Tubig
Ang tubig ay isang walang lasa, walang amoy, at walang kulay na sustansya sa kanyang dalisay na anyo, at mahalaga para sa lahat ng mga kilalang anyo ng buhay. Ito rin ng ang pinaka-unibersal na panunaw o solbent. Sagana ang daigdig sa tubig na matatagpuan sa lahat ng lugar at makikita sa iba't ibang anyo nito: ang yelo (buong anyo), singaw (water vapor), at likido (ang anyong dumadaloy). Matatagpuan ang karamihan ng tubig sa mga karagatan at mga suklob na yelong polar (ice cap), ngunit matatagpuan din ito kahit na sa mga alapaap, tubig ulan, at ilog. Sa katawan ng tao, may 7 libra ng tubig sa bawat 10 librang bigat ng katawan.[1] Ang World Water Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Marso 22. Ang World Water Monitoring Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Setyembre 18.
Talasanggunian
- ↑ The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172-0508-8
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link GA Padron:Link GA Padron:Link FA Padron:Link FA