[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Huainan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hindi na suportado ang printable version at posibleng may mga error ito sa pag-render. Paki-update ang mga bookmark niyo sa browser at pakigamit na lang po ang default na print function ng browser niyo.
Huainan

淮南市

Kwainan
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Huainan sa Anhui
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Huainan sa Anhui
Bansa Tsina
LalawiganAnhui
Mga dibisyong antas-kondado7
Mga dibisyong antas-township66
Sentro ng munisipyoTianjia'an District
(32°37′N 116°59′E / 32.617°N 116.983°E / 32.617; 116.983)
Pamahalaan
 • Kalihim ng CPCShen Qiang (沈强)
 • AlkaldeWang Hong (王宏)
Lawak
 • Antas-prepektura na lungsod5,533 km2 (2,136 milya kuwadrado)
 • Urban
1,492.3 km2 (576.2 milya kuwadrado)
 • Metro
1,985.6 km2 (766.6 milya kuwadrado)
Populasyon
 • Antas-prepektura na lungsod2,333,896
 • Kapal420/km2 (1,100/milya kuwadrado)
 • Urban
1,666,826
 • Densidad sa urban1,100/km2 (2,900/milya kuwadrado)
 • Metro
1,938,212
 • Densidad sa metro980/km2 (2,500/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+8 (CST)
Kodigo ng lugar554
Kodigo ng ISO 3166CN-AH-04
Unlapi ng plaka ng sasakyan皖D
Huainan
Tsino淮南
Kahulugang literal[(Mga) Lupaing] Timog ng Ilog Huai

Ang Huainan ay isang antas-prepektura na lungsod na may 2,334,000 katao sa gitnang Anhui, Tsina. Ipinangalan ito mula sa Prinsipalidad ng Huainan noong panahong Han. Hinahangganan nito ang panlalawigang kabisera ng Hefei sa timog, Lu'an sa timog-kanluran, Fuyang sa kanluran, Bozhou sa hilagang-kanluran, Bengbu sa hilagang-silangan, at Chuzhou sa silangan. Isa ang Huainan sa kaibuturang mga lungsod ng Hefei Metropolitan Circle,[1] at kilala ito sa industriyang karbón (coal) at sa mga thermal power station. Ang built-up area nito ay may 1,938,212 katao noong 2010.[2] Ang bulaklak ng lungsod nito ay Tsinong rosas (Rosa chinensis), at ang puno ng lungsod nito ay ang Old-World Plane Tree (Platanus orientalis). Itinuturing din itong lugar ng pagsibol ng tokwa.[3][4]

Heograpiya

Ang sentrong urbano ng antas-prepektura na lungsod ay nasa isang kapatagan sa katimugang pampang ng Ilog Huai at hinahangganan ng Lawa ng Gaotong sa silangan at kagubatang burol na lugar sa timog. Sa kanluran naman ang Distrito ng Bagongshan at ang Shou County.

Mga paghahating pampangasiwaan

Ang antas-prepektura na lungsod ng Huainan ay nangangasiwa ng mga dibisyong antas-kondado, kasama ang limang mga distrito at dalawang mga kondado.

Ang mga ito ay nahahati pa sa 66 na mga dibisyong antas-township, kasama ang 24 na mga bayan, 23 mga township at 19 na mga subdistrito.

Mapa
Sonang pagpapaunlad ng makabagong teknolohiya

Klima

Datos ng klima para sa Huainan
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Katamtamang taas °S (°P) 6.8
(44.2)
9.2
(48.6)
14.1
(57.4)
21.0
(69.8)
26.4
(79.5)
30.1
(86.2)
32.0
(89.6)
31.0
(87.8)
27.2
(81)
21.9
(71.4)
15.4
(59.7)
9.0
(48.2)
20.3
(68.5)
Katamtamang baba °S (°P) −1
(30)
1.1
(34)
5.3
(41.5)
11.3
(52.3)
16.8
(62.2)
21.5
(70.7)
24.7
(76.5)
23.6
(74.5)
19.0
(66.2)
12.8
(55)
6.4
(43.5)
0.7
(33.3)
11.9
(53.4)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 24.2
(0.953)
30.5
(1.201)
50.6
(1.992)
36.4
(1.433)
60.5
(2.382)
100.7
(3.965)
162.0
(6.378)
101.8
(4.008)
46.0
(1.811)
39.5
(1.555)
29.1
(1.146)
16.7
(0.657)
698.0
(27.48)
Sanggunian: [1]

Ekonomiya

Isang pangunahing sentro ng pagmimina ng karbón ang Huainan, na may 43.28 milyong tonelada ng nagagawang bato noong 2006.

Ginanap sa lungsod ang ika-17 China Tofu Cultural Festival noong Setyembre 15–17, 2010, kasama ang National Bean Products Exhibition.[5]

Mga sanggunian

  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-07-02. Nakuha noong 2019-06-19.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.citypopulation.de/php/china-anhui-admin.php
  3. "Huainan Tofu". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-26. Nakuha noong 2019-06-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. William Shurtleff; Akiko Aoyagi (Mayo 2013). History of Tofu and Tofu Products (965 CE to 2013). Soyinfo Center. p. 55. ISBN 978-1-928914-55-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-05. Nakuha noong 2019-06-19.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)