Batman
Batman | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Tagapaglathala | DC Comics |
Unang paglabas | Detective Comics #27 (Mayo 1939) |
Tagapaglikha | Bob Kane Bill Finger |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Ibang katauhan | Bruce Wayne |
Kasaping pangkat | Batman Family Justice League Wayne Enterprises Outsiders |
Kilalang alyas | Matches Malone |
Kakayahan | Mala-henyong antas ng karunungan, Maestrong detektib, Maestrong escapologist, Nara rurok ng kondisyong pisikal, Maestrong Sining Marsyal, Paggamit ng mga high-tech na mga kagamitan |
Si Batman ay isang kathang-isip na karakter na ginawa ni Bob Kane. Isa si Batman sa mga kilalang characters ng DC Comics. Ang kanyang sikretong pangalan ay si Bruce Wayne,isang mayaman at playboy na tao. Kung iyong titingan may pagkakahawig si Batman kay Superman dahil binase ito kay Superman.
Kasaysayan
Sa pagtanyag ng Superman ay may na isip si Bob Kane na gawing Character ito ay pinagalan niyang The Bat-Man. Merong mga binago si Bill Finger sa batman, ang unang idea kasi ay ang paglagay ng domino mask kay batman pero ang naisip ni Finger ay ang paglagay ng cowl. madami ring na bago sa itsura ni batman ang pakpak niya ay pinalitan ng sumbrero dinagdagan rin nila ito nga mga damit-kamay (gloves) at bota.
Pinagkuhaan
Noong si Bruce ay 6 taong gulang ay nahulog siya sa isang cuweba na puno ng mga paniki. 8 taong gulang naman siya ng pinatay ni Joe Chill ang kanyang magulang at dahil dito naging Batman siya.
Ibang Media
Sa taong 1989 ay pinalabas sa mga sinihan ang Batman (1989), si Michael Keaton ang gumanap ng role na batman at Jack Nicholson bilang Joker. Dahil sa tagumpay ng Batman (1989) ay gumawa sila ng bagong sequel na pinagalanan na Batman Returns pinalabas ito sa taong 1992. Ang Batman Forever ay ang pagatlong sequel ng Batman (1989) munit hindi na bumalik si Keaton bilang Batman imbis ay pinalitan na ito ni Val Kilmer. Sa pang-apat na sequel ay hindi naging matagumpay ngunit ang video game nito ay naging pinakamagandang video game ng Batman Franshice.
Dahil sa Batman (1989) at Batman Returns ay naging inspiration ito ng Batman The Animated Series. Ang Batman The Animated Series ay naging matagumpay ng animated TV show at ito'y nagkameron pa ng mga gantimpala. Noong 1996 ay gumawa ulit si Bruce Timm ng bagong proyekto at ito ang Superman The Animated Series dahil sa "STAS" ay binalik nila ulit ang batman at ginawan ng bagong Title na The New Batman Adventures(TNBA or Batman Gotham Knights). Ang Batman Begins ay lumabas sa sinehan noong 2005 na pinagbibidahan ni Christian Bale bilang Batman, ang kasunod nito ay ipinalabas noong Hulyo 2008 na pinamagatang The Dark Knight.