Captain Marvel (Marvel Comics)
Si Captain Marvel ay pangalan ng ilang kathang-isip na superhero na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng Marvel Comics. Karamihan sa mga bersyon nito ay mayroon sa pangunahing magkabahaging uniberso, na kilala bilang Marvel Universe.
Sa Marvel Cinematic Universe, si Carol Danvers ang Captain Marvel na ginampanan ni Brie Larson.
Kasaysayan ng paglalathala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkatapos ng kung saan dinemanda ng DC Comics ang Fawcett Comics para sa paglabag ng karapatang-ari na inaangkin ang Captain Marvel ng Fawcett ay sobrang pareho kay Superman, itinigil ng Fawcett ang paglathala ng Captain Marvel noong 1953.[1] Noong huling bahagi ng dekada 1960, nakuha ng Marvel Comics ang tatak-pangkalakal na "Captain Marvel" sa kanilang unang serye.
Para mapanatili ang tatak-pangkalakal nito, nilathala ng Marvel ang isang titulong Captain Marvel na hindi bababa sa isa kada kada ilang taon simula noon, na nagdulot ng isang bilang ng nagpapatuloy na serye, limitadong serye, at nag-iisang paglabas na tinatampok ang iba't ibang mga karakter na gamit ang alyas na Captain Marvel.[2]
Mar-Vell
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang imprenta na milikha ng Marvel Comics ng Captain Marvel ay ginawa nina Roy Thomas at Gene Colan.[3] Isang opisyal ng militar na alien ang karakter na ito, si Captain Mar-Vell ng Kree Imperial Militia, na ipinadala upang magmasid sa planetang Daigdig habang pinapaunlad pa nito ang teknolohiya ng paglalakbay sa kalawakan. Nang naglaon, napagod na si Mar-Vell sa mga malisyosong hangarin ng nakakataas sa kanya at kumampi sa mga taga-Daigdig, at binansagan siyang traydor ng Imperyong Kree. Simula noon, nakikipaglaban si Mar-Vell upang ipagsanggalang ang Daigdig mula sa lahat ng banta.
Carol Danvers
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Hulyo 2012, si Carol Danvers na matagal nang kilala bilang Ms. Marvel ay kinuha ang katauhang Captain Marvel sa isang nagpapatuloy na serye na sinulat ni Kelly Sue DeConnick kasama ang guhit ni Dexter Soy. Sinuot ni Danvers ang isang jumpsuit at sinaliksik ang kanyang sariling nakaraan. Sinabi ni DeConnick noong 2010 sa WonderCon na "Carol Danvers bilang Chuck Yeager" ang maaring pagsasalarwan ng kanyang minungkahing serye. Sinabi niya na napagninilayan ng serye kung ano ang halaga ng alamat ng Captain Marvel kay Danvers, paano niya mahahawakan ito, at paano ang magiging reaksyon ng buong Marvel Universe.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Comic Book Urban Legends Revealed #2, Comics Should Be Good, Hunyo 9, 2005 (sa Ingles)
- ↑ Comic Book Urban Legends Revealed #12 Naka-arkibo 2016-08-19 sa Wayback Machine., Comics Should Be Good, Comic Book Resources, Agosto 18, 2005 (sa Ingles)
- ↑ DeFalco, Tom; Gilbert, Laura, ed. (2008). "1960s". Marvel Chronicle A Year by Year History (sa wikang Ingles). Dorling Kindersley. p. 125. ISBN 978-0756641238.
Captain Mar-Vell was a Kree warrior sent to spy on Earth, by Stan Lee and artist Gene Colan.
{{cite book}}
:|first2=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Beard, Jim (Marso 17, 2012). "WonderCon 2012: Captain Marvel". marvel.com (sa wikang Ingles). Marvel. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-21. Nakuha noong Marso 19, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)