatluhang-samahan kung saan dinala ang sining ng Pilipinas sa mga bagong patutunguhan. Ang Bulwagang Carlos V. Francisco ay nasa bulwagan ng Munting Tanghalan, katapat ang larawang-pinta ni Arturo Luz. Ito'y isang dingding-alangaang na may mga palatpat at may lawak na 4.8m sa 19.8m at ito'y kasiya-siya para sa mga malawakang larawang-pinta o mga likha na nakakakabit sa dingding.

Pasilyo Victorio Edades

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nasa silangang dulo ng ikaapat na palapag, ang Pasilyo Victorio Edades ay isang alangaang na may hugis-bila kung saan hinahantad ang mga likha ng mga may talentong baguhan. Ito'y palaging ginagamit para sa mga eksibisyon ng mga likhang panoramiko, mga letrato, mga guhit, mga limbag at mga likha sa papel. Ang pasilyong ito ay ipinangalan bilang parangal sa Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal (Larawang-pinta) na si Victorio C. Edades na nagpasimuno ng modernong sining sa Pilipinas.

Pasilyo Guillermo Tolentino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa may Balkonahe 1 ng ikatlong palapag, ang Pasilyo Guillermo Tolentino ay ginagamit para sa panrehiyong likhang sining o para sa mga eksibisyon na naaayon sa mga kasunduang pangkultura. Ipinangalan ang pasilyong ito mula sa Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal (Iskultura) na si Guillermo Tolentino na nilikha niya ang Monumentong Bonifacio. Ito'y isang alangaang dingding na may mga puting panel, bahagyang matambok at may sukat na 2.4m ng taas at 30.2m ng lapad.

Pasilyo Vicente Manansala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nasa ikalawang palapag, ang Pasilyo Vicente Manansala ay magkatulad ang laki at hugis sa Pasilyo Guillermo Tolentino. Ipinangalan ang Galeryang ito sa ngalan ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal (Larawang-pinta) na si Vicente Manansala, isang kasapi ng Labintatlong Modernista at Neo-realisto at siya ay nasa harapan ng kilusang modernista sa sining ng Pilipinas.

Museo ng Kalinangang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Museo ng Kalinangang Pilipino (Museo ng CCP) ay isang nabuong museong pangkaturuang pantao na itinatag noong 1988. Ito'y

  • naglilikom nang sama-sama ang mga likha ng artistang Pilipino na may nakaugalian at pinangalagaan ang makasining ng nakaugaliang Pilipino;
  • pinag-aaralan at naglilinaw ng kahulugan ng mga ito upang ibigay ang malalim ng pagkakaunawaan ng pambansang kulturang Pilipino na gumigitaw sa may o para sa mga tao; at
  • pinapalakas ang kamalayan ng mga tao ng kabuuan, dinamikong tungkulin ng pagkamapanlikhain at makasining na himanting sa pambansang buhay at kultura.

Ang palagiang eksibisyon na pinamagatang Diwa: Buhay, Ritwal at Sining ay nagpapakita ng makabuluhang makasining na nakaugaliang Pilipino at nagdudulang ng kasaysayan ng sining at astetikang Pilipino sa pagkakaunawaang panlipunang-kultura.

Ang isa pang mahalagang palagiang eksibisyon ay ang Koleksiyon ng mga Kagamitang Pangmusika na Nakaugalian ng mga Asyano ng CCP kung saan ang mga kagamitang pangmusika ay nagmumula sa Pilipinas, Hapon, Indonesya, Indiya, Thailand, Tsina at Timog Koriya.

Ang Museo ng CCP ay naghahandog din ng mga tanging eksibisyong nagbabago, nagbibigay ng tulong pangkurador, at nagsasaayos ng mga palihan ng mga anyo ng katutubong sining.

Mga larawan ng gusali ng CCP

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga samahang naninirahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang CCP ay tahanan ng mga sumusunod na pangkat at institusyon:

  1. 1.0 1.1 "Ano ang CCP?". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-28. Nakuha noong 2009-05-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Newsflash: May tampok na pelikulang panteatro". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-27. Nakuha noong 2009-05-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The Cultural Center of the Philippines Travel Guide". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-19. Nakuha noong 2009-08-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. CCP location
  5. "Kasaysayan ng CCP". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-19. Nakuha noong 2008-06-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]