[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Numerasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang batayan ng pagsulat ng bilang o batayang pamilang, na nakikilala rin bilang numerasyon, sistemang numeral, o sistema ng numerasyon ay isang batayan o sistema ng pagsulat na angkop sa pagpapahayag ng mga bilang, o iyong isang titik pangsipnayan (titik ng sipnayan) angkop sa representasyon (pagkakatawan) ng mga bilang ng isang ibinigay na pangkat, na gumagamit ng mga tambilang (dihito) o ibang mga tanda sa isang paraan na hindi pabagu-pago. Matatanaw ito sa diwa na nagpapahintulot ng mga panandang "11" na maipapaliwanag bilang tandang binaryo sa tatlo, bilang tandang desimal ng labing-isa, o bilang isang tanda na angkop sa iba pang mga bilang na nasa loob ng iba't ibang mga batayan (bases).

Naaangkop na magagawa ng isang batayamg pamilang ang mga sumusunod:

  • Kumatawan sa isang magagamit na pangkat ng mga bilang (halimbawa na ang lahat ng mga buumbilang, o mga bilang na rasyunal)
  • Magbigay na ang bawat isang bilang ay kumakatawan sa isang natatanging pagkakatawan (o kahit na isang pagkakatawan pamantayan o saligan)
  • Magpaaninag ng kayariang panandaan at Bilnuran ng mga bilang.

Bilang halimbawa, ang karaniwang pagkakatawan o representasyong desimal ng mga buumbilang ay nagbibigay sa bawat isang buumbilang ng isang natatanging representasyon ng isang mayroong hangganan na sunuran (pagkakasunud-sunod) ng mga tambilang (dihito). Subalit, kapag ang representasyong desimal ay ginamit para sa mga rasyunal o totoong bilang, ang ganiyang mga bilang - sa pangkalahatan - ay mayroong isang walang hangganan o walang wakas na bilang ng mga representasyon, katulad ng 2.31 na maaaring isulat din bilang 2.310, 2.3100000, 2.309999999..., atbp., na ang lahat ng ito ay mayroong magkakatulad na kahulugan maliban na lamang ang para sa ilang mga diwang pang-agham at iba pang mga diwa o konteksto kung saan ang mas mataas na antas ng katumapakan ay ipinahihiwatig sa pamamagitan ng isang mas malaking bilang ng mga pigurang ipinakikita.

Ang mga sistemang pangnumero ay paminsan-minsang tinatawag na mga sistema ng bilang o sistema ng numero, subalit ang katawagan o pangalang iyan ay malabo o hindi malinaw, dahil maaari itong tumukoy sa iba't ibang mga sistema ng mga bilang, katulad ng sa sistema ng mga tunay na bilang, sa sistema ng mga bilang na masasalimuot (mga bilang na kumplikado), sa sistema ng mga p-adikong bilang, atbp. Ang mga sistemang ganito ay hindi kabilang bilang paksa sa artikulong ito.

Matematika Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.