Insiang
Insiang | |
---|---|
Direktor | Lino Brocka |
Prinodyus | Ruby Tiong Tan |
Sumulat | Mario O'Hara Lamberto E. Antonio |
Itinatampok sina | Hilda Koronel Mona Lisa |
Musika | Minda Azarcon |
Sinematograpiya | Conrado Baltazar |
In-edit ni | Augusto Salvador |
Tagapamahagi | Korporasyong CineManila |
Inilabas noong | 1976 |
Bansa | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Ang Insiang ay isa sa mga namumukod-tanging pelikulang dramatiko noong 1976 sa direksiyon ni Lino Brocka, kung saan ipinamalas ang pambihirang ugnayan ng mag-ina, mag-amain, at magkasintahan sa madilim na pook ng kahirapan.
Ito ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na itinampok sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Cannes. Ito ay kuwento ng babaeng ginahasa ng kabit ng kaniyang ina na nagtulak sa kaniya upang maghiganti. Dahil sa kanyang husay sa pag-arte sa pelikulang ito ay nakilala si Hilda Koronel bilang isa sa mga natatanging aktres ng pelikulang Pilipino.
Ang Insiang ay umani ng maraming karangalan sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Maynila noong 1976. Tinukoy ng mga kritiko ang kapangyarihan ng mga tauhan ni Lino Brocka na dalhin sa katahimikan ang isang kalabisan ng mga damdamin na may lalim at sidhi.[1]
Mga tauhan
Ang mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:
Mga nagsiganap | Ginampanan bilang |
---|---|
Hilda Koronel | Insiang |
Mona Lisa | Tonya |
Ruel Vernal | Dado |
Rez Cortez | Bebot |
Marlon Ramirez |
Buod ng pelikula
Si Insiang (Hilda Koronel) ay tanging anak ni Tonya (Mona Lisa), isang tindera sa palengke na iniwan ng kanyang asawa. Ang mag-ina ay nakatira sa dampa sa pook ng mga iskwater kasama ang mga parasitong kamag-anak ng asawa ni Tonya. Ang kasamang kabiyak sa labas ni Tonya ay si Dado (Ruel Vernal), isang butangero na umaakit din kay Insiang. Nagseselos si Tonya sa kanyang anak na babae. Nagsimulang magalit lalo si Insiang kina Tonya at Dado, nang hinadlang ni Dado si Bebot (Rez Cortez), ang kanyang kasintahan, mula sa pagsusulat ng liham sa kanya.
Ginagahasa ni Dado si Insiang, subali't pinapaniwalaan ni Tonya ang salaysay ni Dado na hinihibo siya ni Insiang. Nakiusap ang desperadong Insiang sa kanyang kasintahan na lumayo na siya sa kanya. Pagkatapos ang pagtatalik nila ni Bebot sa isang mumurahing motel, iniwan siya nito. Bumalik si Insiang sa kanyang ina na tinanggap siya nguni't binalaang iwasan niya ang "panghihibo" kay Dado. Na may paghihiganti sa isip, sumuko si Insiang sa mga digang pagtatalik ni Dado, at pinaikot-ikot ang isip niya sa paggugulpi kay Bebot sa isang tapunan ng mga basura. Samantala, lumaki lalo ang hinala ni Tonya sa kanyang anak at Dado. Isiniwalat ni Insiang ang kanyang kaugnayan kay Dado at pinatay ni Tonya si Dado.
Sa katapusan, dumalaw si Insiang kay Tonya sa bilangguan at humingi ng kapatawaran subali't tinanggap lamang ang mapait na kalamigan ni Tonya. Lumisan si Insiang na hindi lumingon kay Tonya, na pinagmamasdan nang lubos sa nakarehas na bintana ng kanyang kulungan, ang kanyang mukha ay puno ng kapitahan, pag-ibig at kapatawaran.[1]
Mga gawad
Gawad FAMAS
Taon | Resulta | Kategorya/(Mga) nakatanggap |
---|---|---|
1977
|
Nanalo
|
Pinakamahusay na Pangalawang Aktres Mona Lisa |
Nanomina
|
Pinakamahusay na Aktres Hilda Koronel Pinakamahusay na Direktor Lino Brocka Pinakamahusay na Pangalawang Aktor Ruel Vernal Pinakamahusay na Pelikula |
Gawad Urian
Taon | Resulta | Kategorya/(Mga) nakatanggap |
---|---|---|
1977
|
Nanalo
|
Pinakamahusay na Pangunahing Aktor Ruel Vernal |
Nanomina
|
Pinakamahusay na Pangunahing Aktres Hilda Koronel Mona Lisa Pinakamahusay na Direksiyon Lino Brocka Pinakamahusay na Editing Augusto Salvador Pinakamahusay na Dulang Pampelikula Mario O'Hara Lamberto E. Antonio Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon Fiel Zabat Pinakamahusay na Sinematograpiya Conrado Baltazar Pinakamahusay na Pelikula |
Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila
Taon | Resulta | Kategorya/(Mga) nakatanggap |
---|---|---|
1976
|
Nanalo |
Pinakamahusay na Aktres Hilda Koronel Pinakamahusay na Sinematograpiya Conrado Baltazar Pinakamahusay na Pangalawang Aktor Ruel Vernal Pinakamahusay na Pangalawang Aktres Mona Lisa |
Tingnan din
Sanggunian
Mga panlabas na kawing
- Insiang sa Datobaseng Pelikula ng Internet
- Database of Philippine Movies: Insiang
- Sari-Saring Sineng Pinoy: Ano'ng Uring Babae Si INSIANG?
- Reverse Shot: Insiang
- kabayancentral.com: Insiang Naka-arkibo 2008-12-29 sa Wayback Machine.
- Slant Magazine/Film: Insiang
- Hernando, Mario A. (27 Hulyo 2011). "25 Most Memorable Films". The Philippine Star. Nakuha noong 28 Hulyo 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]