Hindi na suportado ang printable version at posibleng may mga error ito sa pag-render. Paki-update ang mga bookmark niyo sa browser at pakigamit na lang po ang default na print function ng browser niyo.
Ang damit panisid o kasuotang pangsisid ay isang uri ng pananggalang na damit na isinusuot ng mga pang-iskubang maninisid kapag lumalangoy sila sa loob at ilalim ng mga karagatan, lawa, at ilog. Nakakatulong sa insulasyon o pagpapanatili ng init ng katawan ng tagasisid o manlalangoy habang nakababad sa malamig na tubig. Maraming mga uri ng pansisid na kasuotan, kabilang mga damit pambasa at tuyong damit.